It's been a week since I talked to her. Hindi kami maayos ng umalis ako ng bansa para again ang naiwang trabaho ni Dad doon dahil nag kasakit siya.Damn. I really missed my baby.
I tried to call her pero nakapatay ang cellphone niya. What the hell happened? I know she's mad.
"Nakausap mo na ba siya?"
I shook my head. "I tried to call her but she's not answering my calls!"
"Kung ganon mas mabuti kung umuwi kana. Kausapin mo siya at mag paliwanag ka sakanya habang maaga pa."
Umuwi agad ako ng bansa ng araw na iyon.
Huminto ko ang kotse sa tapat ng bahay nila. Nakakapag taka dahil parang ang lungkut ng bahay nila. Bumaba ako sa driver seat at lumapit sa gate para makapag doorbell.
"Kleo? Anong ginagawa mo dito?" Napakunot ang noo ko ng lingunin si Ange.
"Nasaan sila?" I asked her.
Her eyes widened in shocked. "Hindi mo pa alam?"
"Alam ang alin?" Nag tatakang tanong ko.
"Nakacoma si Shasha. Nasa Canada sila ngayon. Doon nila dinala si Shasha para mag pagaling."
"You're kidding."
"Hindi Kleo. Naaksidente si Shasha kasama sila Andy at Axel. Si Shasha ang malala ngayon. Isang malaking truck ang bumangga sakanila. Balita ko, hindi pa nagigising si Shasha."
"Damn."
Mabilis akong umalis. Tinawagan ko si Mom at sinabi ang nangyari kay Keisha. Hinanda na niya private plane namin para makapunta na agad ako sa Canada.
Wait for me my love.
Pinaliwanag ko sakanilang lahat ang reason ko na agad naman niyang tinanggap. Sinamahan ako nila Tita patungo sa kwarto ni Shasha.
I felt my heart stopped beating when I saw her lying on the bed.
Namumula at walang malay.
Sunod sunod ang pag patak ng luha ko ng tuluyan akong makalapit sakanya.
"B-Baby.."
"Ang sabi ng doctor ay malabo ng magising pa siya."
"No!"
"Huminahon ka, Kleo." Pag papakalma saakin ni Tita. Nakita kong namumula na din ang mata niya.
"N-No, Tita! No, I can't lose her! Shit. Baby please wake up. Please baby."
Para akong bata na umiiyak habang hawak hawak ang kamay ng taong mahal ko.
Shit! I can't lose her. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako umalis.
"Baby, I'm sorry. I'm really sorry. Please, wake up."
Damn. I can't... I can't lose her! I can't lose her! She made me realize the meaning of love. Sakanya ko lang naramdaman iyon. My baby..
Tulala akong nakatingin sa daliri niya kung saan nakalagay ang singsing na binigay ko. Ilang beses ko pa itong hinalikan.
"Tol. Tara sa baba. Kumain na muna tayo."
I shook my head. "I'll stay here."
"Ang nurse niya muna ang mag babantay."
"Yes Sir. I'll take good care of her."
Bumalik din agad ako sa kwarto niya ng matapos kumain.
Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon ay hindi pa din siya nagigising. Dito na din kami nag pasok at bagong taon kasama siya. Napapadalas din ang pag bisita ni Mom and Dad dito.
"Si Shasha mukha ng snow white hindi pa din gumigising." Iiling na sabi ni Robert.
Ngumiti ako kay Tita ng tabihan niya ako.
"Salamat ha? Dahil hindi mo pa din masukuan si Shasha. Dahil sayo, hindi pa din namin magawang isuko si Shasha. Nandito pa din tayo nag hihintay sa pag balik niya."
Agad kong pinupunasan ang luha ko. Damn baby. I miss you so bad. I miss your smile, I miss your smell, I miss you touch, I miss your presence. Damn. I miss the whole you, baby.
"Tomorrow is her birthday."
I smiled. "She's 22."
"Nasabi nga saamin ni Ralph ang balak mo."
Napalingon ako kay Tita. She smiled at me.
"Pumapayag kami ng Tito mo."
"Thank you po."
Ralph POV
Gabi na ng mag tulong tulong kami sa pag aayos dito sa kwarto ni Shasha. Balak na ni Kleo na mag propose bukas kay sleeping beauty.
Si Robert na reklamo ng reklamo habang tumutulong.
"May date dapat ako ngayon eh!"
Kahit na hindi namin pinapansin ay patuloy pa din ang pag rereklamo niya.
"Bakit ba kasi hindi kapa gumising dyan, Shasha."
"Hoy! Naririnig ka nyan." Sigaw ni Ate Ysa kay Robert. Si Ate Ysa ay ang nakakatandang pinsan namin.
"Edi maganda." Saka siya humagalpak sa tawa.
"Nag papamiss lang yan si Shasha. Oo na, Sha. Miss kana namin!"
"Uyy si Robert umiiyak!" Pang aasar pa ni Ate Ysa.
"Gago, hindi." Imbis na si Ate ang babatuhin niya ay kami.
"Tawa kayo ng tawa dyan!"
"Sorry, I'm late." Lahat kami ay napalingon sa bagong dating.
Agad namang nilapitan ni Larry si Sarah.
"It's okay. Halika na."
"Inggit ka no? Mag jowa kana kasi." Pang aasar ni Ate Ysa.
"Wow. Nag salita ang bitter."
"Ang ingay niyo. Baka magising si sleeping beauty."
Ang gagago!
Si Sarah ang nag make up kay Shasha.
"Ang ganda talaga niya."
I smiled. "Paano gwapo ang Kuya."
Nasanay talaga ako ng may Shasha na lumalaban sa pang aasar ko pero ngayon namimiss ko na yung pag aasaran naming dalawa.
Naalala ko nung bata kami, galit na galit siya saakin dahil bakit daw may medal ako tapos pag dating sakanya ribbon lang. Kaya simula nung araw na iyon, tuwing recognition ay bumibili kami ni Mama ng medal niya sa palengke para matuwa siya.
Alam kong naiinis yan dahil sa pang aasar ko sakanya na hindi siya magugustuhan ni Kleo. Ang totoo takot lang naman ako na baka masaktan siya. At nangyari na nga, mabuti nalang nasa tabi niya ako ng mga oras na iyon. Pero ngayon, masasabi kona para talaga sila sa isa't isa.
May mga araw na gusto na naming sumuko pag lumalala na yung lagay niya pero tuwing nakikita naming parehas silang lumalaban ni Kleo, naduduwag kaming isuko siya.
Nung nakaraang buwan ay nag karoon kami ng malaking pag asa na magigising pa siya dahil sa mga pag nanalo sakanya. Sinabi din ng doctor na magaling na siya. Na araw, linggo at buwan nalang ang kailangan naming hintayin magigising na din siya.
Damn. I really miss my little sister.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]
Mizah"You will always be mine and I will always be yours."