Chapter 19

20 0 0
                                    

Felix' POV

Isang buwan na nakalipas. At nagdedate na kami ni Anna.

Nagring yung cellphone ko.

Pupunta kami diyan nila Anna at Nathan
---- Emily

Haloween party na kasi namin

Hulaan niyo kung anong costume ko

.

.

.

.

.

Ha ha ha ha ha

Vampire ang costume ko.

Ayaw ko nga ito ehh pero mas bagay daw kasi ito sa akin sabi ng Tita ko.

*Ding dong*

May nagdoorbell

Sila na ata yun.

Binuksan ko yung pintuan

"Trick or Treat!". Sabi nila

Mukha namang mga bata to

"O ito na yung girlfriend mo". Emily

"Oo alam ko, nakikita ko siya". Ako

"Sungit talaga nito. Tara na nga, punta na tayo sa school". Emily

Hinawakan ko si Anna sa kamay niya.

Ang lamig naman ng kamay niya.

"Bakit ang lamig ng kamay mo? Nilalamig ka ba ?" Ako

"Ahh, hindi. Wala to". Anna

"Sige". Ako

Sumakay na kami ng kotse.

------

Anna's POV

(Pagdating sa party)

Ang ingay.

Talaga namang maingay ehh. Party to ehh

Grabe mga costume nila ahh.

Zombie

White Lady

Mummy

Witch

Talaga namang merong magcocostume dito ng witch, haloween party ehh.

Teka, baka nandito na sila Francine

Kanina pa ako kinakabahan..

Umupo na kami sa table namin

Bumulong sa akin si Emily

"Anna, okay ka lang?". Emily

"Kinakabahan ako". Ako

"Wag kang kabahan. Baka hindi pa ngayon sabihin ni Francine". Emily

Kahit na, kinakabahan pa rin ako.

"Punta muna kami kay Ma'am Reyes may itatanong lang kami ni Nathan". Felix

"Sige". Ako

"Gusto mo ng drinks?". Emily

"Sige, thank you!". Ako

"Kukuha lang ako ah. Dito ka lang". Emily

Maya-maya nagsimula na yung party.

Una muna may games

Nasaan na ba si Emily, Felix at Nathan?

Tatayo sana ako ng may biglang humila sa akin

Tumingin ako sa kanya..

Francine ?!

"Hi witch girl. O bakit iba ang costume mo? Isa kang witch di ba ? Kaya dapat yun din ang costume mo". Francine

"Francine please, wag mong sabihin kay Felix". Ako

"Halika dito". Francine

Hinila niya ako papunta sa labas ng school.

"Nagpromise ako sayo na sasabihin ko ang secret mo kay Felix di ba? Pero sabi ko, maghihintay lang ako ng tamang oras". Francine

"Please, Francine. Plano ko rin namang ipagtapat kay Felix ang totoo. Pero naghahanap lang ako ng tyempo". Ako

"I think, now is the right time. So, pwede mo nang sabihin kay Felix". Francine

"Bitiwan mo siya". May biglang nagsalita

Si Felix..

Ngayon....malalaman na niya.

Binitiwan ako ni Francine.

"Anna, ayos ka lang?". Emily

"Oo". Ako

Nagsalita si Francine

"Nandito na pala ang prince charming ni Anna". Francine

"Shut up, Francine. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo, layuan mo na si Anna!". Felix

"Sa tingin ko nga ikaw ang dapat lumayo kay Anna". Francine

"Anong ibig mong sabihin?". Felix

Tumingin ako kay Emily

"Paano na to?" Sabi ko sa mahinang boses

"Itong babaeng to na girlfriend mo ay isang mangkukulam". Francine

Sinabi na nya. Wala na, iiwan na ako ni Felix. At magagalit na siya sa akin

"A-anong ibig mong sabihin?". Felix

Tumingin sa akin si Felix

"Anna, ano to? Totoo ba sinasabi niya?" Felix

Tumingin ako sa kanya

"Oo Felix. Pero sasabihin ko rin naman sayo kaso lang natatakot ako na magalit ka at iwan mo ko". Ako

"Alam mo naman na kinamumuhian ko ang mga mangkukulam dahil sila ang pumatay sa mga magulang ko!". Felix

"Felix, Sorry". Ako

"Felix wag kang magalit kay Anna". Nathan

"Plano naman talaga niyang sabihin sayo, Felix". Emily

"Hindi! Tumigil kayo. Tigilan niyo na ako!". Felix

Umalis na si Felix

"Felix sandali lang!" Ako

Tumulo na yung luha ko

"Bagay lang talaga sayo yan". Francine

"Ano?! Masaya ka na? Masaya ka na sa nangyari sa akin?". Ako

"Bakit hindi ba halata?". Francine

"Napakasama mo, kaya hindi ka magustuhan ni Felix".

"Tumigil ka!". Francine

Sinampal niya ako

Hindi na ako nakapagpigil sa sarili ko. Sinampal ko din siya.

Inawat kami ni Emily at Nathan.

"Ikaw ang hindi magugustuhan ni Felix, dahil isa kang mangkukulam!". Francine

"Ikaw ang totoong mangkukulam, Francine! Dahil napakasama ng ugali mo!". Ako

"Tumigil ka na Francine. Tama na yung ginawa mo kay Anna". Emily

"Umuwi na lang tayo". Nathan

Pagkatapos nun, umuwi na kami

Galit na sa akin si Felix at iniwan na nya ako.

Ano nang gagawin ko?

Kung kailan ko siya minahal, saka siya nawala sa akin.

Bakit ganun?

Wala na akong pag asa, pero di bale pag nawala na ako mawawala na rin ang sakit na nararamdaman ko.

--- End of Chapter 19 ---

Magic Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon