*LEEN*
Two weeks na hindi nagpapansinan si slater at si tin. Umm. Okay, is this my fault? Dahil ba sinuggest ko kay tin na makipag-date muna sa iba? Nakaka-guilty ha. Tskk...
"Best, gusto mo manood ng movie?" tanong ko kay tin habang nasa cafeteria kami at naglalunch
"Yoko best, uwi nalang muna ako mamaya, I don't feel good" sagot niya. Sa totoo lang parang ang tamlay tamlay na niya. Di na siya yung madaldal at parang kiti-kiti na bestfriend ko.
"Kamusta pala date niyo ni joseph kagabi?" tanong ko sa kanya
"Ayun, disaster.. dapat di nalang ako sumipot dun eh...ang gross kasi parang bata.."
"Best I'm sorry ah.." bigla ko nasabi sa kanya
"O, bakit ka nagso-sorry?" Ito talagang si tin napaka-dense minsan.hehe
"Kasi alam ko nasasaktan ka. Sa nangyayari sainyo ni slater"
"Ok lang, kasalanan ko rin eh..dapat di ako nakiking sayo. Nasaktan ko siya leen eh... nasaktan na naman siya. Galit na galit ako sayo nung binasted mo siya pero parang ganun din ginawa ko sa kanya eh"
Okay, voldemort i-avada kedavra mo na ko please. Feeling ko sobrang sama kong friend. :( Habang ako eh masaya naman kay Paul, nasira ko naman ang potential na first relationship ni tin.