Naalala mo ba?
Yung lugar kung saan, umulan man o umaraw nandyan ka
Naglalaro ng taguan, patintero at iba pa.Kaibigan! Naalala mo ba?
Dito ka unang umiyak, nadapa pero bumangon ka
Pero, nasan na! Yung sigla ng lansangan nung bata ka pa?Naalala mo ba?
Sama samang kukuha bunga ng santol at mangga
Mga ngiti sa labi na totoong masaya.Pero nasan na?
Naalala mo pa ba?
Mga bagay na ginagawa mo noon pero ngayon ala-ala na.Ang sarap balikan,
Yung lansangang masigla pero ngayon wala na. 😔