Chapter 37 - Pura Anima Mea

1.7K 92 83
                                    

Be blown away....

Seth Kyrie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Seth Kyrie

Neopolitan Manila Medical Center - The Surgical Wing

Marami nanamang banner ang nakasabit sa blank wall sa may Lobby. Nalalapit na kasi ang anniversary ng ospital at isa lang ang ibig sabihin nito - may Party ulit. Pagkatapos nun ay, lahat ng 2nd at 3rd year residents ay pupunta na sa kani-kanilang adopted communities kung saan dun namin gugugulin ang tatlong buwan para sa medical mission at community immersion.

Pag anniversary daw ng ospital, may mga awards na nagaganap, promotion at open din ang ibang shares nito sa sino mang may gusto or should I say kung sino man ang may magandang credentials at kayang mag-provide ng buy in. Sinasabi nila na may mga pagkakataon din daw na nagreregalo si Tito Howard (Daddy ni Dio) ng shares sa isang tao na sa tingin niya ay deserving na mapabilang na shareholder ng NMMC. Balita ko ang huling nakapasok sa BOD ay si Dr. Buenaluz and that was 5 years ago.

May isang banner doon na pumukaw sa attention ko.

"Nomination for the following positions is now open"

Binasa ko ang mga vacant post.

"Director & Associate Director for Research and Skills Development, Director for Biomedical Engineering, Director for Psychiatric Wellness at Director for Alternative & Tropical Medicine"

Talaga namang gustong-gustong ilevel-up ng NMMC ang status nito. Hindi lamang ito ordinaryong ospital. Isa itong multi-discipline specialty medical center.

Si Clay ang kasalukuyang head ng Biomedical Engineering, balita ko ay inalok ni Cedric si Clay na maging director pero tumanggi ito dahil daw hindi naman siya for good dito sa bansa. Maliban nalang daw kung may pipigil sa kanya.

"Marriage" yun lang ang pumasok sa utak ko nang marinig ko ang dahilan niya.

Hanggang ngayon ay wala paring Director ang Psych Wing. Umaasa parin kasi si Doc Cedric na babalik si Doc JD sa Pilipinas.

"Jan Derek Go- Abarquez, ang pinsan nina Dwight. Nakilala ko na siya noon sa mga gathering at napakilala narin ako ni Dwight noon sa kanya nung hindi pa ako nagme-med. At recently nga, nang magawi ako sa L.A ay na-meet ko ulit siya.

Cedric told me na kung gusto ko i-pursue yung research ko about Autism and brain mapping on children with coronary conditions, dapat daw ay aralin ko muna yung behavior at practices ng mga pasyenteng ito. At tanging si Doc JD lang daw ang iisang tao na pwedeng mag-mentor sa akin. Si Doc JD ang kauna-unahang Filipino na na-nominate sa ibat-ibang category sa Arnold Jansenn Awards - thrice. At sa larangan siya ng Behavioral Science & Psychiatry nakilala. Kadalasan ang mga patient niya ay drug addicts at alcoholic, meron ding schizophrenic at paranoid.

Ilang beses ko siyang kinulit na maging mentor ko, pero iisa lang ang sinagot niya sa akin - BIG NO!

Bukod kasi sa iniwan siya ng kanyang partner slash 'husband' ay lumalaban rin siya sa sakit na cancer. At napag-desisyonan na nga niya na ipasa-Diyos nalang ang lahat. He already stopped his chemo sessions, ang laki na ng pinayat niya. Lagas narin ang kanyang buhok at mapusyaw talaga ang kulay niya. Despite this physical look he has, makikita mo parin sa kanya ang ka-gwapuhan at talino.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon