1

18 0 0
                                    


Jordin~

"Anak, tapos ka na bang mag-ayos dyan sa inuupahan mo?" tanong ni mama. Naka video call ako kay mama ngayon

"Opo, ma. Tapos na po lahat. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Okay po ako dito. Malaki nga yung condo na nakuha ko" sabi ko

"Ikaw lang ba mag-isa dyan? Wala ka pa bang kasama dyan sa condo?"

"Sa ngayon, wala pa po pero sabi ng may-ari ng condo baka sa susunod na araw daw dadating yung kasama ko dito"

"Talaga ba? Sana naman mabait yung kasamahan mo dyan" sabi ni mama. Halata talaga na hindi maalis alis yung pagaalala niya sa akin. First time ko kasing mapalayo sa kanya for good.

"Sana nga" pangalawang araw ko pa lang dito sa condo ko, namimiss ko na si mama. Naaalala ko tuloy nung nag internship ako dito sa Manila, sobrang namiss ko din si mama at yung mga luto niya

"Oh sige, ibababa ko na to. May pupuntahan pa kasi ako"

"Sige po. Mag-ingat po kayo"

"Ikaw din"

Pagkatapos ibinaba ni mama yung tawag, naisipan kong lumabas muna sa kwarto ko. Maganda naman yung nakita kong condo. May sarili siyang sala or lounge area. May kitchen at dining table din. Ang sobrang cute ng interior design kasi Korean-themed inspired siya. Feeling ko tuloy nasa isang korean apartment ako sa sobrang ganda.

Sa ngayon, ako lang muna mag-isa dito sa condo. Sabi kasi ng may ari ng condo na uupa daw yung pamangkin niya sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang andito sa condo kaya okay na yung sa akin. At least, may kahati ako sa mga expenses dito and swerte ko pa kasi pamangkin lang ng may-ari.

Bukas na magsisimula yung unang araw ko sa trabaho bilang Occupational Therapist sa isang pediatric clinic dito sa Metro Manila. Magkahalong excited at kaba yung nararamdaman ko ngayon. Pangatlong trabaho ko na to. Last year, sa Cebu ako nagtratrabaho. Naisipan kong lumuwas dito sa Metro Manila para naman matutunan ko kung paano maging independent at responsible.

Wala akong kakilala sa trabaho ko kaya sana mababait yung mga katrabaho ko sa pediatric clinic. Hindi naman rin kalayuan yung pediatric clinic mula sa condo ko. Dalawang blocks lang yung lalakarin ko mula sa condo ko patungo sa pediatric clinic.

"Matutulog nalang ako ng maaga para alive and energetic ako bukas. First day of work ko pa naman" sabi ko bago ko isinara yung main door at yung mga ilaw sa sala at kitchen

---

Naglalakad na ako ngayon patungo sa pediatric center. Muli ko naman naranasan na sa umaga palang, madami nang mga tao ang nakaabang ng jeep, sumasakay ng MRT, binubuksan yung mga tindahan at nagtitinda sa kalye. Mga mahigit isang taon ko din hindi itong naranasan simula nung na-assign ako dito sa Manila noong intern pa ako. Ngayon, araw araw ko na itong mararanasan.

Nasa isang malaking building yung pediatric center kaya kailangan ko pang makisabayan sa ibang tao sa pagsakay ko sa elevator. Mabuti naman at maraming elevator yung building. Tandang tanda ko pa nung naginternship ako, yung condo kung saan kami nagstastay ay apat lang yung elevator at maraming tao ang sumasakay sa umaga. Tapos nasa 26th floor pa kami kaya kapag nasa floor na namin yung elevator, puno na siya kaya yung ginagawa namin, bababa kami ng stairs patungo sa ground floor.

I can really remember the struggle every morning kaya isinumpa namin na hindi na kami babalik don sa condo na yon. Kaya ngayon, isinigurado ko yung condo na inuupahan ko ay maraming elevators at nasa 15th floor lang ako. Ayaw kong nasa masyadong mataas na ako na floor kasi ayaw ni mama. Natatakot siya para sa akin sa tuwing lumilindol.

Right Place, Right Time (Kathniel) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon