Chapter 2 Heartbeat

28 2 0
                                    

"Lily ano pa ang wala sa bahay?" Tanong ni tita sakin habang nagtitingin tingin sa paligid ng pwedeng bilhin. "Wala na pong tissue sa banyo at wala na rin pong asukal".

Nasa mall kami ngayon at nagogrocery. Mabilis lang maubos ang mga gamit namin sa kusina dahil mahilig magluto si tita. Sa katunayan pinagkakakitaan niya ito.

Marami ang nagpapaluto sa kanya kapag may mga okasyon like birthdays or blowouts. Syempre ako ang assistant niya kaya hati kami sa mga binabayad sa kanya.

Minsan nga ay hinihiling ko na sana marami pang magpaluto para makaipon ako kahit na nakakapagod.

Ng madaanan namin ang mga tissue ay kumuha ako ng isang supot na maraming laman. Puno na ang trolley namin sa ang dami nilang pinagpupupulot. Sabagay ay magagamit naman.

"Lily bahala ka munang magtingin tingin ng mga wala sa bahay may titignan lang ako sa mga appliances" Sabi ni tita. "Ma pwede kumuha ng chocolates?" Tanong ni Tiff na nagpacute pa sa nanay niya.

May pagkaisip bata itong si Tiff kahit na siya ang panganay sa  kanila ni Bea. Mas mature si bea, at kung mas matangkad lang sana siya kay Tiff ay siguradong iisipin mong si Bea ang panganay. Matangkad si Tiff, sa katunayan ay masmatangkad pa ito kaysa sakin.

"Wag ka na namang kumuha ng hindi mo makakain, Bea samahan mo ang ate mo baka kung ano ano na naman ang pupulutin niya" Sabi ni tita sabay alis. Tumingin naman sakin at sa trolley si Bea at alam ko ang klase ng tingin na iyon. "Sige na samahan mo na ang ate mo at maglilibot din ako" Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Pagka alis nila nagsimula na rin akong maglibot para tumingin ng mga bagay na wala sa bahay. Kumuha ako ng mga butter para sa pancake na binabalak kong lutuin bukas. Pati na rin ang white and brown sugar. Marami pa namang flour at baking powder sa bahay kaya di na ako kumuha.

Tulak tulak ko ang trolley nang mapadaan ako sa mga lotion, facial wash, at iba pang gamit sa katawan ay bigla kong naalala na ubos na pala ang perfume ko.

Hinanap ko ang stand ng mga perfume at nagtingin tingin. Sa penshope ako bumibili ng mga perfume pero since nandito naman na ako titingin na lang ako baka sakaling may magustuhan ako.

Napatigil ako ng may pabango na nakakuha ng atensyon ko dahil sa kakaibang itsura ng lalagyan nito, magisa na lang ito siguro ay nabili na yung iba. It's simple, but elegant.

Ng kukunin ko na ito ay may nakasabayan ako sa pagkuha. Ako ang unang nakahawak kaya ang kamay ng kukuha sana nito ay naipatong sa kamay ko. Ang drama tignan, at pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko ng panandalian.

Dahil sa bigla sa parang kuryente na dumaloy mula sa aming kamay na magkadikit ay bigla kong nabawi ang kamay ko dahilan para mahulog ang kaninay hawak ko na perfume. Ngunit mabilis ang kamay ng lalaki dahil nasalo niya ito bago pa man mahulog sa lapag.

Oo lalaki dahil kita ko ang ugat sa kamay nito. Abot abot ang kaba ko dahil doon, babasagin pa man din yung lagayan. Siguradong mahal ito.

Bahagyang nakayuko ang lalaki dahil sa pagsalo niya sa perfume. At ng magangat ito ng tingin sakin ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko na halos sumakit na ang dibdib ko.

Siya yung lalaki na nakasalubong ko na nasa gitna ng daan kahapon. Ngayon na magkalapit na kami ay mas lalo lang akong namangha sa itsura niya. Ang simple lang ng damit niya pero nangingibabaw parin ang kagwapuhan niya.

Nakasuot siya ng red V-neck shirt, short na umaabot hanggang tuhod at sapatos. Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang tinitigan at kung di pa siya nagsalita ay sigurdong nakatulala pa rin ako.

