Yosef’s POV
“So, kayo na ba?” biglang tanong ni Bernadette kay Kris. Naglalakad na kami pabalik sa school, galing kami sa pinakamalapit na fast food chain, dun namin siya nilibre ng lunch.
“Parekoy! Ano ka ba naman? Pwede namang sakin itanong, hindi man lang nahiya to oh.” bigla bigla na lang kasi nagtatanong ng ganun kay Kris pa! >__<
“Oh? Ano naman kung sa kanya ko itanong? Anong masama dun? Oh ano Kris? Kayo na ba ha?” aiiish!!! Matindi talaga tong babaeng to!
Napatingin na lang ako kay Kris. Nagulat ako kasi nakatingin din siya sakin. Blanko ang mukha, hindi ko alam kung humihingi ba siya ng tulong o ano.
Tumingin siya kay Bernadette sabay sabing
“Kung liligawan ko ba siya papayag ka?” napatitig lang ako kay Kris. Seryoso ba siya? May balak pa siya manligaw eh alam niya naman na may gusto rin ako sa kanya. Aiiiish anong meron??
“Tinatanong pa ba yan? Siyempre hindi! Akin lang si Yosef-baby!!” si Bernadette sabay yakap sakin.
Reaksyon namin ni Kris à O____O
“HAHAHA epic ng mga mukha niyo XD. Siyempre joke lang yun! Kung ako lang, payag naman ako. Kaso hindi naman ako yung magdedecide niyan eh, kundi si” tumingin sakin si Bernadette.
“Ako?”
“Hindi no! Edi siyempre papayag ka na. Si tita, dun ka magpaalam Kris.”
“Ahh. Oo naman no! Nakilala ko na si tita, salamat dun sa apat. Siyempre magpapaalam ako sa kanya.”
“Hindi ka ba natatakot? Alam mo na, hindi normal na set up ang ganito.” seryoso ang usapan nila ah? Nandito rin po ako >w<
“Natatakot siyempre, sino ba naman hindi? Eh yun ngang normal na set up nakaka kaba na, ito pa kaya? Pero dahil seryoso ako kay Yosef, kakayanin ko. Bahala na kung anong sabihin sakin ni tita. Simula noong maramdaman kong gusto ko Yosef, hinanda ko na ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari. Alam kong pagkatapos nito maiiba ang tingin ng tao sakin, at hindi ko na yun maiaalis pa sa kanila. Buong pagkatao ko ang itataya ko dito.”
O/////O Pwede kiligin? Waaaaah!! Grabe!!! Pwedeng sabihing “Kahit tumutol pa si Mama wala akong pakialam, ang mahalaga lang naman dito ay yung nararamdaman natin diba?”. Magpakipot ka naman ng konti Yosef. Simula ng magkagusto ka diyan kay Kris natuto ka ng lumandi eh noh? -___- Pero kasi >/////<
“Yosef!!!” tawag ni Kris sakin. “Okay ka lang ba? Namumula ka, masama ba pakiramdam mo? Naiinitan ka ba? Teka” may hinanap siya dun sa bag niya, wala ata kasi wala naman siyang inilabas dun. Kinapa niya yung bulsa niya tapos nilabas yung panyo niya. “Naiwan ko pala yung payong ko. Oh ito muna.” binuka niya yung panyo niya at ikinover sa ulo ko. “Okay na ba to? Hindi ka na gaanong maiinitan niyan.”
BINABASA MO ANG
I Wish: You & I Forever [BoyxBoy]
Fiksi RemajaYou + Me = <3 That's why I Wish: You & I Forever story by: d_Other28 cover by: Squiishy