MAG-AALAS ONSE na ng gabi nang makarating ako ng mansion. Mabilis akong pinagbuksan ng gate ni Mang Tonyo, ang matandang matagal ng nagtratrabaho sa amin. Maliit pa lamang kami nina Kuya Greg, naririto na ito. Dahan-dahan kong binuksan ang salamin ng aking gamit na kotse. Binati ko siya sa pamamagitan ng pagsaludo dito. "Magandang gabi Mang Tonyo, kamusta po?" Nagagalak kong sabi rito.
Nginitian niya lamang ako pagkatapos, tutal walang pasok bukas. Minabuti kong bumaba muna at makipagkuwentuhan dito. Agad kong ibinigay ang ipinatake-out kong burger at fries dito.
"Salamat dito Alden iho, nag-abala ka pa." napapangiti niyang sabi, habang itinatabi nito ang mga iyon. Kasalukukuyan itong humihigop sa tinimplang kape. Nag-offer itong ipagtitimpla ako ng kape, ngunit magalang ko itong tinanggihan.
"Nagkape na po ako kanina, Mang Tonyo sa bahay ng nobya ko," paliwang ko rito.
"Ah ganoon ba iho, doon ka ba galing?" Agad niyang tanong sa akin, matapos siyang humigop sa kapeng tangan nito.
"Opo Mang Tonyo, doon nga po ako galing." Patuloy lamang siya sa dahan-dahang paghigop. Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan, bago muling umimik.
"Kung 'di mo mamasamain Alden, puwedi bang magtanong sa iyo ng tungkol sa nobya mo."
Dahil sa tinuran nito, bigla akong nagkaroon ng interes sa mga sasabihin ng matandang lalaki sa akin.
"Oo naman po, as long makakaya kong sagutin ang mga tanong mo Mang Tonyo," nakangiti kong sabi dito.
Mataman ko lamang siyang tinitignan, habang napapasindig ako sa hamba ng aking kotse. Tumabi ito sa akin matapos ang ilang sandali.
"Si Maine diba ang nobya mo ngayon Alden?"
"Po? Opo, paano niyo siya nakilala Mang Tonyo?" Gulat at nagtatakang tanong ko rito. Napangiti lamang ito kapagdaka,
"Oo Alden, kilala ko si Maine. Dati kasi siyang nobya ng kuya Greg mo. May isang beses pumunta siya dito, pero matagal nang panahon iyon."
Bigla akong linukuban ng kakaibang damdamin dahil sa sinabi ni Mang Tonyo, nawalan ako ng gana. Nagulat pa siya nang bigla akong tumayo ng tuwid, habang nakatingin lamang ako sa malamig na kalsada.
"Sige po Mang Tonyo, ako'y mauuna ng pumasok sa loob." Sabi ko dito, mabilis na lamang akong pumasok sa aking kotse.
Nagtataka naman na sinundan lamang ako ng tingin nito, wari' y nababanaag niya sa tono ng aking boses ang pananamlay.
Tumango ito pagkatapos, habang pinapaandar ko na ang kotse papasok ng garahe. Matapos kong maiparada sa loob, hindi muna ako bumaba. Hinayaan kong mapayapa ang loob ko.
Hindi ko maiwasan na manibugho sa tuwing maririnig ko sa ibang tao ang tungkol sa naging relasyon ni Maine at ng kapatid ko.
Biglang naputol ang malalim kong pag-iisip ng may kumatok sa salamin ng aking pintuan. Lalong sumama ang loob ko ng mapagsino ko, kung sino ang taong kumatok sa salamin ng aking kotse.
"Bakit ngayon ka lamang Alden, si Bridgette. Ilang oras ka niyang hinintay, kakahatid ko lamang sa kaniya. Dahil kasabay niyang pumunta dito sina Tita kaya wala siyang nasasakiyan pag-uwi. Kung 'di ko pa siya pinilit, hindi siya uuwi. Natitiyak kong nandirito pa siya at naghihintay sa'yo." mahaba niyang sabi pagkalabas ko pa lamang ng aking kotse.
Tinignan ko lamang siya, tatalikuran ko na siya ng bigla ay mahigpit niyang hinawakan ang siko ko. Marahas kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa siko ko.
"Huwag na huwag mo kong mahawak-hawakan kuya, kung kayo nalang sana ang magpakasal mas okay pa!" Galit kong sabi dito.
