Chapter Ten

6 2 0
                                    

10: Hug

"Kuyaaaaa laro tayooo" rinig na rinig ko ang boses ng batang si Susie habang inaalog ang braso ni Caspian.

Ngayon ko nalang ulit sya nakita matapos ang pagka aksidenta nya sa tricycle noong nakaraan.

Malayo palang tanaw ko na si Caspian na nakatayo at nakayukong nakangiti sa batang babae.
Tila kumikinang sya sa kaputian at hinahangin ang makintab nyang buhok.

Naangat ang atensyon nya at nasilayan nya ko. Nawala ang ngiti sa mga labi nya at sinimulan akong titigan ng seryoso.

Napahinto ako sa paglalakad palapit sakanila. I never saw him look at me the way he do right now.
There is something in his eyes that can make me feel warm.

"Ate aspen!" nalipat ang atensyon ko kay Susie ng magsimula syang tumakbo papalapit sakin.
"Oh dahan dahan lang, ikaw talaga diba na-injured yang paa mo?" nakangiti syang lumapit sakin.

"Ok na ko ate kaya nga inaaya ko si Kuya Caspian maglaro ehh" hinawakan nya ang kamay ko at nagsimulang maglakad kaya napasunod nalang din ako sakanya.

Nakalapit na kami kay Caspian at iiling iling syang nakangiti saming dalawa.
"Kuya dali naaaa" pamimilit ni Susie.

Napatingin sya sakin at napa kibit balikat nalang ako.
"O sige sige, tutal andito naman na si ate Aspen mo maglalaro tayo" mas lumawak ang ngiti sa labi ng batang babae.

Muling tumingin sakin si Caspian, "Maglalaro tayo, hahabulin tayo ni Aspen!" at bigla silang kumaripas ng takbo palayo saken.

Nagulat ako kaya napatawa nalang ako. Mga madaya! Hindi ako na-inform.

Since tumatakbo na nga sila wala na kong nagawa kaya habulin sila.
"Wag kang magpapahabol sakanya, Susie dalian mong tumakbo" rinig kong tawang saad ni Caspian.

Abaaaa, pinagtutulungan ba ko ng dalawang toh?

Nang masyado na kong tumatakbo ng matagal ay hiningal ako at napaupo sa gitna ng kalsada.
Napatigil sila sa pagtakbo at tatawa tawang pinagmasdan ako.

Lumapit sakin si Caspian, "Pagod ka na agad?" nilahad nya ang palad nya sakin.
Inosente ko syang tiningnan at inabot ang kamay nya upang makatayo.

"Taya!" mabilis akong tumakbo palayo sakanya at tawang tawa ako sa ginawa kong kalokohan.

Hindi dapat ako ang taya, nakakahingal kaya!
"Susie dali, si kuya mo na ang taya takbo naaaa!" nagsimula nanamang tumakbo ang hindi magkamayaw na si Susie nang simulan kaming habulin ni Caspian.

Napakabilis nyang tumakbo kaya kahit nakalayo na ko sakanya ay nagawa nyang paliitin ang distansya ng aming pagtakbo.

Hindi ko na kinaya kaya bahagyang bumagal ang aking pagtakbo at naabutan ako ng tayang si Caspian.
"Huli ka!" hawak nya na ang balikat ko at parehas kaming humahalakhak habang hinahabol ang aming paghinga.

Muli akong napaupo sa sahig kasama sya at parehas kaming tila maubusan ng hininga sa lalim ng pagtawa.
"Andaya.... ambilis mo tumakbo eh-" hingal ko pang saad.

"Mabagal ka lang tumakbo"

Kung ano ano pang mga larong pang kalye ang ginawa namin katulad ng patintero, tumang breso at piko na sya talagang kinahingal ko.

Grabe tong dalawa toh, ang lakas ng energy. Ganon siguro talaga kapag nasanay ka na sa mga gantong gawain.

Hindi tulad ko, ngayon lang sa buhay ko nasubukan kong makapag laro ng ganito.

Marami akong nadiskubre kay Caspian matapos ang araw na ito. Mabilis syang tumakbo, maliksi at talagang masigla. Yung mga tipo ng lalake na masarap kasama kasi nakakalibang.

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now