"Sir, I'll just remind you of your meeting tomorrow." Inabot na ng secretary ni Juan Miguel ang kanyang attaché case. It was just his second day back to work after his visit from his nanny's house in Mindoro. Nagkaroon ng biglaang meeting sa isang kliyente na galing pang ibang bansa. He has no choice but to go back immediately.
Juan Miguel Villacorta is the only son of a real estate developer magnate. Bagama't mayaman ang pamilya ay iba ang pagpapalaking ginawa sa kanya. Nang magsimula siyang mag-aral sa elementarya ay pinadala siya sa Mindoro upang mamuhay bilang isang ordinaryong mamamayan.
Katwiran ng kanyang ama ay mas matututo siyang magpahalaga ng mga bagay-bagay kung kailangan niyang paghirapan ang lahat ng gusto niyang makuha. Ang yaya niya at asawa nito ang nagsilbi niyang gabay sa loob ng anim na taon. Sa probinsyang iyon ay walang nakakaalam ng totoong estado ng kanyang buhay. It is for his own security. Sa mga panahong iyon niya natutunan ang magbanat ng buto gayun din ang makisalamuha sa mga ordinaryong mamamayan.
Sa kanyang secondary naman ay duon lamang niya nakasama ang kanyang mga magulang. Pinag-aral siya sa Ateneo at pagkatapos ay tumulak papunta sa Amerika upang kumuha ng kursong business administration.
Habang siya ay nasa Amerika ay namuhay siyang mag-isa at duon niya nagamit ang mga bagay na kanyang natutunan sa probinsiya. Wala siyang katulong duon kaya lahat ng gawaing bahay ay siya ang gumagawa. Gayun pa man ay hindi iyon naging hadlang upang makakamit siya ng Latin Honor sa kanyang pagtatapos.
Sa kasalukuyan ay siya ang Vice-president for operations ng kumpanya ng kanyang pamilya. Madalas hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang buhay sa Mindoro kaya naman tuwing may pagkakataon ay umuuwi siya roon.
Umaasa siya na duon din siya makakatagpo ng babaeng magmamahal sa kanya hindi dahil isa siyang Villacorta kung hindi dahil siya si Juan Miguel. He wants to find and marry a woman who loves him not because of the money he has but because of the qualities as a man, he have.
Sa huling pagbisita nga siya sa kanyang Nana ay may nakilala siyang isang babae, si Attorney Gwendilyn Trininad. This woman truly amazes him. She has this epitome of an independent woman. The kind of woman that wants you but doesn't really need you. It just makes him want to know more about her. He has this feeling of wanting to protect the lady it is an irony since Atty. Trinidad signifies to have a strong will. There is something about her, something that Juan Miguel just couldn't figure out.
Sampung minuto bago ang meeting sa kliyente ay papasok na si Gwen sa building ng kanilang opisina ng masalubong niya ang isang pamilyar na mukha.
"Juan?" napakunot ang nuo niya. Hindi siya sigurado ngunit kamukha ni Juan iyon. Mukhang masama ang timpla nito at pormal na pormal ang damit.
"Siguro hindi siya iyon. Kung kasi si Juan talaga iyon ay pinansin sana niya ako." She tries to make some logic out of her observations at mas lalo siyang naniwala na hindi si Juan iyon sapagkat isang audi ang sinakyan nito. Sa kanyang pagkakaalam ay humigit kumulang walong milyon ang sasakyang iyon. Ipinagkibit balikat na niya ang pangyayari at umakyat na patungo sa kanyang opisina.
Naabutan niya sa receiving area ang isang babae na kahawig ni Catherine Zeta-Jones. Kapansin-pansin na alaga ng spa ang porcelana nitong kutis gayon din ang Brazilian waves ng buhok nito. "Hmmmn, amoy mayaman." Bahagya niya itong nginitian.
"Attorney, keganda-ganda pala ni Mrs. Santillian!" inilapag ni Charie ang kanyang kape.
"Siya ba iyong asa labas?"
"Opo, aakalain mo bang may asawa na siya at take note! May isang anak. Grabe talaga ang mayayaman. Hindi kumukupas ang ganda."
"Kaya ikaw, humanap ka ng mayamang mapapangasawa at wag kang pipirma ng pre-nup. Ako na ang bahala pagkatapos." Biro niya sa kanyang secretarya. "Hala sige na at papuntahin mo na sa conference room at ng makapagsimula na kami.
BINABASA MO ANG
The Lawyer and Her Husband
RomanceAtty. Gwendilyn Trinidad-a good annulment lawyer. She is a very independent woman. Everyone thinks that she needs no one, so as herself. She trained herself to be independent. She pity her mom since he has a father she only saw in the pictures. Atty...