Nanatili lamang siyang nakatunghay sa akin. Hindi ako nagpatalo, linabanan ko siya gamit ang mata ko. Siya ang unang nagbawi.
"W-Wala na tayong magagawa Alden, ikaw ang gustong pakasalan ni Bridgette. Hayaan mo kumpara naman kay Maine, mas 'di hamak na. . ." ngunit hindi ko na siya pinatapos, agad ko siyang kinuwelyuhan.
"Sige kuya, subukan mong ituloy ang sinasabi mo at hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mukha mo!" Nanggigigil kong sabi.
Narinig kong nagtagis pa ang ngipin niya, habang marahas niyang inaalis ang mahigpit kong pagkakahawak sa kuwelyo niya. Marahas niya akong itulak pagkatapos, malakas ang pagkakabalya ko sa pintuan ng aking kotse. Upang tumunog iyon ng pagkalakas-lakas. Susuntukin na sana niya ako ng biglang pumagitna sa amin si Daddy, nasa mga mata nito ang pagkabigla at panggigilalas.
"Magsitigal kayo, ano bang problema niyong magkapatid at kailangan niyong magsuntukan. Huwag niyong sabihin na dahil sa babaeng iyon, kaya kayo nagkakaganiyan!" Bulyaw nito sa amin, nasa tinig din ang pag-iingat. Sapagkat baka bigla na naman itong atakehin sa puso.
"Tanungin mo ang paborito niyong anak!" Sagot ko rito, habang nakatutok ang mata ko kay kuya Greg. Mabilis akong umalis sa kanilang harapan, si Mama nanatiling nakasunod lamang ng tingin sa akin.
Tila nagulat ito sa inakto ko. Mabilis akong naglakad, agad na pumasok sa silid at inilock iyon. Matagal akong nakatitig sa itaas ng kisame ng silid ko. Nang biglang, nag-ring ang cellphone kong nasa loob ng aking bulsa.
Biglang napawi ang sama ng loob ko ng mga oras na iyon, nang makita kong si Maine my labs ang tumatawag.
"Hello labs," masigla kong sabi. Habang inilapat ko sa may lamesa ang aking cell phone. Hinayaan kong nakaloud speaker ito, nakarinig ako ng mabibigat na tunog ng sapatos mula sa labas ng aking pintuan. Patumbok ito sa harapan ng pintuan ng aking silid. Nagpapalit na rin ako ng damit.
"Hai! Nakauwi ka ba ng maayos my labs? Matulog kana. Late na oh," pagpapaalala niya sa akin. Bigla akong kinilig sa simpleng mga pangungusap na galing sa kaniya.
Mabilis akong kumuha ng mineral bottled water sa mini ref na nasa loob ng aking kuwarto. Ramdam ko pa rin ang presensiya ng kapatid ko sa labas. Tila may balak pa itong makinig sa usapan namin ni Maine.
"Oo heto na matutulog na labs, maaga pa kitang pupuntahan diyan diba?" Sagot ko rito matapos makainom.
Matagal siyang hindi nakaimik, tila ba nakikiramdam mo na siya.
"Ah siya nga pala Alden, puweding sa ibang araw nalang tayo mag-umpisang magreview? May pupuntahan kasi ako bukas ng maaga."
Ewan, pero bigla akong nalungkot sa naging sagot niya. Mayamaya, "Hindi ba't may pupuntahan din kayo nina Angel bukas ng gabi? So it means, hindi kita makakasama bukas labs."
"Pasensiya na Alden, may kailangan lamang akong asikasuhin bukas. Hayaan mo babawi ako sa iyo pagkatapos," malambing niyang sabi.
Pumayag na lamang ako, kahit ang totoo masama ang loob ko. Pero biglang nawala iyon ng maisip kong babawi naman ito sa ibang araw. Napangiti akong muli at masaya na siyang kinausap.
Nakipagbiruan pa ko dito, kaya hindi ko na namalayan ang pag-alis ng kuya ko.
Nakatulog ako sa gabing iyon na si Maine ang laman ng isip ko. Maski sa panaginip kasa-kasama ko pa rin siya.
Sana nga hindi na matapos ang lahat ng ito, sana kung kaya ko lamang hawakan ang bawat pagdaan ng mga oras. . .
Hahayaan kong manatili na lamang si Maine sa tabi ko, para maramdaman niyang kahit kailan hinding-hindi ko siya iiwan. Ano man mangyari. . .

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...