Trisha's P.O.V
Pag naririnig mo ang salitang pag-ibig anong una mong na-aalala o na-i-isip? diba si kruxx o di kaya yung taong mahal at kinababaliwan mo (Na meron ring ibang mahal at ibang kinababaliwan)
Okay lang yan dahil ikaw lang naman palagi laman ng puso't isip ko (harot ano connect?).
Oo tama ka ikaw na bestpar ko Ikaw na naging kaibigan ko simula pag kabata ko.Pero Sino ba naman kasi ang hindi mukha mo palang heaven na (at katawan palang ulam na)
Ayt pero isang araw kinilig talaga lahat ng taba sa buo kong katawan (chawot wala ako nun ) at pati na din yung bangs ko (na sa sobrang haba ay umabot na sa sahig nung humiga ako ) dahil sa sinabi mong "Mahal kita" ayiee kinilig talaga ako nun na parang naka-rating na ako sa Cloud 9 (syempre di papatalo si Choco Mucho ) pero putek may "charot" pa palang ka dugtong yun.
Akala ko pa naman nabighani ka na sa aking kagandahan o di kaya na bagok ka at gumanda ako sa paningin mo pero hindi pala (ma try nga i-untog kita sa pader ng paulit ulit baka gumanda ako kahit papaano ).
Lumukot talaga mukha ko nun dahil sa sinabi mo pero nawala nalang yun na parang bula (is dat you my old friend wer na u hir na mi ) nung sinabi mong "Joke lang mahal talaga kita" emeged kenekeleg eke ayieee kinilig ulit si maharot na si ako like dream come true ang peg ko nung time na yun pero foot spa for the second time may kadugtong pala yun "-as a friend".
Like awts it hurts yung feeling na parang lumilipad kana sa Cloud 9 dahil sa kakiligan tas biglang babagsak ka nalang sa matigas na sahig at nasaktan dahil mahal ka lang pala niya as a FRIEND! (Awts mas masaklap pa sa mukha nung klasmeyt ko ).
Di na ba iyon mag babago (di na talaga? sure na yan?) na kahit gawin ko na ang lahat para lang mapansin at mahalin mo (kahit kunting pag tingin🎶).
Pero alam mo yung mas masakit ito yun oh ito talaga "Ish ito nga pala si Stephanie gerlpren ko" (diba ang sakit ang ikli na nga ng pangalan mo pinaikli pa lalo ) ang sakit kaya nun lalo na nung nalaman mong mas maganda ka pa sa ipinagpalit sayo pero aanhin mo ang kagandahan kung di naman Ikaw ang priority at mas mahalaga (ano yun ako yung trade-off at siya yung priority cost?).
Pero nasaktan talaga yung si malanding ako dahil sana naman pumili ka ng mas maganda (di yung mas mukhang lalaki at mas maskulado pa sayo ) mas matatanggap ko pa talaga kung pinili mo yung mas maganda pa sakin eh yung pang Hollywood ganun (hindi yung pang Horror Movies at pang Halloween yung mukha ).
Alam mo mag damag lang akong nag mukmok kinagabihan nun dahil ang sakit sakit at masaklap (yung mukha niya ) talaga yun kaya ilang drum at balde din ng luha ang iniluha ko nun.
Kinabukasan nakita ko pa na ang sweet niyo pero syempre di ako na-inggit dahil alam ko namang lampoo at di kayo mag tatagal (wahahahahahhahah).
Pero kung maalala ko talaga kung gaano kayo ka sweet (maduduwal at baka nga masuka pa ako) ay parang gusto kong sugurin yung babae mo (babae pala yun di halata ) dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko.
Ansakit pala noh yung mag seselos ka at susugod ka na sana Pero ma-aalala mo nalang bigla ano nga ba karapatan ko mag selos eh kaibigan lang naman ako (kaibigan lang pala kaibigan lang pala 🎶).
Pero ano nga naman kasi ang magagawa ng isang trade-off sa opportunity cost at ano nga naman ang magagawa ng isang ubod sa gandang pangalanan nalang nating Trisha sa minahal na (may maskuladong katawan) pangalanan nalang nating Stephanie.
Malungkot na naglakad lakad nalang ako ng makita ko si Kerby (plug plug) "Hey" sabi niya pero sa pawang katotohanan lang ayaw ko talaga siya kausap dahil englishero siya (at na no-nosebleed ako pag nagsasalita na siya ) pero di naman kano trip niya lang siguro mag English.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
De TodoThis are compilation of books that I have written.Works of fiction and work of my imaginative mind.