WAY BACK THREE YEARS AGO
NASA edad fiftheen ako noon, kasalukuyan akong nag-aaral sa ikatlong taon ng highschool. Nang una kong makilala si Greg, nasa isang field study kami sa ocean park. Nang una ko itong makita, naroon siya sa dulong bahagi, habang nakaupo. Abala siyang nagdra-drawing sa isang sketch pad. Pasimple ko siyang pinagmamasdan, kipkip sa dibdib ang long folder. Inayos ko ang eyeglass na aking suot, patuloy akong nagmamasid rito. Tila nabihag ako sa mga mata niyang mapang-akit. Nagulat pa ako ng bigla akong tawagin ng teacher namin, agad ang pagsalakay sa akin ng hiya. Nang mapansin kong dumako ang mukha ni Greg sa akin.
Rinig na rinig kasi ang ginawang pagtawag ng teacher sa pangalan ko.
"Po?" Agad kong sagot dito. "Your not listening Maine Sanchez, kapag nahuli pa kita ulit. Mamarkahan ko ng Failed ang folder mo." Masungit siyang sabi, pagkatapos agad na siyang nagpatuloy sa pagdidiscuss sa aming harapan. Tungkol sa iba't-ibang klase ng isda na matatagpuan sa loob ng ocean park.
Napabuntong-hininga na lamang ako, mayamaya muli kong sinulyapan ng tingin ang kinaroroonan ni Greg. Ngunit laking pagtataka ko, bigla itong nawala. Bigla akong linukuban ng lungkot sa mga oras na iyon, aaminin ko may crush ako rito.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad nitong college hearthrob. Bukod sa guwapo, napakatalino pa nito. Napakatalented, mahusay ito sa larong basketball sa aming paaralan. Actually varsity player ito sa campus, nasa edad disi-nuebe ito. Limang taon ang agwat namin ni Greg, ngunit hindi naging hadlang iyon. Upang hindi ako magkacrush dito, marunong itong sumayaw at kumanta. Active rin siya sa mga activities ng paaralan. Halos perpekto siya sa lahat ng bagay, maliban na lamang sa isang bagay na nakakasira sa reputasyon niya.
Bali-balitang chic boy ito, laging napapabalita ang papalit-palit ng girlfriend niya. May isang beses pinagsabay pa niya ang isang higher student na kablock nito. Nang magkabistuhan ay nagkaroon ng pag-aaway, hanggang sa humantong sa sabunutan at pagsasakitan ng dalawang babae. Dahil doon ipinatawag si Greg sa teacher office, kung hindi siya magtitino. Mapipilitan ang faculty member na patalsikin ito, kahit na magkaibigang matalik ang may-ari ng aming school at ang pamilya nina Greg.
Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng isang braso sa balikat ko. Kahit hindi ako lumingon, alam kong si Greg iyon. Kabisado ko ang amoy ng pabango na gamit nito, dahil may isang beses na ipinuslit ko ang isang jersey nito. Habang nakikipagpractice game ito sa mga kapuwa player.
"Ako bang hanap mo miss?" Nangingiti niyang sabi, nasa mata nito ang amusement.
Mabilis kong ipiniksi ang braso niyang nakadantay sa aking balikat ng mga oras na iyon."H-Hindi ah, akala mo lang iyon!" Nasa tinig ko ang pagkataranta at sa muling pagkapahiya rito. Agad kong inilayo ang sarili ko mula rito.
Mabuti na lamang at hindi ako napansin ng aming guro, dahil abala ito sa pagpapaliwanag sa isa kong kaklase about sa topic namin.
Habang naglalakad papunta sa mga kaklase ko, hindi ko naiwasang balikan ng tingin si Greg. Nanatili pa rin siyang nakangiti ng maluwang, nasa mukha nito ang labis na kasiyahan. Agad akong pinamulahan ng pisngi nang bigla ako nitong kindatan. Nakita kong may isinulat ito sa isang maliit na papel, saka agad nitong iniwan sa bench na laging inuupuan nito. Mabilis itong naglakad palayo, nakita kong sinalubong siya ng may edad ng lalaki. Base sa itsura nito, natitiyak kong ito ang ama niya. Dahil na rin sa pagkakahawig niya rito.
Narinig ko ang pagmumura ng matandang lalaki, nakita ko pang tila balak pa siyang pagbuhatan ng kamay nito. Pero bigla nitong itinigil dahil madami ang nakatingin dito.
Agad na bumalik ang atensiyon ko sa guro namin ng ideklara nitong puwedi na kaming magrecess. Dali-dali kong pinulot ang maliit na papel na ipinatong ni Greg. Napasimangot ako ng makita kong contact number niya ang nakalgay dito. Bigla ang pagsimangot ko, kahit crush ko ito. Hindi naman ako easy to get na ako pa ang unang magtetext dito.
Dahil sa ginawa nito, nahaluhan ng inis ang pagkakakilala ko rito. Guwapo sana ito, pero sobra ang hangin sa sarili. Nilakamos ko ang papel na pinagsulatan niya ng kaniyang number. Saka ko itinapon sa basurahang nasa gilid lamang ng bench. Kahit na kailan, hinding-hindi ko na ito papansinin.
Bago umuwi, nagbigay ang guro ng assignment at hint sa magiging exam namin nextweek. Kailangan kong bumalik ulit kinabukasan sa ocean park para sa makapag-umpisa at matapos ko ang paragraph. Kailangan ko rin patuloy na pagaralan ang bawat topic na sinabi ng aming teacher. Mahaba-mahaba na namang pagrereview ang gagawen ko nextweek.
KINABUKASAN, agad akong bumalik sa ocean park. Gamit ang bisikleta, nakarating ako. Isang simpleng white shirt na may tatak ni hello kitty ang suot ko. Habang ang short ko ay kulay pink din. Maski ang suot kong sapatos ay may bahid rin ng pink. Naka-braide ako, kaya naangkop ang porma ko sa aking edad. Batang-bata pero ang bawat kurba ko'y tila pangdisi-otso na.
Mabilis kong iginilid ang bisikletang gamit ko, matapos maglakad-lakad sa loob ng ocean park. Mabilis akong nakabuo ng idea sa isusulat kong assignment at reviewer. Naghanap ako ng mauupuan, mabilis na hinayon ng aking mata ang bench na laging inuupuan ni Greg. Dali-dali akong naglakad papunta roon.
"Wala ka naman, kaya ako muna ang uupo dito," sabi ko sa sarili. Habang isa-isa ko nang inilapag ang mga dala-dala kong gamit.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat. Nang mapansin ko ang pagtayo ng isang bulto, sa aking gilid.
Mukha ni Greg ang nabungaran ko, hindi kaparis noong una na nasa mukha nito ang pagiging maloko, ngayon kababakasan ng kaseryusuhan ang mukha niya.
"Sinong nagsabing umupo ka riyan?" Malamig niyang sabi. Agad akong napatayo, bigla ay sinalakay ako ng inis.
"Wala, bakit mayroon bang nagmamay-ari ng bench na 'to!" Mataray kong sabi.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya, tila nagpipigil lamang siyang sigawan ako. Narinig ko pa ang pagbuga niya ng buntong-hininga.
"You stupid girl, don't wait me to kick your ass off! I'm not in the mood. So better move in another bench now!" Kontraldo niyang utos sa akin.
Kahit labag sa akin ang lumipat ng mauupuan, dahil naging kumportable na ako doon. Minabuti kong sundin ito ng walang imik, mabilis kong sinamsam ang aking mga gamit.
Dali-dali akong humanap ng mauupuan. Sa kabilang side corner ang pinili kong maupo, dahil hindi ko makikita ang mukha ni Greg. Crush ko pa rin ito, pero dahil sa ipinakita nitong pagkahambog at kabastusan. Tuluyan ko na siyang iiwasan.
Muli itinuloy ko ang paggawa, ngunit dahil sa nangyari nawala ang mood ko. Nagdadabog akong umalis, siguro sa susunod na araw na lamang ako babalik sa lugar na iyon.
Nadaanan ko pang nakaupo si Greg sa bench, habang patuloy siya sa tahimik na pagdradrawing. Kitang-kita ko na kuhang-kuha niya itsura ang malaking aquarium na nasa harapan. Kahit inis humanga pa rin ako sa angkin niyang talento. Ngunit bigla akong nagulat nang makita ko ang paglapit ng ama nito. Mabilis na sinaklit ng Papa ni Greg ang likurang kuwelyo ni Greg.
Pahapon na kaya kakaunti na lamang ang taong nasa loob. Kitang-kita ko ang paghatak ng matandang lalaki kay Greg.
"Hindi ba't sinabi kong itigil mo na ang pagdradrawing. Wala kang mararating sa ginagawa mo! Iwan mo ang mga iyan at umuwi na tayo!" Gigil na sigaw ng matandang lalaki.
"P-Pero Papa. . ." pagmamatigas ni Greg, ngunit mabilis na siyang hila-hila ng ama.
Bigla akong naawa rito, nanatili akong nakasunod kay Greg ng mga oras na iyon. Muli tinignan ko ang mga gamit niyang naiwan, hindi ako nagdalawang isip na iligpit at kunin muna pansamatala ang mga gamit niya.
Babalik na lamang ako bukas, baka-sakaling naririto siya ulit. Dali-dali akong sumakay sa bisikleta ko, hanggang sa pagtulog si Greg pa rin ang nasa aking isipan.
Nag-aalala ako rito. Okay lang kaya ito? Ano na kaya ang ginawa ng ama nito sa kaniya pagkatapos. Hindi ko aakalaing may pinagdadaanan ito, nakatulog akong ang iniisip ay si Greg ng mga sandaling iyon . . .

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomantikForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...