Love? Tumatagal ba 'yan? Yung tipong sana katulad 'yan ng hangin na nasa paligid lang at hindi mabilis mawala. But I know that can't be. That's how life works. Life can do terrible things.
+++
Marami na akong narinig na taong nagsasabing takot na silang ma-inlove o ayaw nilang ma-inlove kasi ayaw nilang masaktan. Minsan napapa-'fuck off' nalang ako kasi alam kong kahit anong gawin nila, dadating sila sa point na mai-inlove sila.
Parang ako. I used to say such things as 'Baduy mo pre!' and 'And korny mo ulol!' pero ano ako ngayon? Naka-bullseye si kupido nang panain niya ako. Shit, ang bakla ko yata pakinggan.
Dati sinasabi ko sa mga ka-tropa ko wag silang maniwala sa tunay na pag-ibig. Pero kinain ko yung mga 'yon kaya heto ako, paniwalang-paniwala sa true love. Ang galing maglaro ng buhay no? Napaka-komplikado.
Well speaking of true love, masaya ako ngayon sa nililigawan ko. Christine ang pangalan niya. Nakilala ko siya simula nung lumipat sila sa katabing apartment namin at naging bestfriend.
Pero isang araw, two days before valentines day, umamin siya na may gusto siya saakin. Ewan ko ba, na-awkwardan ako bigla kaya iniwasan ko siya pagkatapos nun. Hindi kasi ako sanay na bestfriend ko tapos may gusto saakin.
Ilang months kaming hindi nagpansinan hanggang sa isang araw, na-realize ko na mas hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko.
Kaya ngayon, nililigawan ko siya at mamaya, sasabihin na daw niya saakin kung anong sagot niya.
Ni-ready ko na lahat ng kakailanganin para mamaya. I prepared a dinner at my house at naka-ready na yung garden kung saan kami magpapalipas ng oras.
"Zack, sasama ka pa ba sa party?" -Chris
Oo nga pala, nanalo kami sa semi-finals kaya may celebration.
"Si Zack pa ba? E kaya tayong ipagpalit niyan sa nililigawan nya. Loverboy natin 'yan e" pang-aasar saakin ni Vic.
Loverboy nila ako kung tawagin. Di daw kasi nila inaasahan na magiging inlove ako sa isang simple at tipikal na babae. Kumpara sa mga naging MU ko, si Christine daw ang pinaka-simple.
Bumaba daw standards ko sa babae at nagbago daw ako. Pero di nila alam lahat ng tao nagbabago lalo na kapag nagmamahal sila.
"Pass muna ako pre. Hinihintay na ako ni Tintin eh. Ingat nalang!" Sabi ko kay Chris at Vic.
"Sige na lumayas ka na! Dun ka na sa Tintin mo! Ingat tol!" pahabol ni Vic.
Tumakbo na ako palabas ng building namin at pinuntahan si payatot sa library. Actually di ako sure kung nandun ba talaga siya pero kasi dito ko siya madalas maabutan. Malay niyo diba?
Sakto pagpasok ko ng hallway paputang library, nakita ko siyang lumabas ng pinto. Ang galing ko talaga!
BINABASA MO ANG
One Shot Collections ♥
Historia CortaShort Stories inspired by my dreams, my favorite artist or celebrity and the songs I usually listen to. (c) MansDreamGirl aka Mrs. Byun Baekhyun | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | (Sensya na 'ho, tamad mag-compile si ateng eh. Hihi...