Truth Behind Every Story

317 15 15
                                    

It all started when I was just a kid. Only child lang ako kaya I was treated like a princess by my parents. Noong mga panahon na yon sobrang saya lang ng lahat., but everything is just a lie. Growing up I see how the world turn. It's funny how a picture perfect world turns into a reality. Nalugi ang business ni Daddy and since then he turn into a drunk wild beast. My mom never left him, I salute her for that. But then again my world shutter into pieces ng iwan nya kami ni Daddy para sa kabit nya. Ironic isn't it? I'm just a kid, a 8 yrs old to be specific. Kinuha ako ng lola ko sa side ni Papa at sya na ang nagpalaki sa akin tutal wala naman akong magulang na nakakaalala pa sa akin. From Manila tumira na ako sa Cebu. Lahat sa paningin ko ay bago, para bang napunta uli ako sa panibagong mundo.

Mabait ang lola ko, kahit sya lang ang nag-aalaga sa akin hindi ko naman naramdaman na pabigat lang ako sa kanya. Isang beses kinausap nya ako...

Lola: Galit ka ba sa mga magulang mo Venus?

Ako: Opo

Lola: Bakit naman apo?

Ako: Kasi po hindi na nila ako mahal.

Lola: Alam mo kasi apo, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.

Ako: Huh?

Lola: There is always a truth behind every story.

Ako: Ano po ibig sabihin nun?

Lola: Bata ka pa, hindi mo pa maiintindihan.

Ako: Eh lola gusto ko pong maintindihan.

Lola: Ibig sabihin lang nun, hindi purkit hindi ka na nila mahal ngayon eh hindi ka na nila minahal noon at hindi nila gagawin ang isang bagay ng walang dahilan. May mga bagay na mas mabuting hindi na lang sabihin.

Lagi kong tinatandaan ang sinabing iyon ng Lola ko. Nagpasukan na at Grade 3 na ako dito sa Cebu nakakalungkot lang at walang lumalapit para kausapin ako. Iiyak na sana ako kung hindi lang dumating itong isang batang lalaki.

Lalaki: Di ba ikaw yung apo ni Nanay Rosario? :)

Nakangiti nyang sabi sa akin.

Ako: Oo ako nga, paano mo nalaman?

Nakayuko kong tanong, nahihiya kasi ako.

Lalaki: Syempre alam ko, magkatabi lang kaya bahay natin.

Ako: Talaga? Hindi kita kilala eh.

Lalaki: Ako si Kristoff Villaroel, eh ikaw anong pangalan mo?

Ako: Venus Varron.

Doon nag-umpisa ang pagkakaibigan naming dalawa, kahit pa lalaki sya babae ako hindi yon naging hadlang. Sabay kaming lumaki, yung tipong kadikit lang namin lagi ang isa't-isa. Sya yung laging aakyat ng bakod nila Lola tuwing alas dose kapag birthday ko, gusto nya daw kasi sya ang pinaka unang babati sa akin. Kahit ayaw na ayaw nya pinipilit ko syang manuod ng Sailor Moon, natutuwa kasi sa itchura nya kapag nanunuod kami non. Lagi kaming nasa iisang section, minsan pinagpipilitan nya pa sa teacher para lang tabi kami. Sya yung bumili ng unang napkin na ginamit ko kasi dinatnan ako ng wala si Lola sa bahay. Nandyan sya sa tabi ko nung mamatay sa sakit si Daddy kahit pa ni anino ni Mommy hindi ko nakita sa kahit anong araw ng lamay ni Daddy, siguro talagang kinalimutan nya na ang dating pamilya nya. Pakiramdam ko buong buhay ko ng kasama si Kristoff, alam na namin ang kwento ng isa't-isa. Lagi kaming nag-aasaran pero wala akong naaalalang nag-away kami. Ang gaan lagi ng pakiramdam ko kapag kasama ko sya, para ngang nasa buong sistema ko na sya. Sanay na akong lagi lang syang nandyan sa tabi ko, yung pakiramdam na may isang tao na kahit kelan hindi ka iiwan. Siguro yun na din ang dahilan bat ako nahulog sa kanya. Natatakot kasi akong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, pakiramdam ko kasi mawawala sa akin ang nag-iisang bagay na meron ako sa oras na aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Alam kong magkaibigan lang kami kaya nya ginagawa ang lahat ng iyon sa akin kaya lang kasi umabot na kasi ako sa puntong umaasa na akong baka gusto nya din ako. Mas nananaig pa din sa akin ang takot, kaya kahit pa ga'graduate na kami ng high school sa isang linggo sinasarili ko na lang tong nararamdaman ko. Habang dumadaan ang bawat araw natatakot ako, baka kapag nag'college na kami may makilala na syang iba. Ano na lang ang magagawa ko eh wala na ako lagi sa tabi nya? Mabilis lumipas ang isang linggo at nasa bakuran kami ng bahay ni Lola ngayon nagmumuni muni lang.

Truth Behind Every StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon