tap...tap...tap...
Dilim
tap...tap...tap..
Ang tanging maririnig mo lamang ay ang mga yapak ng mga paa.
tap...tap...tap...
Isang palahaw ang narinig sa paligid.
Sa lugar kung saan may makikitang liwanag, may isang dalagita na nakayukot. Patuloy ang kanyang palahaw. Nanginginig ang kanyang mga balikat. Tila ba'y kay bigat ng kanyang nadarama.
Anong dahilan ng kanyang pagtangis?
Sa kanyang pagpalahaw ay may nakatagong mga salita.
"K-kasalanan ko ang lahat...kung hindi dahil sakin...si Rik—"
Katahimikan
.
.
Patuloy ang kanyang pagtangis. Tila ba ang kanyang mga sigaw ang kanyang panalangin. Paulit-ulit niyang sinasambit ang kanyang dinaramdam.
Ang kasalanang nagawa...
Ang buhay na nawala...
Hindi na maibabalik pa...
Riku—o
Rik—
Riku---!