Chapter 20

4K 204 10
                                    

Dalawa ang patay at yung tatlo sugatan. Bali pa raw ang braso nung isa. Hindi pa raw nagkakamalay ang tatlong natira. Di ako makapaniwalang si Nicole lang ang may gawa nun.

Gaya ng sinabi niya hindi namin ipinaalam sa mga pulis ang nangyari. Ipinalabas naming ang mga body guard namin ang may gawa nun. Wala naman nang ibang naitanong ang pulis. Pero ang mga kasambahay at yung mga guard namin. Panay ang tanong nila kung sino yung tumulong sa amin pero sabi ko hindi ko din kilala.

Naalala ko nung sinugod siya nung mga lalaki. Sa sobrang liksi niyang kumilos ni hindi ko alam kung papaano niyang nagawa yun.

She was actually like black widow in real life but my baby is hotter syempre.

When I saw her came in. Kahit na nakatakip ang mukha niya nakilala ko siya. And then I cried really hard...

Pero nung makita ko ang mga mata niya. Sobra ang galit niya, nagdalawang isip pa nga akong lumapit sa kanya.

But why would I be scared to someone who saved my life? Kaya niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang umiiyak ako. She felt like the safest place on Earth.

Mahal na mahal ko na talaga siya.

Pero ikinagulat ko ang huli niyang sinabi bago siya umalis.

DATE ME

DATE ME

DATE ME

DATE ME....

Sa sobrang gulat di ako nakapagsalita tapos bigla na lang siyang nawala sa harapan ko.

Huli na nung marealize ko na nakakakilig pala yung sinabi niya.

Oh my gosh.. I can't believe it.

Kagabi doon muna kami natulog sa isang bahay dahil natatakot si Chris at napagdesisyunan ko rin na doon muna kami dahil mas secured dun.

Nalaman nina Dad ang nangyari and I was not even surprised sa naging reaction niya. Guess what? he just callled then said na magpapadagdag siya ng body guards.

I can't with him... But Mom called and she actually wants to come home kaso ayaw siyang payagan ni Dad.

Sa ginagawa nila mas lalong lumalayo ang loob ni Chris sa kanila.

Napahinga ako ng malalim habang nakaupo nang mag-isa dito sa classroom. I was a bit early kasi.

Halos mapatalon na ako sa upuan when Stacy shouted.

"SUM!!! MY GOSH!!  I HEARD WHAT HAPPEND LAST NIGHT!! ARE YOU OKAY????"

Sigaw niya saka tumakbo papunta sa akin habang chinicheck ako.

Kasunod na ring lumapit sa akin sina Lena na kapwa nag-aalala din.

"H-Hey.. Stays.. I'm okay.. konting galos lang but I am okay."

Sabi ko.

"Ang sabi ni Dad dalawa raw ang namatay dun sa mga magnanakaw at yung tatlo di pa nagigising. Grabe ang gagaling ng mga security niyo."

Napangisi naman ako. Kung alam lang nila.

"Oh ba't ngingisi-ngisi ka dyan??"

Tanong ni Lena.

"Nothing.. ang ganda ko kasi."

Sabi ko saka sila nagsiupo habang pare-parehong umiiling

"Di ka mukhang muntik ma salvage nuh?"

Sabi naman ni Stacy kaya natawa na lang ako.

"Like I said I'm okay. Our securities made a good job."

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon