KABANATA 31

88 9 1
                                    

Habang nakaupo ako sa klase, hindi mapakali ang buong sistema ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nakaupo ako sa klase, hindi mapakali ang buong sistema ko. Panay ang sulyap ko sa bakanteng upuan sa tabi ko, na para bang maya’t maya ay lilitaw doon si Aster. Pero wala ito. Ang tahimik ng paligid pero ang isipan ko’y magulo—hindi mapanatag, hindi makahanap ng saglit na kapayapaan.

Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sugat sa noo ni Aster. Naalala ko kung paano tumulo ang dugo mula roon, kung paano siya tumitig sa akin na parang wala lang kahit halata namang masakit.

Paano kung mas malala pala iyon kaysa sa inakala ko? Baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ito nakapasok? Hindi kaya kinailangan niyang tumungo sa ospital?

Sinubukan ko siyang tawagan kanina, pero hindi niya sinagot. Ang mga simpleng tanong ay naging dambuhalang alalahanin, at sa bawat ring ng telepono na nauwi sa kawalan, lalo akong kinakain ng takot.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit hindi man lang siya nagparamdam?

Sa dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko na nagawang mag-focus sa klase. Wala akong naintindihan sa kahit ano—ni ang mga walang humpay na daldal ni Krista tungkol kay Lilith ay hindi ko na nabigyan ng atensyon. Parang nagpatuloy ang mundo pero naiwan ako, nakababad sa takot at pag-aalala.

Hell, I'm worried about Aster!

Pagdating ng dismissal, hindi na ako nagdalawang-isip. Mabilis akong tumakbo pauwi, kinalimutan ang lahat ng dapat sana’y aasikasuhin ko pa. Dumating ako sa bahay na habol-habol ang hininga, diretso agad sa garden, ang madalas niyang tambayan.

At doon ko siya nakita.

Si Aster. Nakaupo sa isang upuan, relaks na relaks, may hawak na tasa ng kape, at abala sa laptop. Parang walang nangyari.

Biglang lumuwag ang dibdib ko. Parang lahat ng tensyon at pag-aalala na kanina’y bumibigat sa akin ay biglang naglaho. Ang hirap ng paghinga ko’y unti-unting naging maayos. Pero kasabay nito, naramdaman ko rin ang galit na umakyat mula sa loob ko. Paano niya nagawang manahimik ng ganito habang ako’y halos mabaliw sa pag-aalala?

Mabilis ang bawat hakbang ko papunta sa kanya, puno ng galit at inis. Pagdating sa harapan niya, hinampas ko nang malakas ang balikat niya, dahilan para matapon ang kape niya sa lapag. Buti na lang at hindi siya napaso.

Nabigla naman si Aster. Galit siyang pumaling ng tingin sa akin, magkasalubong ang mga kilay at nanginginig ang panga, pero natigilan siya nang makita ako. Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon niya, pero hindi ko hinayaan na mauna siyang magsalita.

“Siraulo ka!” sigaw ko. “Hindi mo man lang sinagot ang mga tawag ko! Alam mo bang nag-alala ako sa’yo, ha?”

Halos sumabog ang damdamin ko. Parang kulang ang bawat salitang binibitawan ko para ipahayag ang pinagdaanan ko buong araw.

Nakita kong kumunot ang noo ni Aster, halatang nagtataka. “Nag-alala?” tanong niya, tila wala lang sa kanya.

I felt a stab in my chest. Parang biglang nawala ang lahat ng galit ko at napalitan iyon ng kirot. Tila nagsimulang maglabas ng dugo ang dibdib ko, na kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko.

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon