PROLOGUE

1 0 0
                                    

Alternate Universe. A hypothetical self-contained plane of existence co-existing with one's own.

Would it be possible that there's a Universe out there where everything happened exactly as it did in this one, except you did one tiny thing different, and hence had your life turn out incredibly different as a result? Will there be any Universe where I am happy? Will there be a Universe where I fell into oblivion? A universe where I lived? How about a universe where I love and being loved?

Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Alas diyes na rin pala ng gabi. Magdadalawang oras na rin akong nakatingala sa langit habang pinagmamasdan ang mga bituin at ang mga larawang tila nakahugit sa mga ito. Nandito ako ngayon sa bubong ng bahay namin, sa tapat ng aking kwarto. I've always been fascinated by how vast our Universe is- sa tagal na rin ata, I also believed that maybe somewhere in those cosmic bodies, there's someone also staring at me. It may be lightyears away pero hindi naman imposible iyon 'di ba?

Tumayo na ako at pinagpag ang damit at shorts ko. Lumapit na rin ako sa bintana upang pumasok na sa kwarto at magpahinga. My bed is also right in front of a window where I can see the moon and some stars. It's mid June but luckily, stars are still visible.

Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako makatulog. Tumayo ako at bumaba sa kusina para kumuha ng gatas nang may napansin akong nagliwanag sa kalangitan. It was a meteor about to land. Agad akong lumabas ng bahay para tingnan kung saan ito babagsak. Sa farm. Ang bahay namin ay nasa isang burol kaya madali kong makikita kung saan ito babagsak. Naexcite naman ako kaya agad kong kinuha ang mountain bike ng aking kuya at pumunta sa farm.

Maghahating gabi na. Tulog na ang lahat ng nagtatrabaho rito. Inihinto ko ang bike sa gate ng manggahan. Pumasok ako rito at nagsimulang hanapin ang meteorite. Nang mapunta ako sa gitna ng manggahan ay may naaninag akong liwanag. Tumakbo ako at nang makalapit ay nagtago muna ako sa isa sa mga puno.

Nang mapansin kong walang tao o kung anuman, lumapit na ako sa pinagbagsakan ng meteorite. A small crater formed, about a feet radius. Sa gitna ng crater ay may bato- a small stone with a bizarre shape and color. It's a diamond shaped stone with a color just like that of fuel spectrum. Kumikinang ito tuwing natatamaan ng liwanag galing sa apoy. It's almost translucent but it still shines. Agad kong pinagpag ang bato para maalis ang dumi at tinago ito sa bulsa ng jacket ko. Tinahak ko ulit ang daan pauwi at agad nang bumalik sa kwarto ko. Napangiti ako. Nilabas ko ang bato at nilagay ito sa tabi ko. That's enough discovery for tonight. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mata at di nagtagal ay nakatulog na rin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OPERATION PARADOXWhere stories live. Discover now