Chapter 4

8 1 0
                                    

CHAPTER 4: KUYA

"Shane! May nag hihintay sayo dito!" Sigaw ni mama mula sa baba. Nag inat lang ako tska nag taklob ng kumot. Antok na antok pa ako ma.

Dapat pala hindi na ako nanonood ng Movie kagabi at nag puyat.

"Shane!" Sigaw muli ni mama mula sa baba. Napakamot na lang ako ng ulo at saka nag taklob ng unan sa mukha.

Ilang minuto pa hindi ko na narinig yung mga pag sigaw ni mama kaya reday to sleep na ulit ako. 

Narinig kong may nag bukas ng pinto pero hindi ko na iyon pinansin. Mas gusto ko pang matulog kesa puntahan yung nag hihintay sakin sa baba.

"Babangon ka ba o ano?" Agad akong napabalikwas ng marinig ang boses na yon.

"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko. Putcha bat nandito tong lalaking to?

"Napadaan lang kami tapos naisipan naming pumasok dito sa loob ng bahay mo." Sarkastikong sabi niya. Nilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto.

Wala namang kung anong meron dito. Mga pictures lang namin ni Tyron tapos yung isang picture, picture ni Clark. Unexpected yung pag kakakuha ko dun kaya maganda tapos nakangiti pa siya. Napatigil ako sa pag-iisip ko at nanlaki ang mata ko at agad akong bumaling sa kanya na pa linga linga pa rin at dun siya nakatingin sa isang board na puro pictures namin ni Tyron at ang iba ay picture namin nila Julie. Baka makita niya na may picture niya ako at baka malaman niyang matagal na akong may gusto sakanya. Nako po. Hindi pwede yon!

Tumayo agad ako at tinulak siya palabas.

"What are you doing?" Inis niyang tanong.

"Umalis ka sa kwarto ko." Ang bigat pala ng lalaking to. >_<

Nadala ko siya sa labas at tuong sumisilip pa rin siya sa loob ng kwarto ko kaya sinarahan ko na yung pinto. Tiningnan niya ako ng masama saka siya bumaba. Sinundan ko na lang din siya sa pag baba. Ano ba naman kasing naisipan ng kumag na to at pumunta dito?

Pag harap ko sa salas literal akong napanganga. Anong ginagawa nilang lahat dito!?

"Good morning Shane." Sabay-sabay nilang bati saakin habang ako ay nagugulat pa rin sa nangyayari. nakita ko naman si Tyron na nag lalakad papunta samin galing sa kusina. nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. dito sa kumag na to hindi na ako magugulat na nandito 'to. halos dito na nga tumira yan 'eh.

"good morning!" masaya niyang bati saken pero agad kong binaling ang atensyon ko sa apat na kalalakihan na nandito sa loob ng bahay namin!

"Anong ginagawa niyo dito?" Taka at gulat kong tanong.

"Wala man lang Good morning?" Nag pout si Keith matapos niyang sabihin iyon.

"Ano ngang ginagawa niyo dito?" Bakit nandito silang lahat?

"Sinusundo ka." Nakangising sabi ni Pat. Nakakunot pa rin ang noo ko sakanila.

"Smile na! Ayaw mo ba non? Xavier's ang gumising at sumundo sayo. Ang daming may gustong mangyari yun sakanila, but luckily sayo nangyari." Nakangiting sambit ni Kurt. "Tska ang ganda mo kapag wala kang napaka kapal na eyeglasses." Agad na nanlaki ang mata ko at napahawak ako dito. Wala nga akong eyeglasses! Mabilis akong tumakbo pataas at kinuha yung salamin ko. Bakit ba bumaba ako ng walang salamin!? Edi nakita nila yung mukha ko kapag wala akong salamin. Huhu. Nakakahiya jusko. >_<

Pag kasuot ko ng salamin bumaba na agad ako.

"Bakit nag ganyan ka pa? Ang ganda mo na sana kanina." Sambit ni Clark kaya literal akong hindi nakagalaw. Ako? Sinabihan ni Clark na maganda? Hindi nga? Baka naman may nakaing hindi maganda tong mga to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inlove In OneWhere stories live. Discover now