Chapter six
Loreine POV
Ang araw na ito ay talagang nakakapagod.Hindi lang naman kasi kami pumunta dito para mag stay lang,nagpunta rin kami dito dahil upang malinis ang iba pang bahagi ng Mansion.
Unang nilinisan namin ay ang limang kwarto na hula ko isa dun ay kwarto ni Lorena.
Hindi rin kasi alam ni mama kung san banda yung kwarto ni Lorena.
Maging si Mang Reso ay di na rin nya matandaan.Naihatid na ni mang reso si aling kalipta kanina,at nang maihatid nya ang matanda,agad syang bumalik sa mansion upang tumulong sa paglilinis.
Tulong tulong kami sa paglilinis dahil tanging ang sala,kusina at mga kwarto namin ang palaging nalilinisan ni mang reso dahil yun lang kinakaya ng lakas nya.
Sa laki ba naman ng bahay na toh!sino naman kaya ang makakayang maglinis ng nagiisa ka lang.
"Loreine nak,tutungan mo akong ilipat itong sofa sa kabilang bahagi nitong kwarto"agad na utos ni mama kaya binitawan ko muna ang walis na hawak ko saka sya tinulungan sa pagbuhat ng sofa.
Eto na ang panglimang kwarto,kami ni mama ang naka tokang mag linis habang sila melody at Lannie kasama si papa ay nasa kabila naman,habang si mang reso ay nililinisan mag isa ang isa ring kwarto.
Nang mailipat na namin ang sofa ay agad namin itong pinagpagan dahil sa mga alikabok na nakakapit sa sofa.
"Ang ganda ng sofa na ito,mahal siguro ang presyo nito ngayon"sambit ni mama habang pinagpatuloy ang pag alis ng alikabok.
"Talagang mayaman ang ating ninuno ma,sa labas palang alam mo ng mayaman ang nakatira dito"sagot ko dito.
"Sabi ni lolo,ang dahilan daw ng mansion kung bakit itinayo sya sa gitna ng burol o gubat ay dahil upang maiwasan ang nakawan ng mga panahon na iyon.Sa taong itinayo ang mansion,uso daw ang pagnanakaw ng mga taong bayan dahil na rin sa kahirapan at walang ginagawa ang gobyerno,karamihan daw sa mga kaibigan ni Apo leonardoz na nakatira sa bayan,nanakawan na din ng nga alahas at ibat iba pang kagamitan na maaring mabenta"
"Kaya natakot si Apo Leornadoz nun kaya nagpasya sya na sa isang burol na medyo malayo sa bayan ipatirik ang kanyang pinapangarap na mansion.Agad na sumang ayon ang kanyang mga magulang at ang kapatid nyang si Lorena"pag kukwemto ni mama kaya napatango tango lang ako.
"Pero alam mo anak,ang mansion na ito ay puno ng misteryo"
"Hindi ko alam kung bakit pero,nararamdaman mo talaga na sa bahay na ito may nakatagong sikreto"dugtong nya pang sabi.
Agad akong kinilabutan sa mga nausal nya.
Hindi lang ikaw ang nakadarama ng ganyan mama,pati ako.Minsan ay nagpapakita pa sakin at nagsisimula na akong matakot at ma curious
Gusto ko sanang sabihin yan ngunit ayoko syang takutin,may sakit si mama sa puso kaya delikado na malaman nya ang mga ganong bagay,baka ma-heart attack sya ng wala sa oras.
Hindi na muna namin tinapos ang paglilinis dahil magpapahinga na muna kami,maaaring bukas pa namin ipagpatuloy ang paglilinis.
Dahil sa sobrang dumi ko na at malagkit narin ang aking katawan dahil sa pawis ay agad akong naligo.
Ilang minuto lang ay lumabas na ako sa Cr ng naka tuwalya lang.Wala naman makakakita dahil lahat ng kwarto na meron ang mansion na ito ay may sariling Cr kaya di na kailangan pang lumabas para gumamit ng bayo.
Habang nakatapis lang ng tuwalya ang aking basang katawan ay di muna ako nagbihis.Umupo ako sa harap ng salamin kung saan dun nakalagay ang lahat ng pampaganda ko
Sinimulan ko muna ang pagsusuklay sa mahaba at itim kong buhok,habang nakatitig sa sariling repleksyon.
Di ko maipagkaakila na may maganda akong pagmumukha tulad ni Lorena.At tulad ni Lorena ay may mahaba rin akong buhok.Gusto ko ma ito paputulan ngunit sa tuwing pinuputulan ni mama nung bata ako ay nagkakasakit ako ng mga malulubhang sakit.
Habang sinusuklay ko ang aking buhok biglang humangin ng malakas kaya nadala ng hangin ang aking buhok,mabuti na din ang ganon para madaling matuyo.
Habang humahangin ng malakas ay tinitigan ko ang aking sarili.
"Ano ba ang nangyayare?"
"May dapat ba akong lutasin kaya ganito ang mga nakikita ko?"tanong ko sa aking sarili
"Oo,meron"sagot ng isang tinig na nagpatayo ng aking balahibo.
Ng tignan ko ang kaliwang bahagi ng salamin isang babae ang nakaputi,siguro sya ang nagpakita sakin kanina sa may hardin.
"A-ano g-ginagawa mo d-dito"nauutal kong tanong sa kanya.
Hanggang ngayon ay di ko parin nasisilip ang kanyang mukha.
"Upang gabayan ka"sagot nya.
Malalim ang boses nya at kung hindi dahil sa buhok nya ay mapagkakamalahan ko syang lalake.
"Gabay?"
"Oo,gagabayan kita sa paglutas ng misteryo.Kaya wag kang matakot sakin"sagot nya pa dito,dahil sa sinabi nya ay medyo nakahinga ako ng maluwag.Hindi sya nakakatakot.
Hindi sya nakakatakot Loreine,gagabayan ka nya
Pag kokonbisi ko sa sarili ko
"Pero paano?"
"Hindi pa ito ang takdang panahon para malaman mo ang buong istorya,sa ngayon makikita mo ng paunti unti ang nakaraan at sa tamang panahon ay padudugtungin mo ang bawat nakikita mo"sagot nya
"Ano ba dapat kong gawin?"
"Baguhin ang nakaraan sa makabagong paraan"huling sabi nya at bigla na lamang sya nawala na parang bula.
"Baguhin ang nakaraan sa makabagong paraan"
"Baguhin ang nakaraan sa makabagong paraan"
"Baguhin ang nakaraan sa makabagong paraan"
"Baguhin ang nakaraan sa makabagong paraan"
Paulit ulit na naririnig sa aking isipan ang salitang huli nyang sinabi.
Babaguhin ang nakaraan sa makabagong paraan?
Paano?
Ano bang nanyare sa panahon ni Lorena at kailangan baguhin ang nakaraan?
Eto ba ang dahilan kung bakit kamukha ko ang sinaunang Lorena?
"Walang asawa o anak si Lorena dahil maaga syang namatay ng di malamang dahilan,at hanggang ngayon ay isa paring misteryo ang kanyang pagkamatay"
Bigla kong natandaan ang sinabi ni Mang reso tungkol kay Lorena.
Tama!namatay si Lorena sa di malamang dahilan,at nandito ako na kamukha nya upang alamin ang dahilan ng pagkamatay nya.
Kung ganon,sino naman ang babaeng nakaputi na syang gagabay sakin,anong koneksyon nya kay Lorena,at bakit ayaw nyang mapalapit ako kay damon na kakakilala ko lang kanina.
*'*'*'*'*'*'
Winnie na nakakatakot sa umaga:maraming salamat sa nagbabasa,lam ko naman na di ako famous pero salamat parin atleas may bumabasa na ng works ko.
Ayun lang enjoy reading!!
YOU ARE READING
Mansion De Luna
Gizem / GerilimMansion De Luna. Mansyong di mo inaakalang may nakatagong sikreto. Sikretong naka-konekta sa isang tao. Taong syang maghahanap ng sikreto na nakatago. Sikretong ilang dekada na ang lumipas Malalaman kaya ng ating bida ang sikreto na ito? O Mananati...