Chapter 1

4 3 0
                                    

[ Mich's POV ]

I'm Michelle Bernardo, 19 years old. I'm a simple person who hides a thousand feelings, behind my happiest and sweetest smile.

Kung inaakala niyo po na mayaman ako? Well sorry, hindi po. Ulila na akong lubos, bata pa lang daw ako ay namatay na ang aking mga magulang at bago daw mamatay ang lola ko ay iniwan niya na ako sa Bahay-Ampunan.

Napakalupit sa akin ng tadhana no? Kasi lahat na yata ng kamalasan naranasan ko na, mamatayan ng pamilya, mawalan ng kaibigan. Pero sabi nga sa akin ni Sister Belen, “Lahat ng bagay ay may dahilan.” At syempre maniniwala na lang ako sa sinabi niya.

2 years ago, simula nang nilisan ko ang bahay-ampunan ay natuto na akong maging independent. Nagtatrabaho ako para sa sarili ko pati na rin sa kinabukasan ko, nagsisikap akong mabuti.

Buti na lang talaga ay may angking talino ako, sipag at diskarte sa buhay, kaya natulungan ko ang sarili kong makapag-aral sa pinakamaganda at mahal na unibersidad. At dahil 'yon sa scholarship ko. Nasa ika-apat na taon na ako ng kolehiyo at BS Accountancy ang aking napiling kurso.

At sa apat na taon ko nang nag-aaral dito, eh kahit papano ay marami nang nakakakilala sa'kin dahil isa ako sa varsity player ng volleyball.

Oo nga pala may naging bestfriend ako dito, siya naman si Shaira Lopez. Maganda, matalino at mayaman. Almost perfect na nga siya eh, dahil isa siya sa campus princess.

At syempre pwede bang mawala sa kwento ng buhay ko ang lalaking minahal ko ng palihim, si Xavier Samonte ang varsity player slash captain ball ng basketball. Mayaman, gwapo, talented, playboy at isa rin siya sa “campus prince”. Sa apat na taon nang pagiging ultimate crush” ko sya ay 'di ko naman aakalaing magiging “suitor  ko siya.




[Author's Note]

* Oha! Chapter 1 pa lang 'yan. :D Mag-vote na po kayo at i-comment niyo lang po ang mga suggestions niyo. Enjoy! ^_____^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon