Chapter 4 Suffocate

8 0 0
                                    

4:30 na wala pa rin siya. Pang- apat na araw na ito na hindi ko siya nakikita. Huli ko siyang nakita noong naabutan ko siya sa harap ng gate kung saan nagkatitigan ulit kami.

Kinabukasan nun ay naghintay ako sa terrace ng mag- 4pm pero wala siyang dumaan. Hanggang ngayon wala pa rin siyang dumadaan.

Nang mag- 5:30 na ay napagpasyahan ko ng umakyat saking kwarto at nahiga. Wala akong magawa. Gusto kong magbasa pero wala ako sa mood ngayong magbasa.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinalikot ito. Wala akong load kaya boring ngayon ang phone ko.

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa drawer. Magpapaload na lang ako para may mapanood ako. Nahihiya kasi akong manood sa tv sa baba, nakikinood lang ako pag nanonood ang pinsan ko.

Last month pa noong huli akong nagload. Nagloload lang kasi ako pag kailangan.

Pagkalabas ko ay napansin ko agad ang papalubog na araw. Napakaganda ng kalangitan, nagaagawan ang kulay asul at kahel na talaga nga namang napakagandang pagmasdan.

Naglakad na ako papunta sa store ni aling nena. Naabutan ko siyang nagaayos ng paninda niya "Aling nena paload nga po" Magalang na sabi ko.

"Oh lily ngayon ka lang ulit napadpad dito ah, oh pakitype na lang ang number mo" Sabi ni aling nena sabay bigay sakin ng dekeypad na cellphone.

"Oo nga po, naboring po ako sa bahay eh kaya magpapaload na lang ako para may mapanood" Sabi ko habang tinatype ang aking number.

Pagkatapos kong itype ay binalik ko na sakanya "Ito po, 70 lang po aling nena" Sabi ko sabay abot ng bayad. Alam na ni aling nena na globe ako kaya di ko na kailangang sabihin.

"Oh sige, teka at hintayin mo muna na dumating para di ka na pabalik-balik pag nagkaproblema" Sabi naman ni aling nena.

Maya- maya lang ay natanggap ko na ang load. "Meron na aling nena, salamat po" Sabi ko sabay register ng load ko.

"Oh sige ingat ka pauwi" Sabi niya kaya lumakad na din ako pauwi.

Pagkaregister ko ng load ko ay binuksan ko agad ang app na youtube. Hindi ako mahilig sa mga Facebook, Instagram at tweeter pero may account ako di lang talaga ako mahilig. Ang messenger naman ay ginagamit ko lang pangchat sa mga kaibigan ko at kay mama.

Habang abalang naghahanap ng mapapanood ay biglang may marahan na humawak sa balikat ko kaya bigla akong napaharap.

"Ay kabayo!" Sigaw ko at bahagya pang napaatras dahil sobrang lapit niya sakin, pag di ako umatras ay siguradong tatama ako sakanya. Ang malapad na dibdib niya ang kaharap ko, at hindi ko man siya tignan sa muka ay alam ko na kung sino siya.

Naamoy ko na siya noong nagkita kami sa mall. Di ako pwedeng magkamali.

Parang bigla akong hindi makahinga, nasu-suffocate ako dahil sa presensya niya.

"Do I look like a horse to you? Is that why you run the last time we met?" Tanong niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking noo.

Napaatras ako dahil di ko na talaga kaya, masyadong mabilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit ka ba lumalayo? I'm not a bad person. I... I just... Want to know your name" Sabi niya sabay hawak sa palapulsuhan ko na tila ba pinipigilan ako sa paglayo.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko at saka ako nag-angat ng tingin sakanya. Our eyes met at mas lalo lang nagwala ang puso ko.

"M-masyado ka lang kasing malapit... at bakit mo gustong malaman ang p- pngalan ko?" Nakakahiya nauutal pa ako. Napayuko na lang ako sabay kagat ng aking labi.

