CHAPTER TWENTY FOUR

33 6 3
                                    


PABABA na ko nang hagdan ng mabungaran ko sa may sala si Mama. Abala siyang naglilinis, hinalikan ko ito sa pisngi. 

"Maaga ka yatang aalis iha, may pupuntahan ba kayo ni Alden?" Usisa niya, habang pinapasadaan niya ng tingin ang suot ko.

"Wala naman po, may mahalaga lamang po akong aasikasuhin Ma. Saka may lakad kami nina Angel mamayang gabi," napangiti kong sabi dito.

Napatango-tango siya, "Pero bago ka umalis, kumain ka muna at ng magkalaman ang tiyan mo. Paano ka madadagdagan ng timbang kong ganiyan na hindi ka kumakain." dagdag nito habang hila-hila ako sa kusina. 

Tila tutulo ang laway ko ng makita kong pancake ang inihandang agahan para sa akin ni Mama. Agad akong naupo, sinalihan agad ng mama ng mainit na tubig ang baso ko para makapagtimpla na rin ako ng kape.

"Wow! Mama, pancake. Thanks for this, tiyak masisira na naman diet ko nito," pabiro kong sabi sa kaniya. Nangingiti siya na napapailing habang umuupo sa kaibayong upuan. Pinagmasadan lamang niya akong kumakain, that time. Tila kuntento ito habang masagana akong kumakain ng pancake.

"Maine anak, may sasabihin pala ang Mama."

Agad ang paglipad ng tingin ko sa kaniya.

"Ano po iyon Mama?" Habang patuloy akong humihigop sa kapeng tinimpla ko. Maiksi kong binalingan ang aking cellphone, agad kong chineck ang oras. Magse-seven na, kaya kailangan ko ng bilisan.

"Sana anak, seryusuhin mo na si Alden niyan. Kasi talagang seryuso ang batang iyon sa iyo." nakatutok niyang sabi sa akin.

Muntik ko pang maibuga ang kapeng nilalagok ko dahil sa sinabi nito. Bakit? Hindi pa ba ako seryuso sa ipinapakita ko kay Alden. Nang makabawi agad akong sumagot sa Mama. Baka kung ano na ang isipin nito sa akin.

"Seryuso naman po ako kay Alden Mama, bakit niyo po nasabing hindi ko pa seneryuso ito?" Takang-tanong ko rito.

Agad ang paglipad ng tingin ko sa kamay ni Mama. Pinisil-pisil niya ang palad ko na nakadantay sa may lamesa. 

"Narinig kita anak kagabi, makikipagkita ka kay Greg diba?" Walang kakurap-kurap na saad nito. 

Natigilan ako at nag-isip. Muli, naramdaman kong pinisil ni Mama ang palad kong hawak-hawak niya.

"Alam kong may dahilan kung bakit makikipagkita ka. May tiwala ako sa 'yo. Pero kay Greg, wala." Diretsang sabi nito, mahihinuha ko ang sarkasmong sa tinig ni Mama.

"Alam ko po iyon," sabi ko rito matapos ang mahabang patlang. Agad itong tumayo at basta na lamang akong yinakap. 

"Pero anak, alam ba ni Alden na makikipagkita ka sa kuya niya. Baka kapag nalaman niya. Pagmulan pa iyon ng hindi niyo pagkakaunawaan," nag-aalalang sabi niya.

"Ah Ma, hmmm. . .  sasabihin ko rin naman. Pero hindi sa ngayon. May kailangan lamang kasi akong mapatunayan," maiksi kong sagot.

Agad akong tumayo, dahil malalate na ako sa usapan namin ni Greg. Kapag hindi pa ako umalis.

"Ikaw ang bahala Maine, pero payo ko lamang iwasan mo ang paglilihim kay Alden. Kahit napakabait niyon at maunawain. Tao lamang siya, may damdamin. Saka kailangn mong maging honest lagi, iyan ang isang sangkap sa pangmatagalan na relasyon," payo nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.

Ngumiti ako, tumango ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Inisang lagok ko ang kakaunting laman na ng  kape sa aking mug.

Mabilis akong pumara ng taxi, nakaandar na ang sinasakiyan ko. Nang makita ko ang pagtigil at pagparada ng puting kotse ni Alden sa harapan ng aming gate. Nanatili akong nakalingon, hanggang tuluyang lumiko sa may eskinita ang taxi.

Napakagat-labi ako, ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga sandaling iyon. Nagulantang pa ako nang biglang tumunog ang hawak kong cellphone.

Halos magkadabuhol-bubol ang paghinga ko ng si Alden ang kasalukuyang tumatawag sa akin. Tuluyan ko itong sinagot matapos ang pang-apat na pag-ring neto.

"Hello labs, nakaalis kana pala. Balak ko sanang ihatid ka. But it seems nakaalis kana ng  bahay." 

Matagal akong hindi nakaimik, hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang bagay na iyon nang hindi siya masasaktan.

Naputol ang pagiisip ko ng magsalita ang driver. "Maam nandito na po tayo sa ocean park. Forty five peso lamang po," sabi nito, habang ibinibigay niya sa akin ang papel na hawak-hawak niya. 

"Ah okay Manong, heto po." agad nitong kinuha ang pera, pababa na ko ng kotse ng marinig kong muli ang tinig ni Alden.

"Maine. . ."

"Kung maari, Alden. . . bukas na tayo mag-usap," matagal itong hindi umimik, pero kapagdaka'y narinig kong muli ang boses niya. Hindi ko alam kong pilit niya lamang pinasaya nito ang boses niya base na rin sa naulinigan kong tono nito.

"O-Okay labs, so aalis na ako. K-Kita na lamang tayo tomorrow."

Magsasalita sana ako ng mapagtanto kong pinatay na niya ang tawag. Napabuntong-hininga na lamang ako, ramdam kong nagtatampo sa akin ito. Pero para sa aming lahat naman ang gagawin ko.

Minabuti kong isilid sa bag ko ang aking cellphone. Dire-diretso akong pumasok sa loob, agad kong hinanap ang bench.  Ang bench na ito ang saksi sa lahat, mga panahon na doon ko siya nakikitang nakaupo dati. Noong 'di pa kami magkakilala. Habang nagdradrawing sa isang sketch pad ito. Hanggang sa nagkamabutihan kami.

Tuluyan akong nakalapit saka ako naupo, habang nakaupo napadako ang tingin ko sa malaking aquarium. Kung saan kitang-kita ko ang paglangoy ng mga ibat-ibang klase ng isda. Nakakarelax talaga ang tanawing ganoon, ngunit sa pagdaan ng mga sandali napalitan ng bitterness ang nararamdaman ko.

Unti-unting nagbabalik sa akin ang lahat. Ang mga alaala nang nakaraan namin ni Greg. Kung saan minahal ko siya ng walang kulang at labis. Hindi ko inaasahang titimo ito at magbibigay sa akin ng mapait na karanasan sa pag-ibig. . . 

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon