Chapter 20

260 2 0
                                    

"You were my one forever " -Lloyd Valdia

Enjoy Reading! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mommy! sleep ka din hihi" paglalambing sa aking ng ANAK ko hehe. Joke lang anak-anakan ko lang pala. Nandito ako sa bedroom ng kambal. Light green ang wallpaper nito which is relaxing sa mata tapos queen size bed na tabi sila laging matulog. May mga toys din na nakakalat and everything. 

"Oo sleep din si mommy but before that sleep muna kayo okay ba babies?" pangungumbinsi ko sa kanila. 8:30 pm na din kasi baka nagaalala na sa akin si kuya. Dapat aalis na ako kaninang hapon eh kaso nagtanong ang mga bata kung saan daw ako pupunta at bakit hindi daw sila kasama oh diba ang tatalinong bata, hindi ako nakaalis, ang hirap kasi nila tiisin parang mga bata na walang muwang sa buhay.

"Mommy kiss po!" sabi ni Cyrell na ngayon ay naka pout sa akin. Hihi ang cute naman ni baby. Hawig na hawig siya ni Ethan eh walang duda na ama nga siya. Nilapitan ko ang kambal pagkatapos ay hinalikan ko ito sa kanilang noo. "Good night mommy! play po tayo bukas po ha"  sabi sa akin ni Jesper, hindi na ako nakaimik dahil pumikit na sila parehas. 

Bago ako umalis inayos ko muna ang kanilang kumot saka lumabas ng kwarto nila.

Parang...parang ang hirap naman nila iwan. Parang may masakit sa dibdib ko. 

"Tulog na ang mga bata?" nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko si Ethan. "Ah oo katutulog lang nila" ngumiti ako.

"Pasensya ka na hindi kita naiuwi kanina gawa ng mga bata." 

"Ano ka ba! ok lang kaya, sobrang nag-enjoy nga ako sa kanila eh." tapos medyo ngumisi ako. Pero totoo, super enjoy ako kanina kalaro ang mga bata. Ganun pala ang pakiramdam ano? parang makita mo lang silang masaya ang saya mo na din.

"So...uhmm uwi na tayo?" aniya.

"Tayo? paano ang mga bata?" 

"Nandito naman si yaya tska ilang maids kaya ayos lang" napatango na lang ako sa sinabi niya. "Let's go."

Kinuha ko ang gamit ko sa lamesa pagkatapos ay sinundan ko si Ethan hanggang sa makalabas ng bahay. Binuksan niya ang kabilang pintuan ng kotse para makasakay ako pagkatapos ay umikot siya para makasakay sa drivers' seat. Ini-start niya ang engine at nagsimulang magdrive.

Tuloy tuloy lang ang byahe, walang traffic, walang abala. Ang tahimik lang. Ang tahimik lang talaga...oo nga.

"Ah Ethan" sinubukan kong umimik kasi na-aawkward na ako dito. "Hmmm" tugon nito.

Tiningnan ko siya na nakafocus lang sa pagmamaneho. Gabi na at malamig dahil tutok ang aircon pero ng tumingin ako sa kanya naginit ang mukha ko-err. Erase erase! pinagnanasaan ko na naman 'to eh. "ano yun?"

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon