A Heart's Cry

59 5 4
                                    

I scanned through my reflection in the full length mirror. Napangiti ako. Suot ko ngayon ang ang pangarap kong wedding gown na gawa ng matalik kong kaibigan. Walang pagsidlan ang kaligayahan ko dahil sa wakas matutupad na din ang pangarap ko, ang makasal sa pinakamamahal kong lalake, si Andrei. 7 years kong hinintay na magpropose sya and 6 months ago, naghanda sya ng isang surprise proposal para sa'ken. After of so much preperation, eto na yung pnakahihintay kong pagkakataon. Naghahalo ang kaba at excitement sa puso ko. Pakiramdam ko sasabog ito sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko. Nakita ko sa repleksyon ng salamin na bumukas ang pinto at iniluwa noon si Mama.

"KC?"

Sabi nya tsaka pumasok sa kwarto at marahang isinara yung pinto. Humarap ako sa kanya. Dahan dahan syang lumapit. Hinawakan nya ko sa magkabilang braso at tsaka tiningnan ang gown ko tapos yung mukha ko.

"Ang ganda ganda mo, anak." sabi nya habang pnupunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata.

"Mama.." niyakap ko sya ng mahigpit at hindi ko ndin napigilam umiyak. Gusto kong sabihin sa kanya na sobra kong nagpapasalamat sa lahat ng gnawa nya para sken pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko.

"Ssshh. Tama na anak. Basta tatandaan mo lahat ng pangaral ko sayo, ha?"

Lalo pa ako napa-iyak. "Mama.. Salamat.. Mahal na mahal ko kayo ni Papa.." sabi ko sa kanya.

Kumalas sya sa pagkakayakap at pnunasan ang mga luha ko. "Alam ko, anak.. Alam ko."

Pagkatapos naming mag-usap ni Mama, bumaba na kami. Nakita kong naghihintay si Papa sa may front door, though nakasalamin sya halatang kakagaling lang sa iyak. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Thank you Pa." tinapik lang nya ko sa likod at halatang nagpipigil ng luha.

Huminto ang sasakyan sa harap ng paborito naming simbahan ni Andrei. Nagbalik ang mga ala ala. Dito namin binuo ang mga pangarap na ngayon ay uumpisahan na naming tuparin. Heto na ang simula.

Inakay ako ni Mama at Papa papunta sa harap ng simbahan. Mula doon, nakita ko sya sa harap ng altar, katabi ang kapatid nya na nagsisilbing bestman. Kitang kita ang pagngiti nya at pagkislap ng kanyang mata kasabay ng pagtulo ng luha mula dito. Alam kong masaya sya kase nakikita ko ito sa mga mata nya.

'Konti na lang Honey, at tuluyan na tayong magiging isa. Sabay nating tutuparin ang pangarap na 7 taon nating iginuhit.' sabi ko sa isip ko.

Tumugtog na ang wedding march. Inialok sken ni papa ang braso nya na sya ko namang hinawakan. Tumingin ako sa kanya tsaka ako nag sabi ng "I Love you Pa." tumango lang sya pero nakita ko ang luhang tumulo sa mata nya. Huminga ako ng malalim tsaka kami lumakad ng dahan dahan. Parang naging slow motion ang lahat. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Andrei habang unti-unting lumalakad papalapit sa kanya. Palapit ng palapit. Parang walang ibang tao sa lugar na yon kundi kami lang dalawa. Hanggang sa makarating na kami sa altar. Hinawakan ni Papa ang kamay ko tsaka ito inabot kay Andrei.

"Alagaan mo ang anak ko, Andrei." may katigasang sabi ni Papa habang tinatapik sa balikat si Andrei.

"Makakaasa po kayo."

Nagsimula na ang ceremony hanggang sa exchange of vows na.

"Isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng pagmamahal ko sayo. Gusto ko sa tuwing titingnan mo yan, ako ang maaalala mo. Tandaan mo na kahit mamatay ako, ikaw pa din ang mamahalin ko. Kahit sa pangalawang buhay ko, hahanapin kita, mamahalin pa din kita. Gusto ko kung sakaling mawala ako sa mundong to, magmahal ka padin ng iba. Kase gusto ko makita kitang masaya. Mahal na mahal kita KC. Mahal na mahal." biglang tumulo ang mga luha nya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Nakita ko ding napaiyak ang parents at kapatid nya, pati parents ko. Sguro sobrang masaya lang sila para samen.