"Gusto ko lang makipagkaibigan. But if you don't want to----"

"Nooo!" Napatakip ako sa aking bibig sa biglaan kong pagsigaw. Nakakahiya ang bilis naman kasi niyang sumuko, papayag naman ako iiih hehe, enebeyen. "I- I mean a-ayos lang. Lily" Sabi ko sabay abot ng nanginginig kong kamay "Lily Lopez".

"I'm Nathan Guerrero" Sabi niya ng nakangiti sabay abot ng aking kamay. Wag kang ngumiti! Nanginginig na nga ang tuhod ko eh!

Napalunok ako ng aking laway ng maramdaman ko na naman ang parang kuryenta ng maglapat ang aming balat.

"So... Uhm, pwede bang sumabay?" Sabi niya sabay kamot sa kanyang batok na para bang nahihiya. Pinigilan ko naman ang mapangiti dahil ang cute niya.

"Sige lang. Ditong direksiyon ka rin ba dadaan?" Walang hiyang tanong ko at saka nagsimula ng maglakad.

Uminit ang pisngi ko ng mapansin kong hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. HHWW tuloy kami.

"Yes. Doon pa ang bahay namin---" Napaangat ang tingin ko sakanya ng bitawan niya ang kamay ko. Napansin niya sigurong nakatingin ako doon.

"Uuh I'm sorry.... Do I make you uncomfortable?" Sabi niya ng nahihiya.

"Konti hehe" Sabi ko ng tumatawa ng pilit. Para mawala ang awkwardness ay iniba ko ang usapan.

"Ba't ngayon lang kita nakita kung taga dito ka? Bagong lipat ba kayo?" Tanong ko, di ko maiwasang macurious dahil ngayon ko lang talaga siya nakita.

"We're just here for vacation and it's my mother's hometown, birthday niya next month at gusto niyang icelebrate ang birthday niya dito. Babalik din kaming US at the end oh July." Mahabang paliwanag niya.

Ang dami niyang sinabi pero isa lang ang pumasok sa utak ko. Babalik na silang US at the end of july. Kung ganon 3 months na lang sila dito dahil April na ngayon.

Bigla naman akong nalungkot sa isiping aalis siya. "Ganun ba" Sabi ko ng sobrang hina pero tama lang para marinig niya.

Kaya pala siya english ng english dahil laking US siya.

"Hey, are you sad?" Tanong niya ng nakangiti. Masaya pa siya na makita akong malungkot hmp!

"Hindi ah" Pagaapila ko sa sinabi niya.

"Okay sabi mo eh" Sabi niya ng hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Malapit na kami sa bahay, ang bagal naming maglakad pero ang bilis naming nakarating. Ngayong kasama ko siya parang ayoko pa tuloy umuwi.

"Uhm... So... Are you free tomorrow?" Tanong niya ng nasa tapat na kami ng gate.

Oh my gosh! Aayain niya ba akong makipagdate? Omg!

"I just want to know you more. Wala kasi akong kaibigan dito so ikaw na lang ang kakaibiganin ko. I have this feeling na magiging friends talaga tayo" Sabi niya at nakatitig lang ako sakanya. Di ko alam ang sasabihin ko.

"Oh don't worry maglalakad lakad lang tayo, hindi kita iuuwi" Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Feeling ko ang pula pula na ng muka ko. Hindi ko naman iniisip na iuuwi niya ako eh.

"S-sige. 4pm na lang dahil di ako pwede ng umaga... S- sige, bye. Ingat ka sa pag-uwi" Sabi ko sabay talikod at pumasok na ako sa loob.

Lumaki ang mata ko dahil pagpasok ko ay nakita ko sina Tiff and Bea na nakadungaw sa bintana. Siguradong nakita nila kami ni Nathan!

Ngumiti sila sakin ng pagkatamis tamis at saka sila bumungisngis.

"Mommy may naghatid na lalaki kay ate!/Mommy may boyfriend si ate! " Sabay nilang sigaw habang tumatakbo.

Hahabulin ko na sana sila para patahimikin pero dumiretso na sila sa taas.

Shocks! Lagot na.

----------------------------

Thanks for reading!❤

Sana nagustohan niyo

Hindi pa po ako nageedit kaya pasensya na sa mga typos.

His PromisesWhere stories live. Discover now