Therese POV
Hindi ako makapaniwala na natapos ko ang Game 1, Round 2.0
Pagod akong humiga sa maliit na karton at ipinahinga ang sarili ko.
Nagcacapture sa isip ko ang nangyari kanina na nagiging dahilan para makonsensya ako. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako.
Sa bawat pagpikit ko ay naaalala ko kung paano ko sinakal si Jeanny hanggang sa mawalan ito ng hininga.
Naaalala ko pa ang itsura ng mga kaklase ko na halos hindi na makilala.
Hindi ako makapaniwala sa sarili kong nagawa. Hindi ako makapaniwala na pumatay ako ng tao na wala namang ginawang masama sa akin.
Napapikit ako at dinama ang mainit na luha na bumabagsak sa pisngi ko.
Isang araw na ang lumipas, at gabi na naman ngayon.
Siguradong may mamamatay ulit sa aming siyam.
Hindi pa nagtagal ay namatay na nga ang ilaw.
"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!" hindi ko mapigilang mapasigaw ng malakas ng makita ko sa dilim ang mukha ng mga kaklase kong namatay na.
Hindi na kakayanin pa ng konsensya ko ang nangyayari ngayon.
Tumunog ng malakas ang telepono.
Tinakpan ko ang tainga ko gamit ang palad ko dahil ayokong marinig ang tunog ng telepono. Hindi ko mapigilan ang luhang bumabagsak sa mga mata ko.
Hinahabol ako ng paulit ulit ng konsensya ko at pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
"I, YOUR MASTER." sabi nito kaya napaiyak ako.
"TUMIGIL KA NA!!" sigaw ko habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa tainga ko.
"THE GAME 1.1 OF ROUND 2 WILL START." pagbabalewala nito sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung naririnig niya ba ito.
"Tumigil ka na pakiusap!! Maawa ka!" humahagulgol kong sabi.
Hindi nagsasalita ang mga kasama ko. Hindi ko rin alam kung nasaan sila dahil hindi ko naman sila nakikita.
"Wala kang puso!" nanghihina kong sigaw sa kanya.
"GAME 1.1, TAKE THE KNIFE ON THE FLOOR AND CUT YOUR WRIST. YOU HAVE THREE SECONDS." sabi nito sa nakakakilabot na tono.
Kinapa ko ang sahig at mayroon ngang kutsilyo roon. Kung paano 'yun nangyari ay hindi ko alam.
"THREE." paguumpisa nito sa pagbibilang.
Agad kong kinuha ang kutsilyong nakapa pero napatigil ako ng maalala ko na naman ang mukha ng mga kaklase kong namatay na.
"TWO."
Agad kong binitawan ang kutsilyo at umiyak sa gilid dahil sa konsensyang nararamdaman ko.
Hindi ko na kaya ito.
"ONE."
Sinabunutan ko ang buhok ko dahil ayoko ng maalala pa ang mukha ng mga kaklase ko ng may hangin na tumama sa leeg ko.
Kasabay ng pagbukas ng ilaw ay naramdaman ko ang paghiwalay ng ulo ko sa katawan ko.
Aki POV
Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa amin si Therese na nakahiwalay na ang katawan sa ulo at dilat ang mata.
Pinagmasdan ko ang pulso ko na may hiwa. Mahapdi ito pero kaya kong tiisin. Ni minsan ay hindi ko nagawang saktan ang sarili ko, ng magawa ko ito ay parang wala lang din naman pala.
Tumutulo ang dugo ko sa sahig.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Para kaming nasa The Purge ng mga oras na iyon kung saan ay walang pipigil sa iyo para pumatay.
Ito ang isa sa benefits na nakukuha ko.
Hindi ko hinahayaan na mapalapit ang puso ko sa kanila kaya naman awa lang ang nararamdaman ko sa kanila at wala ng iba.
Namatay ang ilaw sa ikalawang pagkakataon.
Katulad ng palaging nangyayari ay nagsalita ulit ang master.
"CONGRATULATIONS EIGHT STUDENTS." panimula nito. Malalim man ang boses nito ngunit halata ang saya at sabik sa boses niya.
Naroon ang kaba sa dibdib ko pero mas nananaig ang sayang nararamdaman ko na ngayon ko lang naramdaman.
"AS WHAT I'VE SAID LAST NIGHT, ONLY ONE WILL SURVIVE AND
FIVE OF YOU WILL DIE. DO ANYTHING TO STAY ALIVE." sabi nito.Mas naging dahilan ang sinabi niya para lumakas ang loob ko.
Sisiguraduhin ko na ako ang mabubuhay hanggang dulo.
Hindi ako makakapayag na may haharang sa daraanan ko papunta sa labas ng Cadipsa na ito.
Bumukas na rin ang ilaw at wala na sa sahig ang katawan ni Therese.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano napapatay ng master ang mga kaklase ko.
Kung paano nito nailagay ang kutsilyo sa sahig na kanina ay wala naman roon.
May mahika ba siyang ginagamit o sadyang mabilis lang talaga ang kilos niya kaya niya nagawa ang lahat ng ito ng ganun kabilis?
Sa Game 2, paano niya kaya nalaman na pumikit ang tatlo kong mga kaklase? Sa Game 3, paano nya nalaman kung sino ang may pinakamahinang sigaw sa aming lahat?
May gamit ba siyang technology o hindi lang talaga siya nag iisa sa larong ginawa niya?
Dumiretso ako sa cabinet saka ako kumukha ng biscuit at tsitsirya. Nagsilid din ako ng tatlong buble gum sa bulsa ko. Agad namang nagsilapitan ang mga kasama ko sa akin at kumuha din ng pagkain nila.
Hindi sila nagsasalita.
Kahit gusto kong magsalita ay hindi ko rin naman magawa. Panis na nga ata ang laway ko at tuyo na dahil sa ilang araw na rin akong hindi nagsasalita.
Kinain ko lang ang biscuit na kinuha ko at naghintay na naman na dumating ang kinabukasan para sa bagong impyerno na aapakan ko kung saan ay sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.
Napatingin ako sa damit ko ng makita ko na puno ng dugo ang damit ko at napakalagkit ko.
Kinuha ko ang tuwalya na nakalagay sa bag ko at ang damit at underwear. Maliligo ako ngayon.
Pumasok ako sa banyo saka ko hinubad lahat ng damit ko bago ko binuksan ang shower nito. Masarap sa pakiramdam. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang lamig ng tubig. Apat araw na pala akong hindi naliligo kaya naman ganito na lang ang lagkit ng katawan ko.
Wala manlang akong nakitang sabon kahit na shampoo dito sa banyo kaya wala kong ibang nagawa kundi ang ibabad nalang ang katawan ko sa tubig at alisin ang talsik ng mga dugo sa katawan ko.
Si Karen ang target ko bukas. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano ko siya papatayin.
Hindi ko man ito gustong gawin ay wala akong magagawa.
Naghilamos pa ako ng mukha ko at binasa pa ang katawan ko ng ilang minuto hanggang sa tingin ko ay malinis na ako.
Pinunasan ko lang ng tuwalya ang katawan ko bago ako nagbihis dito na din sa banyo. Ngayon ay mukha na akong maayos na tingnan.
Lumabas na rin ako sa banyo at dumiretso sa karton na hinihigaan ko.
Humiga ako roon at nagpahinga para maging handa sa kung ano mang mangyayari bukas.
a k i l i c i o u s z
BINABASA MO ANG
The Master's Telephone ✓
Mystery / ThrillerSHUP UP when THE TELEPHONE RANG FOLLOW HIS COMMAND when IT STOP READY YOURSELF FOR MORE DEATHLY GAMES IF YOU WANT TO FINISH THE GAME ALIVE, KILL ONE PLAYER DREAM TO SUCCEED, BELIEVE TO YOURSELF, KILL TO SURVIVE. WARNING: C H E A T I N G I...