"Wear this ring as a sign of my love and loyalty. Walang kahit anong makakapaghiwalay saten. Tatanda tayo ng magkasama, at magkakaroon ng madaming anak. Kahit anong mangyare, ikaw lang ang mamahalin ko Andrei. Ikaw lang. Wala ng iba. Mahal na mahal kita." sabi ko habang isinusuot ang singsing sa kanya. Pagkatapos namin magpalitan ng 'I do.'

"You may now kiss the bride." sabi ng pari. Inangat nya ang veil ko at unti unting inilapit ang labi nya sa labi ko.

Pagkatapos ng matagal na halik na iyon, tinitigan nya ako sa mata.

"Mahal na mahal kita." sabi nya tsaka sya bglang bumagsak sa sahig. Buti nlang at naging mabilis ang kapatid nya at nasalo sya. Dali dali syang tumakbo buhat ang kapatid nya tsaka isinakay sa kotse at pnaharurot ito.

Andun lang ako. Nakatayo. Nakatitig sa kung saan bumagsak si Andrei. Hindi pa nagsisink in sken ang nangyari. Ano nga bang nangyari? Si Andrei.. Nawalan ng malay.. Sa harap ko..

"Andrei.." bulong ko sa sarili ko. Dali dali akong tumakbo at sumakay sa sasakyan. Walang tigil ang mga luha ko sa pagbagsak.

Biglang nagring ang phone ko. Yung kapatid ni Andrei.

"H-hello."

"St.Lukes Ate."

Hindi na'ko sumagot at pnaharurot ang sasakyan.

arurot ko ang sasakyan. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Madaming hindi magagandang bagay ang pumapasok sa isip ko. Andrei..

Pagdating sa ospital nakita ko si Andrew, kapatid ni Andrei sa tapat ng Rm.306. Nakayuko. Nung inangat nya ang ulo nya, nakita kong umiiyak sya. Napatingin sya saken. Tumayo sya at bnuksan ang pinto. Unti unti akong lumapit at pumasok..

"Andrei.." napatakip ako sa bibig ko habang naguunahang tumulo ang mga luha ko. Andun sya.. Nakapit habang nakahiga sa kama.. Namumutla at mukang hinang hina. Unti unti akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko yung kamay nya. Mabagal nyang iminulat ang mata nya.. Malamlam ang mga ito.. Pinunasan ko yung luha ko saka ako ngumiti..

"H-hi Hon.. Bakit hindi mo snabing masama pala pakiramdam mo? Pwede naman natin ire-sched yung kasal e.. Naospital ka pa tuloy.." tumalikod ako para punasan yung luha ko. Humarap ulit ako. "Ano okay nba pakiramdam mo? Anong masakit sayo?"

"H-hon.." halos pabulong lang nyang sabi. "O-okay lang.. a-ako.. k-asi.. a-andito ka sa.. t-tabi ko." para syang hinihingal pero nakuha pa nya ngumiti ng bahagya. "H-hon.. M-masaya ka ba.. k-kasi tinupad ko yung k-kasal.. G-gusto ko kasi.. l-lagi kita.. n-nakikitang.. m-masaya.. N-ngayon.. p-pwede na ko.. u-umalis.." sabi nya kahit nahihirapan na sya magsalita. Umiling ako. Hinawakan ko yung kamay nya tsaka hinalikan iyon. Hindi ko na napigilan ang pagluha..

"Hindi ka aalis.. Hindi mo ko iiwan diba? Sabi mo hindi mo ko iiwan. Hindi pwede."

"P-pero kailangan ko na.. m-magpaalam.. H-hanggang dito.. n-na lang.. t-talaga ko.. 6-6 months.. l-lang yung.. t-taning ko e.. A-ang.. m-mahalaga.. n-natupad yung.. p-pangarap mo. B-basta.. t-tandaan mo.. M-mahal na.. m-mahal.. k-kita.. a-at.. h-hihintayin kita.. H-ha? M-mahal.. n-na mahal.. k-kita.. KC." dahan dahan syang pumikit.. Hinawakan ko lang ng mahigpit yung kamay nya habang umiiyak..

"Andrei.. Mahal na mahal kita.. Sige.. Magpahinga ka na.. Ayokong makita kang nahihirapan.. Hintayin mo ko.. Basta hintayin mo lang ako.. Wag kang maghahanap ng iba ha? Hahanapin na lang kita." Tsaka ko sya hinalikan sa labi. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko.. Andrei.. Mahal kita.. Hintayin mo ko..

END~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon