hope you like my first story!!
please po pa-follow hihihi
ok, here it goes....
PROLOGUE
Di ba ang mga multo, walang buhay... Syempre dahil wala na silang internal organs at tagusan na..
Pero bakit itong nabulabog ko ay sa sobrang kulit ay nakakatakot na...
"Mahal na kita!!!" yan ang lagi nyang sinasabi sa akin, pero ang mga multo ay walang puso, di ba? Hayyyy!!!! Ewan basta basahin niyo ang kwento ko...
CHAPTER 1 We Meet
Third Person's POV
May isang project/requirement ang lahat 4th year highschool student. Kinakailangan ng bawat partners na magtake ng pictures na may iba't ibang themes... Matapos ang bunutan nila, ang main character na si Macky Cast ang nakabunot ng theme na horror.
Macky's pov
Hi fellas! I'm Macky Cast, cool, handsome, sweet and... This is kinda embarrasing.., I am afraid of ghosts, yeah I know. i describe myself as cool pero ghost lang kinatatakutan ko pa, may phobia na kasi ako... Such a long story kaya wag nang ungkatin pa.
pero keep niyo yun as a secret, ako lang ang may alam nun e, nakakahiya kaya yun, HEARTTHROB kasi ako sa school namen kaya kailangang ingatan
WHOOOOSSSSHHHHH ang lakas naman ng hangin dito sa Philippines!
I find them creepy, kahit maraming nagsasabi na "mas matakot sa buhay, wag sa patay",basta kinikilabutan ako sa mga ganun, ayos pa ang mga vampires, mga ibang elements like dwarf, tikbalang, kapre at iba pa, pero wag na wag lang talaga ang mga MULTO!!!
At sa kinamalas-malasan ko pa, mga kaibigan, Horror ang nabunot namin ni Jam, tsk swerte ko ano?
"Macky saan tayo magshu-shoot?" tanong sa akin ni Jam na sobrang hyper dahil mahilig siya sa horror movies at stories..
"Maghahanap ako" sabi ko kahit hindi ko alam kung magagawa ko ba yun
"A-huh!! Alam ko na, doon na lang tayo sa lumang room dito sa school sa 4th floor!" ANO?! Sobrang dilim kaya doon! Hoy! Hindi ako bakla ah! Phobia ang tawag dito sa situation ko, PHOBIA!
"AH hehehe oo nga noh sige, kelan ba?"
"Ahh? Mamaya kayang gabi?" (0__0)
"Ga-gabi talaga?" tanong ko
"Oo bro! Masaya to! Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka yata?"
"Ah hehe hindi naman, sige mamayang mga 6:30 ayos na ba yon?" pumayag ka na!
"Hindi pa ako pwede noon bro, may dinner ako with my family eh"
"Edi bukas na lang" woohhhooooooo, yes!
"Mamaya na kasi the day after tomorrow na ang pasahan nito" hayyyssss...
"Sige, anong oras?"
"8:30" sabay takbo sa labas ng room, ok wala naman sigurong multo doon diba?
***8:15pm***
Paakyat na ako sa 4th floor at ito din ang last floor ng school/building na namen...
Finally, nandito na ako sa loob! (~o~) medjo malamig dito ah, magpapasko na rin kasi eh, requirement namen to before vacation...