TWENTY EIGHT
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Hindi ko alam kung ilang minute nang magkalapat ang mga labi namin ni Axcel. Hindi ko magawang maipaliwanag ang nararamdaman ko at hindi ko magawang maamin ang nararamdaman ko kahit sa sarili ko. Natatakot ako na magbago ang lahat kapag inamin ko na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. I'm scared but it was all vanished when I felt his arms around mine.
"I'm happy." Seryoso n'yang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Y—You are just drunk, Axcel." Nauutal kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng bigla siyang ngumiti.
"Yeah, too drunk to imagine I'm married with you." Saad n'ya na sinabayan n'ya ng mahinang pagtawa.
Damn, Axcel. Stop making me feel that it was real.
Nagpasalamat ako sa sarili ko dahil nadala ko ang bag ko kanina nang hatakin n'ya ako. Saglit na kinuha ko ang isang box sa bag ko at inabot iyon sa kanya. Agad namang napakunot ang noo niya na tila ba nagtataka kung bakit binigyan ko siya ng isang box.
"What is this?" Kunot-noo n'yang tanong sa akin.
"That's my gift for you." I said then I smiled faintly.
Natigilan naman siya at agad na tinitigan ako ng diretso sa mata. Bigla ay gusto kong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin.
Muli n'yang ibinaling ang kanyang tingin sa box na ibinigay ko. Umupo siya sa kama na malapit sa aming dalawa habang binubuksan ang regalo ko para sa kanya.
Nag-angat siyang muli ng tingin ng tuluyan n'yang makita ang regalo ko sa kanya. Batid sa mukha n'ya ang pagkagulat.
"H—Heena."
"That's our memories together." Sabi ko sa kanya at tsaka ako tumabi sa kanya.
"I treasure every memories with you. Lahat ng oras na magkasama tayo, nandito sa puso ko. I'll never forget every moments I'm with you dahil sa lahat ng oras na magkasama tayo, naging masaya ako. Kahit pa magkaaway tayo, kahit pa lagi mo akong inaasar, o kahit pa lagi mo akong pinapaiyak. Lahat ng 'yon, Axcel. Nandito sa puso't isipan ko at hindi-hindi ko 'yon makakalimutan. Sa mga larawang 'yan na magkasama tayo, sa likod ng mga larawang 'yan ay mga kwentong ikaw at ako ang bida. I gave it you para kapag dumating na ang panahon na iiwan na natin ang isa't isa. Hindi mo ako makakalimutan at maaalala mong naging parte ako nang buhay mo." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Kahit ngayon lang, iiyak ako sa harapan n'ya at sasabihin ko ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
"Alam kong hindi naging madali para maintindihan natin ang isa't isa. Marami na tayong pinagdaanan na tayo lang dalawa ang magkasama, maraming pagsubok na ang dumating sa atin pero lahat ng 'yon nalagpasan natin ng magkasama. Masaya ako dahil nakilala kita, Axcel. Masaya ako na nakilala ko iyong batang walang suot na kahit ano noon, masaya ako." At kasabay ng lahat ng 'yon ay ang tuluyang pagbuhos ng emosyon ko.
"Heena." Bigla n'ya akong niyakap at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin din siya pabalik.
"Nakakainis ka, pinaiyak mo ako!" Sabi ko sa kanya habang yakap-yakap n'ya ako.
"I hate it, when you are crying." Mariin n'yang sabi. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"I won't cry anymore, so you won't hate me." I said then I smiled. He suddenly cupped my face.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomancePublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3