"Here" Sabi niya sabay abot ng perfume. Hindi ko maiwasang punahin ang boses niya, ang sarap sa pandinig.

Ano ba yang pinagiisip mo lily! Dahil sa hiya ay napaiwas ako ng tingin sa muka niya at ibinaling ang tingin sa perfume na nasa kamay niya.

Napalaki ang mata ko ng makita ko ang presyo nito na nakadikit. 1,800 pesos?! grabe grabe ang pasasalamat ko at nasalo niya, siguradong babayaran ko ito pagnabasag ng tuluyan.

"Uhm... Wag na, iyo na lang." Sabi ko ng hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil sa hiya.

"No its okay, you got it first" Sabi niya habang seryosong nakatingin sakin. Bat ba ganun ang mata niya, nakakaintimidate.

"H-hindi, wala naman akong balak bilhin yan eh. Nagandahan lang ako kaya ko kinuha. At saka wala akong perang pambayad diyan. Iyo na lang" Nahihiya kong sabi ko sabay marahang tulak ng kamay niya na nakalhad sakin.

Napatingin siya sakin at saka sa trolley na hawak ko sa gilid ko. "Okay then, thanks" Sabi niya at bahagyang ngumiti bago umalis. Pakiramdam ko ay sobrang init ng muka ko.

Dalawang beses pa lang kaming nagkita pero ang dami niya ng ipinaramdam sakin na ngayon ko lang din naramdaman.

Nagkaka crush naman  ako school pero hindi ko naman naramdaman ang mga ipinaparamdam niya sakin. Napahawak ako sa aking dibdib at saka huminga ng malalim.

Pagkatapos naming mabayaran ang mga pinamili namin ay ipinunta muna namin sa sasakyan ang mga groceries at pumasok ulit sa loob ng mall para kumain ng lunch.

Habang kumakain ay di parin mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina. Nakakahiya ang inakto ko sa harap niya. Feeling ko ay ang landi ko na huhuhu.

"Ate okay ka lang ba? Namumul ka" Inosenteng sabi ni Tiff. Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. "Okay lang ako, wala to" Sagot ko sabay pilit na ngumiti.

Marami pa kaming pinasukang shop sa mall bago sila nagaya umuwi na. 4 na ng hapon ng makarating kami sa bahay. Inayos ko saglit ang mga pinamili namin bago umakyat sa taas para magpalit.

Pagkatapos kong magpalit ay dumungaw ako sa bintana at pumangalumbaba. Hindi maalis sa utak ko yung lalaki.

Mula sa bintana ng kwarto na tinutulugan ko ay tanaw sa baba ang mga nagdadaanang mga Trycicle, kotse, motor at mga tao. Maya maya lang ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nagjojogging.

Napaayos ako ng pagkakatayo ng makumpirma na siya nga iyon, yung lalaki kanina sa mall at yung lalaki sa daan kahapon. Tinanaw ko siya mula sa hintana.

Napakunot ang aking noo ng bigla siyang huminto sa harap ng gate, nasa kabilang kalsada siya at nakatingin lang ito sa gate o siguro ay sa loob dahil ang gate ng bahay ni tita ay half-half may harang sa baba at sa taas nito ay tanaw mo na ang loob.

Ano kayang tinitignan niya? Halos mapatalon ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko, alam kong huli na ang lahat para magtago dahil nakita na niya akong nakatingin sa kanya pero nagtago parin ako dahil sa kahihiyan.

Dahan dahan akong sumilip para tignan kung meron pa siya at nakita ko nga siya, tumatakbo na ulit palayo. Heto na naman ang OA kong puso na grabe kung tumibok.

Hinawakan ko ito at marahang tinampal, baka sakaling bumalik sa dati nitong lagay.

Anong ginawa mo sakin? Sino ka? Bat ganito na lang kung magwala ang puso ko?

Ang imposible ng nararamdaman ko. Hindi ko pa nga siya kilala at kahapon ko lang siya nakita. Pero bat ganito? Bakit ako nagkakaganito?

-----------------

Thanks for reading guys!❤

Hope you like it.

His PromisesWhere stories live. Discover now