Dalawang araw lamang ang tinagal ko sa ospital at kakarating ko lang sa condo kasama si Trisha. Si Mandy ay ngayon ang alis papuntang boracay dahil umuwi ang kanyang boyfriend. Tumawag na lang siya at sinabing babawi na lang siya kapag nakauwi na sila dito sa Manila."Nako Julliana wala ka na palang stock ng foods." wika niya habang naglalakad papalapit sa akin sa sala kung saan nagaayos naman ako ng mga damit.
"Ganoon ba? Sige maggogrocery ako mamaya." bakas sa kanya ang pagaalangan sa sinabi ko.
"Nako ,kung wala naman akong lakad mamaya ay ako na sana ang gagawa. Kaya mo na ba?" Natawa ako sa reaksyon niya.
"Oo naman no, lagnat lang yon Trisha. Hindi naman ako magtatagal."
"Sige ganito na lang papadeliver tayo ng lunch natin. Sasabayan na kita."
Matapos namin kumain ni Trisha ay hinatid niya muna ako sa mall para makapamili ng mga kailangan sa condo. Agad akong nakaramdam ng kakaibang lamig pagkapasok ng mall. Kumuha agad ako ng cart at sinimulan na.
Sa kalagitnaan ng aking pamimili ay nakita ko si Hans na may kasamang babae. Siya siguro yong girlfriend na sinasabi ni Mae. Mukha silang nagtatalo kung anong flavor ng ice cream ang bibilhin niya.
"Cookies and cream."
Ngumiti ako ng mapait nang sabay kaming nagsalita ni Hans. Kaya lang bahagya akong naalarma ng bigla siyang napalingon sa side ko kaya naman agad akong tumalikod at dali daling umalis.
Nakarandam na naman ako ng sobrang lungkot at sakit. Kalma lang Julls, hayaan mo na lang sila, makakaraos ka din.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatalon ako sa boses ko sa likudan. Hindi agad ako lumingon.
"Kaya mo na ba? baka mabinat ka sa ginagawa mong yan." huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap.
"Sir" ngumiti ako ng tipid. Mukhang hindi siya pumasok ngayon dahil andito siya.
"Kai." pagtatama niya, lumapit siya sa akin na may dala ding cart. Sinuri ko ang mga binili niya. Napakunot ako ng noo.
" You bake?" curious kong tanong at siya naman ay agad napatingin kung saan at animo y nahihiya sa natuklasan ko.
"Eh ano ngayon,babae lang ba ang nagbebake?." Natawa ako sa pagsusungit niya na dahilan para mapakunot ang noo niya.
"Sungit mo naman po." Hindi niya ako pinansin kaya naman mas natawa ako.
"Tapos kana ba?" Tanong niya at umiling ako.
"Marami pa akong kailangan bilhin, good for two weeks. Madalas din kasi sa condo ang dalawa kong kaibigan."
"Mandy and Trisha?" paninigurado niya.
"Yup, ikaw tapos kana ba?"
"Oo, samahan na kitang tapusin yan para makapagpahinga kana. For Pete sake, kakalabas mo lang ng ospital."
Ngumiti ako sa inaasta niya ngayon. Hindi mo kasi akalain na may ganito pala siyang ugali. Sa office kasi ay napaka istrikto niya at akala mo laging pinagsakluban ng langit at lupa. Maayos naman ang turing niya sa kanyang mga empleyado kaya madami din nagmamahal sa kanya . Hala, hindi pa nga pala ako nagpapasalamat sa kanya.
"Uhm Kai, salamat nga pala sa pagdadala sa akin sa ospital.' hindi siya ako nilingon.
"No problem,I think its my fault because I let you handle that project alone." this time nilingon na niya ako at bakas ang pag aalala sa kanya. Ngumiti ako.
"Huwag mo isipin na kasalanan mo. May pinagdadaanan lang din kasi ako kaya medyo subsob ako sa project na yon." Ngiumiti ako para mapanatag siya.
Matapos kaming mamili ay hindi ko na nakita pa si Hans. Nagprisinta naman si Kai na ihatid ako sa condo. Hindi na ako tumanggi dahil hindi ko kayanh bitbitin mag isa ang mga pinamili ko.