14

59 0 0
                                    

Lexi's POV:

I screamed in pain when he slapped me.
Napasubsob pa ako sa malamig at matigas na sahig.
Nalasahan ko ang dugo na tumutulo mula sa bibig at ilong ko.

Napahagulgol ako ng hilain niya pataas ang buhok ko. "M-maawa ka, kung sino ka man T-tama na! Masakit na!"

"Maawa? Marunong din pala kayo magmakaawa! Akala ko ba kayong mayayaman ay 'di maronong matakot?" dumadagungdong ang boses niya habang galit na galit.

Napahiyaw ako nang hilain niya ako patayo at kinaladkad papunta sa kung saan.

Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam kung saan ako ngayon, kung ano ang lugar na ito at kung sino ang mga taong nasa paligid ko.

Naramdaman ko na lang na may malamig na bagay napinalupot sa mga paa at kamay ko.
Sinubokan ko pang lumaban upang hindi niya maitali ang bagay na iyon na sa tansa ko ay isang kadena, pero wala akong magawa sa lakas niya!

Napakagat labi ako dahil sa higpit nang pagkagapos niya sa akin at bukod pa doon ay humahapdi pa ang mga sugat ko sa katawan.

"Hindi ko na kaya ito!" muling tumulo ang mga luha ko!

Hinang-hina na ako dahil sa matinding bugbog na tinamo ko sa taong ito.

"T-Tama na po, pakawalan mo na ako at i-balik sa amin!" mahina kong pakiusap.

"Ibalik?" Isang tadyak ang dumapo sa aking tagiliran. "Ibabalik lang kita kung bangkay ka na!"

Nanimilipit ako sa sakit at halos maputol ang aking paghinga. "Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?"

"Ikaw ang kabayaran ng kasalanan ng ama mo at Lola sa akin." Sinabunutan niya ako habang nakakadena ang mga kamay ko at paa.

Napangiwi naman ako sa ginawa niya!

Bigla ko na naalala ang huling pag-uusap namin ni Daddy tungkol sa taong tumangka sa aking buhay. Nabanggit niya nga hindi si Ian ang salarin kundi iba...

Napalunok ako bago muli magsalita habang ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa aking buhok. "Ahh, I-ikaw ba ang bumangga sa kotse ko noon?"

"Tumpak!" Binitawan niya ang buhok ko at pagkatapos ay pumalakpak ito. "Magaling! ang galing mong manghula."

Nagtagisan ang aking mga ngipin.

"K-Kung ganoon! ikaw ang dahilan kung bakit na bulag ang mata ko?
ikaw gumawa noon?"

"Yes, sempleng sagot niya.

"HAYOP KA!..." Malakas na bulyaw ko sa kaniya. "Sabihin mo sa akin, ano ang kasalanan ni Daddy at Lola sa iyo?
bakit ganoon na lang ang galit mo at pati ako ay dinamay mo?"

Nagulat na lang ako at napaigik sa sakit nang bigla niyang inuntog ang ulo ko sa matigas na bagay!
Tila umalog ang utak ko at may mainit na likidong humahagos mula sa aking ulo.

"Buhay ng mahal kong babae ang sinira nila! Nawala siya dahil sa ama mong walang bayag!" Nanggigigil at mariin niyang sabi. "Ang Lola mo naman ay masyadong malupit!" Halos mamatay ako sa bugbog ng mga tauhan ng Lola mo noon. Kahit nagmamakaawa na ako na tama na pero hindi sila nakinig sa halip ay inutasan pa niya ang kaniyang mga tauhan na itapon ako sa labas nang hacienda."

Tila humurong ang dila ko dahil sa narinig.

"Ngayon, bumalik ako para maghiganti." Humahalakhak siya na tila nasiraan ng bait. "Tingnan lang natin kung maililigtas ka pa nang ama mong duwag!"

Narinig ko pa ang mabibigat niyang mga yabag na lumabas mula sa kinaroroonan ko.
malakas niyang sinara ang pintuan at tila ni lack niya pa ito. Wala akong nagawa kundi mapait na umiyak!
Totoo ba ang lahat na sinabi niya? Sino ang tinutukoy niyang babae?

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon