Desiree Larrson SmithHuminto na ang sasakyan, hudyat na andito na kami sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa bahay namin. Napangiti ako dahil napaka-simple lang nito. Bagay na bagay lang sa isang simpleng pamilya.
Napatingin ako kay Evan na tuloy tuloy pumasok sa loob na walang pasabi sakin. Napayuko na lang ako saglit. Sabagay sino nga ba ako? I maybe his wife but never be his love one.
Buong byahe tahimik lang kami. Kahit ako, ayaw ko mag salita o mag tanong pa sakanya. Parang nadala na ako sa nangyari kanina sa elevator. Saka ang sakit ng panga ko pati na rin yong mata ko kakaiyak.
Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko na si Evan na nakahiga sa sofa. Bakit sya andyan? Lumunok ako at dahan dahang lumapit dito.
Nang nag pantay na kami. Don ko lang sya napag masdan. Ang bilis nya makatulog. Siguro napagod sya. Nakatakip yong braso nya sa nuo nya. Bahagya pa nakabukas ang labi nya. Namula ako nang napatulala ako sa mapupula nyang labi. Agad ako nag iwas ng tingin.
Nag lakad na lang ako pataas papunta sa master bedroom. Pumasok na ako dito at laglag balikat na nag tungo sa kama nito. Nahiga na ako agad. Napapikit ako nang mag lapat ang katawan ko sa kama. Parang don ko lang na-relax yong katawan ko.
Narelax sa lahat nang nangyari sa araw na to lalo na yong nangyari sa elevator. Kumirot na naman ang dibdib ko. Naalala ko kasi yong sinabi nya sakin sa elevator. I bit my lip
Ganon nya ba talaga kamahal si Tania? Ano ba ako dito. Isa ba akong kontrabida sa love story nila. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang ngayon, nakakulong na ako. Nakakulong na ako sa galit ni Evan sakin.
**
Nagising ako sa maingay na pag tunog ng cellphone ko. Pungas pungas na matang inabot ko ito sa side table. Without checking who's calling, sinagot ko ito.
"Hello.." namamaos kong sabi
"Good morning bes!" Oh si Vivoree pala ito
Tumayo na ako nang makita kong alas-7 na nang umaga. Inayos ko ang pinag higaan ko habang nakaipit ang cellphone ko sa tenga ko.
"Kamusta ang first night nyo naman ni Devil Evan"
Sa sinabi ni Vivoree nabitawan ko yong comforter at dali daling tinignan yong daliri ko na may sing sing. Confirmed! Totoo pala lahat nang nangyari kagabi kala ko panaginip lang. Kung kasal na kami ni Evan ibig sabihin...
"Hala Vivoree ibaba ko muna tong tawag ah? Pag luluto ko pa pala si Evan" nag mamadali na sabi ko
"Huh? Wag mo na ipag luto yan. Hayaan mo sya mamatay sa gutom!"
Hindi ko pinansin yong sinabi ni Vivoree dahil sanay na ako dito. Pero this is our first day! Unang araw ng buhay mag asawa dapat pag lutuan ko sya. Sana di pa sya nagigising sa kinatutulugan nya sa sofa.
Napangiti ako nang mapait ng mas pinili nya matulog sa sofa kaysa tabihan ako. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Uy bes joke lang ah? Pero some jokes are half meant! Charrot" tumawa ito sa kabilang linya.
Napailing iling na lang ako sa mga sinasabi nya "Loko ka talaga. Osya baba ko na ito ah?"
"Oo na! Ipag papalit mo na ako sa devil mong asawa hmp!" nag tatampo na sabi nito.
Tumawa ako "Babawi ako promise"
"Promise?"
Pinipigilan ko ngumiti dahil na-i-imagine ko yong itsura ni Vivoree ngayon na nag papa-cute na parang pusa.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (BOOK 1)
General FictionSPG/ Mature Content/ R-18 Kinasal si Desiree Larrson sa long time crush nyang si Evan Smith na may long time namang girlfriend. Arranged Marriage.. Makakabuti ba ito? Magiging masaya ba si Desiree dito? Lalo na't narinig nyang sinabi sakanya ni Eva...