chapter 18

114 12 2
                                    

Khen's POV

Nagising ako na parang may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa katawan ko. Kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw mula sa kisame. Muli akong napapikit at pinalipas ang ilang segundo bago muling iminulat ang aking mga mata.

Ikinurap kurap ko muna ito hanggang sa masanay na ito sa liwanag.

At ng medyo nasasanay na ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Puting kisame at puting paligid lang ang nakikita ko. At sa aking kaliwang kamay ay may nakakabit na dextrose.

Uspital? Tanong ko sa isip.

Muli kong iginala ang aking paningin sa paligid, at sinubukang gumalaw pero muli ko nanaman naramdaman ang bigat sa may bandang tyan ko. At nang tingnan ko ito. Ang maamong muka ni Yohan ang bumungad sa aking paningin.

Mahimbing itong natutulog nakasub sob sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga paharap sa akin habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa bandang bewang ko.

"Kaya pala may mabigat" bulong ko sa isip. Napangiti ako at bahagya kong hinaplos ang kanyang buhok papunta sa kanyang makinis na pisngi. "Bakit ang gwapo mo pag tulog" bulong ko at bahagyang napangiti. Gusto kong alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin pero hindi ko ginawa at aaminin ko gusto ko ang pakiramdam na ito. Gusto ko ang pakiramdam na nakayakap siya sa akin kahit isang braso lang. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaibang kilitong dulot ang pagdantay ng kanyang kamay sa aking tyan.

Pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam. Parang nuon pa man ay naramdaman ko na ito. Hindi ko lang matukoy kung kailan at kung saan.

Napansin kong suot parin nito ang kanyang uniform. And im so touched. Knowing na hindi niya ako iniwan kahit upang magpalit lang ng damit. Nakaramdam ako ng kilig sa isiping nag aalala talaga siya sa akin.

Ngayon ko lang napansin si Mommy, nakaupo ito sa sofa habang kalong ang kanyang laptop at abala sa kung ano mang tina type niya dun kaya hindi nya namalayan na gising na pala ako.

Pakiramdam ko uhaw na uhaw at hinang hina pa ako.

"Mom" mahinang tawag ko kay Mommy, na Narinig naman nito agad. At agad ding tumayo upang lumapit sa akin,. Nang makalapit ito sinenyasan ko na wag maingay upang hindi magising si Yohan.

"Thank God your awake" how do you feel now? May masakit ba sayo? Pabulong na tanung nito.

"I feel tired,and weak". What happened why am i here? Sagot tanung ko kay Mommy.

"You fainted sa locker room yesterday anak. Kaya dinala ka ng mga kaibigan mo dito sa hospital. Hindi mo ba maalala? Tanong ni Mom.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naalala ang mga nangyare ng nagdaang araw.
Ang alam ko nasa locker room ako after ng try out tapos......

Flash back..

"Congratulations para sa lahat ng nakapasa para sa araw na ito. Masaya ako na madadagdagan nanaman ang pamilya ko dito. Alam nyo na ang mga rules and regulations ng team right? At ito lang ang hihilingin ko. First: ay ang dedication nyo sa ginagawa nyo,at sa pinili nyong sports. second:, do all the best that you can do, to win every competition, is that clear?

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon