Sa isang baryong puno ng pag-asa
May isang batang pinanganak na may dalang hustisya
Hustisyang dala para sa amang walang awang pinatay
Mga igorot na salarin kinunan nya ng buhayKakaibang bata ang nabuhay
Agad na nagsalita sa pagdilat ng mga matang mapupungay
Pangalan nya ay syang pumili
Pati ninong ay sya rin ang pumiliPinanganak na walang ama
Kaya naghanap ng hustisya
Sumulong ng mag-isa
Takot ay hindi inindaTuluyan ngang nagwagi
Kalaban ay tuluyang nagapi
Umuwi ng masaya
Dala ang balitang napakagandaPumunta sa Kalanutian dahil sa balitang nasagap
Babaeng nakapagpatibok ng puso nya ay tuluyang nahanap
Babaeng nagngangalang Donya Ines
Nakuha ang atensyon nya ng napakabilisHindi sya nito pinagtuonan ng pansin
Ngunit ang magiting na si Lam-ang ay gumawa ng paraan
Gamit ang Tandang at Aso
Tuluyan nyang napalingon ang mga taoNag-alok sya ng kasal
Tinanggap naman kapalit ng iilang mga suhol
Dalawang barkong ginto
Isinugal para sa pag-ibig na natamoSila ay ikinasal ngunit may isa pang misyon
Kailangan sisirin ang dagat para isda ay hulihin
Hindi nagtagumpay sa misyon
Isdang Berkakan pinagpiyestahan ang kanyang katawanAng kanyang buto ay pinasisid
Kinuha at tinakpan ng mga telang sinulid
Umawit at tumahol ang mga alaga
Naging dahilan upang sya ay mabuhay nang muliNaging masaya si Donya Ines
Sawakas asawa ay nagbalik
Nagyakapan ng mahigpit kasama ang mga alaga
At tuluyan ng namuhay ng napakasaya sa piling ng isa't isa