Chapter 01

7.7K 224 12
                                    

"HINDI ito maaari," animo naluging Hapon si Vina Lynn ng makita ang kumalat na balita sa social media na may concert daw sa bansa ang hinahangaan niyang sikat na singer mula sa Europe na si Shawn Mendes. Nakagat niya ang ibabang labi. "Shawn..."

Totoong tuloy iyon. At ngayong darating na katapusan ng buwan ay ilalabas na ang mga tickets sa bilihan niyon.

"Bakit ngayon pa?!" Hinagpis pa rin niya. Suminghot-singhot pa siya habang patuloy sa pag-scroll down sa kanyang cellphone na hawak.

Nanlulumo siya ng sobra dahil nitong linggo lang ay nag-resign na siya sa kanyang trabaho dahil sa baba ng sahod, hindi man lang nag-i-increase. Pang-asar pa ang mga katrabaho niyang wala ng ginawa kundi ang ma-insecure sa kanya. Wala siyang pagkukuhanan ngayon ng pera na maaari niyang gamitin pambili ng naturang ticket. Kung uutang naman siya ay hindi niya alam kung kailan niya mababayaran. Napakakuripot pa naman ng nakatatanda niyang kapatid kapag mangungutang siya ng pambili ng concert ticket. Ang papa naman niya ay lalong hindi magbibigay kung sa concerts lang mapupunta. Gusto nito ay ilalaan niya ang perang galing dito sa mas pakipakinabang na bagay.

Sana pala ay nagtiis muna siya sa dating trabaho at ng may pambili siya ng ticket. Kiber kung doon maubos ang isang buwang sahod niya. Sanay na naman sa kanya ang pamilya niya na sa mga concerts nauubos ang ibang kinikita niya sa pagtatrabaho. Hindi siya pinapakialaman ng mga ito sa kaadikan niya basta magtrabaho lang siya para matustusan ang sarili niyang bisyo. Dahil hindi niya maaasahan ang mga ito.

Twenty-five na siya ngayon at noong college pa siya nag-umpisang maadik sa mga concerts ng mga international boy band na hinahangaan niya. Galing pa sa allowance niya ang ginagastos niya noon.

Pero ang puso at kaluluwa niya ay loyal sa number one spot sa buhay niya, ang Gorgeous Five o mas kilala sa tawag na G5. Ang sikat na sikat na boy band sa bansa. Maging sa international ay matunog din ang grupong iyon na pawang mga half pinoy ang ibang member. Super fan girl siya ng grupo. Pero sa bahay nila ay siya lang ang nakakaalam sa kaadikan niyang iyon sa G5. Mamamatay muna siya bago malaman ng mga ito na fan din siya ng G5.

Ever since na nagsisimula pa lamang sa industriya ang banda ay solid supporter na siya ng mga ito in her own little secret way. Hindi siya nagpapahalata lalo na sa pamilya niya na baliw na baliw siya roon partikular na sa song writer and vocalist ng grupo, si Tharon Park. Half Korean ito at sa edad na twenty-seven ay masasabi niyang napakalayo na ng narating sa buhay. Hindi man niya pinahahalata pero siya ang unang-una na proud sa narating ng binata.

Ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapaka-obvious na super fan girl nina Tharon ay dahil kapitbahay nila ito sa tinitirhang exclusive village sa may San Juan Del Monte, Bulacan. Literal din na magkatapat ang bahay nila. Sa pagkakatanda niya ay may labin-limang taon na rin na magkakilala ang mga pamilya nila simula ng lumipat sila roon. Ayaw rin niyang lokohin siya ng mga kapatid at magulang niya kay Tharon. Baka ikamatay pa niya kapag nakarating sa binata ang pagkabaliw niya rito.

At isa pa ang pagkakaalam ng binata ay hindi siya kasama sa mga nagpapakabaliw sa banda nito. Dahil sa tuwina ay itinatanggi niya iyon. At literal din kung laitin niya ang banda nito sa harap nito na kesyo hindi niya type ang local band, kabaligtaran naman niyon ang totoo. Mabait sa kung mabait ang binata, patunay na kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikitang magalit sa kanya kahit na madalas niya itong sungitan kapag nilalapitan siya. Pagsusungit lang ang tanging paraan niya para itago ang kilig kapag kaharap ito. Nagsimula rin ang pagkahumaling niya sa kaguwapuhan nito at kabaitan noong una niya itong makita noong ten years old siya.

Naggigitara ito noong makita niya ito sa harap ng bahay ng mga ito. Narinig pa niya itong kumanta na lalong nagpa-in love sa kanya. And the rest is history

My Love, My Idol | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon