Chapter 7: Avid Fan

60 9 0
                                    

CHAPTER 7: AVID FAN

"ENZO THOMSON!" Sigaw ng boyfriend ni Andrea. Napatigil ang lahat para mag-abang sa susunod na mangyayari. Nagkatinginan sa mata si Enzo at ang boyfriend ni Andrea.

Unti-unti itong lumapit.

Kinakabahan ang lahat lalo na ako siyempre. Galit na galit kasi yung lalaki. Hindi naman alam ni Enzo kung anong gagawin niya pero hindi siya natatakot para bang inaabangan rin niya kung anong kayang gawin ng lalaking ito.

"Finally, Enzo Thomson, nagkaharap rin tayo..."

Isang lamesa na lamang ang pagitan nila. Walang nagsasalita o gumagalaw manlang. Kanya-kanya na ring labas ng gadgets upang makunan ang mga mangyayari.

"...kilala mo na ba ako?" Nagkaroon ng bulungan.

"Nakakapagod ka namang sundan! Masyado mo akong pinahihirapan. Sa susunod wag kang nagtatago kasama itong babae na to ha? Dahil baka ikaw ang maging dahilan para mapahamak to." sabi nito sabay turo sakin. Tsk.

Wala paring reaksyon ang mukha ni Enzo. At dahil sa sinabi nito kinabahan na rin ang lahat ng mga babae na nakakasaksi sa pangyayaring ito.

Teka, may dapat ba akong gawin? Aiiiish! Bahala na.

“Oh bakit hindi ka nagsasalita ha? Enzo Thomson." hinawakan nito ang braso ni Enzo habang si Enzo naman, nakatingin lang sa braso niya. At dun na nag-iba ang pakiramdam ni Enzo sa mga nagyayari. Nagbago kasi ang reaksyon niya.

He gave a foolish grin.

Tinago ako ni Enzo sa likuran niya.

"Hoy! Isang malaking damulag na boyfriend nung Andrea na hindi ko alam ang buong pangalan! Bitawan mo na sya! Ano bang kailangan mo sa kanya? Bakit mo sya pinaaabangan? Bakit...bakit galit na galit ka sa kanya? Yung girlfriend mong maharot ang lumalapit sa boyfriend ko no!" Wala na, di ko na napigilan yung sarili ko. Nagulat ang lahat, siyempre. Kahit ako, nagulat ako sa sinabi ko eh.

"ANO!? BOYFRIEND MO SI ENZO THOMSON? ITONG LALAKING ITO PUMATOL SAYO? WOW! NGAYON KO LANG 'TO NAREALIZE PUMAPATOL KA NA PALA SA MGA GANITONG KLASENG BABAE ENZO? NOW TELL ME MAHAL MO BA SYA? AT IKAW! ANONG ANDREA HA? GIRLFRIEND? WALA NA KAMI DAHIL NAREALIZE KO NA....na...."

"Boss sasabihin mo ba talaga?" tanong ng kasama nito.

"Anong sasabihin? Pwede bang ituloy mo na yung sasabihin mo!" sigaw ko. Napangiti si Enzo.

"Narealize ko na lahat nasa akin na, akala ng iba masaya na ako sa lahat ng mga meron ako. Hindi nila alam na may kulang pa...." Bigla nlang kumalma yung mata niya. "...at ikaw yun Enzo Thomson. Mahal na mahal kita pinapasundan kita sa mga friends ko dahil kailangan kong makuhanan ka ng picture at nagseselos ako dahil itong losyang na babaeng ito ang lagi mong kasama."

WHAAAAT?

"ANOOOOOO?! PAKSH*T KA! BAKLA KA? NALAGAY AKO SA SITWASYON NA 'TO DAHIL ANG BUONG AKALA KO PINAGBABANTAAN MO ANG BUHAY NI ENZO! TAPOS GANITO? PAKING TAPE NAMAN! NAGPANGGAP PA AKONG GIRLFRIEND NITONG MAYABANG NA 'TO DAHIL SAYO! Guys! Di niya po ako GF. Alam kong naniniwala kayo. ALAM MO GUSTO KO LANG NG TAHIMIK NA BUHAY EH PERO DAHIL SA KALANDIAN MO WALA NA! AAAAAAAAAAAAH!" Hinampas-hapmas ko itong baklang to. Langya! Bakla pala ‘to? Natakot-takot pa ako sa kanya.

"Ouch! Ano ba! Umayos kang losyang ka ha!" Nagtawanan ang lahat.

"Haha. Sabi ko na nga ba eh!” Nafeel na ni Enzo na bakla ito? Di manlang ako sinabihan bago ako nagsalita ng kung anu-ano. “Sorry kung nasasaktan ka, sorry kung umabot pa tayo sa sitwasyong ganto na kailangan mo pang umamin ng tunay na pagkatao mo. Pero sorry ulit, pare kahit mahal mo ako hindi tayo talo. Ito? Selfie ba ang gusto mo? Oh ayan." kinuha ni Enzo ang cellphone ng kausap at nag take ng picture kasama ito. Natulala ang fan nyang bakla sa pagkakahawak ni Enzo sa kamay nya.

"And everyone! Sorry sa nangyaring ito. Hindi po natin sinadya ang sitwasyon. Sige, pambawi sa inyong lahat, halina't magselfie!"

Dahil nga artista, normal nalang sa kanya ang magpasaya ng mga tao kahit sa simpleng picture lang.

Lahat ay naglapitan sa kanya, ang mga lalaki na hindi naman talaga bakla ay lumapit rin sa kanya. Walang natirang kumakain. Nagkaroon ng "Instant Classpicture".

Bwisit 'tong lalaki na ito! Napakafeeling talaga! Hindi na nahiya hindi ba nya naisip na sya ang pasimuno ng lahat ng ito? Kung hindi sya artista edi sana natahimik pa ako!

"Miss?" Kinalabit ako ng isang fan ni Enzo na para bang nakikiusap.

"Oh ano na naman?"

"Papicture naman kami. Pasuyo naman."

"Amanda. Tanggapin mo na." Pa-chill na pang-aasar ni Enzo.

"Picture? AKO? Nek-nek mo! pagkatapos mo akong...." napatahimik ako nang mapansin ko na hindi nagustuhan ng lahat ang pagtanggi ko.

"Akin na nga yan. Pano ba to pindutin?"

Matapos kong tanggapin ang isa, marami pang gadgets ang inabot sakin. Abusado na ah.

"Aish! Ok eto na oh! Everybody smiiiiiiilllleee. Oh wacky naman. Next pose. Very goood!" Nakapokerface lang ako.

"Etong tablet pa! Kung kanino man to. Next! Magsi pose kayo jan! Magsawa kayo!"

Nang matapos…

"Thank you Idol!"

"Thank you Enzo! Ang bait mo talaga."

"Waaah. Ang bango mo. Salamat sa picture."

"Gwapo mo talaga." Lumapit sila sakin para kunin yung mga gadgets nila pati narin ang baklang may gusto kay Enzo. Para tuloy akong bumbay.

"Ikaw ambisyosang frog. Ang swerte swerte mo. Naging PA ka ni Enzo." Sabay irap at umalis narin ito.

Nabdtrip ako lalo sa baklang yun. Babatuhin ko sana siya kaso... "Miss, iPhone ko yan."

"Ah. Sorry. Hehehehe."

Naging busy na si Enzo sa mga fans at mga rich kid na kumakaibigan sa kanya kaya bumalik ako mag-isa classroom. Nagstart na ang klase pero hindi muna ako nakinig. Medyo, di pa kasi ako makagetover sa nangyari kanina.

Si Enzo naman, di na pumasok. Bahala siya. Kaya naman pala niyang magkaroon ng friends eh.

Haaaay. Teka, Kamusta na kaya si Oneal? Wala pa rin siya? Baka absent na nga.

Kissed by My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon