Pagpasensyahan niyo talaga at hindi ko natutupad ang pangako na tuwing miyerkules ako maga-update. Sembreak man po namin eh mayroon naman po akong trabaho kaya pasensya na talaga. Pasensya na rin ho kung hindi ganoon kahahaba ang mga chapter, yan lang po kasi kinakaya ko.
Pero magkakaroon na po ng konting pagbabago. Pakiabangan na lang po. Sana maantay niyo. Bumebwelo lang ako. Yun lamang po at salamat. -JP
---------------------------------------------------
“Jaime, kailangan nating mag-usap.”
“Sige kuya sandali lang, ilalagay ko lang sa bag ko tong assignment ko.”
Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niyang pag-aayos nung assignment niya. At habang tinitingnan ko siya, nahati ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga nagawa ni tatay dati. Ngayon ko lang kasi napagtanto na bata pa talaga tong si Jaime. Baka mamaya hindi kayanin ng bata niyang isipan ang mga sasabihin ko sa kanya. Pero kung hindi ko yun sasabihin ngayon, kelan pa? Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagdadalawang-isip na nararamdaman ko. Sana lang tama ang gagawin kong pagsasabi sa kanya ng mga bagay na dapat niyang malaman. Sana walang pangit na maidudulot ang pagsasabi ko sa kanya ng totoo. Sana lang.
“Kuya bago mo pala sabihin ang mga sasabihin mo, gusto ko muna mag… “
“Mag-ano?”
“Mag… “
“Jaime sabihin mo na yan.”
“Kuya gusto ko mag s-sorry. Pasesnsya ka na kuya kung hindi ko man lang sinabi kahit alam kong mali. Ayoko lang naman na lumaki pa ang gulo. Kaya tinago ko na lang kung ano man ang alam ko. Iniisip ko kasi, ano naman yung pagsasabi ko ng totoo kung yun naman yung magiging daan para mag-away kayo ni tatay.”
“Naiintindihan ko ang punto mo, pero Jaime wag naman sanang tumatak sa isipan mong ayos lang na makapagsinungaling dahil ayaw mo ng gulo. Mabuti pa din na magsabi ng katotohanan kahit may masasaktan o magagalit. Dahil sa pagsasabi naman ng totoo, hindi naman natin maiiwasan ang bagay na yun. Diba sabi nga Truth hurts. “
“Naiintindihan ko kuya, pero sana kapag naulit ang pangyayaring ganon sana mapatawad mo ako ulit.”
“May tiwala naman akong hindi mo na yun uulitin.”
Hindi na ako sinagot ni Jaime at tinanguan na lang niya ako.
“Jaime handa ka na bang marinig ang kwento sa likod ng pagkagalit ko kay tatay?”
“Kung tungkol sa pamilya natin yan kuya, kahit ano pa yan, handang-handa akong harapin.”
Wala na akong magagawa kung siya na mismo ang nagsabi na gusto niya ng marinig ang puno’t dulo ng lahat ng hinanakit ko kay tatay.
“Hindi ko na matandaan kung ilang taon na ako nun, pero makalimutan ko man ang edad ko, ang pangyayari naman na yun ang hindi ko makakalimutan sa lahat. Ginawa niya din sakin yung pinagawa niya kanila Alfred at Joshua. At hindi yung pagsampa sa jeep ang tinutukoy ko, kundi yung pagpapabebenta niya ng shabu. Hindi naman ganun kahirap yung pinapagawa ni tatay kaya nga lang nung nagkahulihan dun ko nasabi sa sarili kong mali pala ang ginagawa ko. Malay ko naman kasing mali pala yun, eh ang tingin ko lang sa shabu dati, oxalic.”
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
Ficción GeneralMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.