NASA loob ako ngayon ng aking kotse, katatapos lamang namin mag-usap ni Maine sa tawag.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, binabalewala ako ni Maine.
Nanatiling nakatutok sa labas ng kotse ang pansin ko, hinayaan kong ipahinga saglit ang isip ko.
Ayaw ko itong gawin kay Maine, sapagkat may tiwala naman ako dito. Pero bakit pakiramdam ko may mali, mariin akong napapikit. Inihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. Agad kong inistart ang engine ng kotse ko. Nag-umpisang umandar ang aking kotse, maski utak ko mabilis na gumana.
Ilang minuto ang naging biyahe ko, nang makarating ako sa Ocean Park. Mabilis kong ipinarada sa tabi ang gamit kong kotse, agad akong umibis sa aking kotse. Binati ako ng security guard na nakaassign doon, tinanguan ko lamag siya.
Dumiretso ako sa loob. Habang papasok, palakas ng palakas ang kabang namamahay sa dibdib ko.
Marahan kong iginala ang aking tingin sa paligid, kakaunti pa lamang ang tao sa loob. Kaya hindi pa masiyadong matao, halos napapalibutan ng naglalakihang aquarium ang lugar, naglakad ako papasok sa makipot na daan.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng makita ko si Maine sa 'di kalayuan. Kitang-kita ko rin si Kuya Greg, ito ang nakaharap sa akin. Habang si Maine ay nakatalikod mula sa akin, tila linakumos ang puso ko sa nakita.
Yakap-yakap ni Kuya Greg si Maine, habang si Maine nakayakap din rito. Nagtagis ang ngipin ko, mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko. Kitang-kita ko kung gaano niya hapitin sa pagkakayakap si Maine. Agad akong napatalikod, kasabay ng pagtalikod ko ang biglang pagragasa ng luha sa magkabilang kong mata.
Mabilis akong naglakad palabas, dumiretso ako sa aking kotse. Idinantay ko ang aking ulo sa manibela, hinayaan kong humalagpos ang luhang patuloy lamang sa pag-agos. Hinayaan kong bumigay ang isang bahagi ko, ganoon pala kasakit.
Ang malamang pinagtataksilan ka ng taong pinagtiwalaan mo ng buo at minahal mo ng lubos!
MABILIS kong ipinarada sa gilid ang aking kotse, agad akong lumabas at naglakad palabas papasok ng Ocean Park. Sampung minuto na akong late. Sa pagpasok ko sa konkretong iyon, muling nanariwa sa akin ang lahat. Ang masasayang alaala kasama si Maine, kulitan, tampuhan siyempre mawawala ba iyong kahit napakaiksing panahon na nakasama ko siya. . . minahal ko ito ng sobra-sobra. Higit pa man sa inaakala ng iba.
Agad ko siyang nakita sa 'di kalayuan, nakaupo sa paborito naming bench. Nakaharap sa malaking aquarium, tila bumalik muli sa aking alaala iyong mga panahong isang beses iginuhit ko ito.
Sa mga unang taon na namalagi ako sa America, walang araw na hindi ko siya naiisip. Oo, nakipagdate naman ako. Nakailang girlfriend din, pero hindi naman tumatagal. May hinahanap kasi ako sa kanila na kay Maine ko lamang natagpuan.
Natigilan ako sa paglapit sa kaniya, pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha sa 'di kalayuan. Ang mukhang palaging laman ng isip ko sa tuwing kasama ko ang recent girlfriend ko. Mukha niyang never kong nakalimutan, mukhang hinding-hindi ko pagsasawahang titigan.
Napakurap ako ng bigla niya kong lingunin, ngumiti siya. Ngunit hindi na katulad ng dati na may kalakip ng pagmamahal, mistula siyang estranghera sa akin. Hindi ko na makita 'yung dating Maine na minahal ko dati, malaki ang pinagsisihan ko. Kung bakit hindi ako naging matapang na ipaglaban siya sa mga panahong hawak ko pa ang puso niya.
Akala ko kasi, kaya ko. Akala ko kasi, makakaya ko. . . akala ko lamang pala lahat ng iyon.
Matipid ko siyang nginitian, umupo ako sa kaibayong bench. Tila nagkaisa kaming manahimik na lang muna, habang nanunuod lamang sa mga lumalangoy na isda sa napakalaking aquarium. Tulad ng lugar napakadami ng nagbago, katulad sa amin. . . napakadami na.
"Siya nga pala Greg, mabilis lamang ito. Gusto ko kasing magkaliwanagan tayo. About sa. . ."
Nabahiran ng panglaw ang mata ko, hindi ko na siya pinatapos.
"Sige lang, you need closure way back three years ago right Maine?" Tanong ko rito. Hindi ko ipinahalatang nalungkot ako, akala ko pa mandin babalikan na niya ako. Na nagbabago ang isip niya, na ako na uli ang mahal niya at hindi si Alden. Na nagpapanggap lamang siya, dahil gusto niyang gumanti sa pang-iiwan ko sa kaniya may tatlong taon na ang nakaraan. Pero lahat yata ng eneexpect ko noong una puro mali.
Tumingin siya sa malayo, pagkatapos marahan siyang bumuntong-hininga.
"Oo Greg, gusto kong marinig mula sayo ang lahat-lahat."
Isinuklay ko ang aking buhok, gamit ang aking daliri. Pagkatapos agad kong pinagsalikop ang mga kamay ko. Isinalaysay ko rito ang lahat ng nangyari, kung bakit ako biglang umalis ng walang paalam. Na inatake sa puso ang Papa ng malaman ang pagkamatay ng bunso naming kapatid na si Shane. Na kinailangan kong lumipad papuntang America, dahil walang mamahala sa business namin doon. Napakabata ko pa that time, kaya halo-halo na ang obligasyong nakaatang sa akin. Isinalaysay ko ang paghihirap ko sa pagtikis sa lahat ng bagay mula sa kaniya. 'Yung mga tawag niyang gusto kong sagutin noon, pero hindi ko ginawa dahil baka kapag marinig ko lamang ang boses niya. Agad na akong uuwi ng pilipinas kahit nasa kalagitnaan pa ng crisis ang business namin.
Patuloy siyang nakikinig, tila inaalisa niya ang bawat katagang aking sinasabi.
" . . . Pero lumipas man ang tatlong taong nanalagi ako sa ibang bansa. Nanatili ka sa puso ko Maine, naalala mo iyong time na tinawagan kita. Iyon 'yung time na gusto kong ayusin ulit, na magbalikan tayo. Pero huli na pala be-- because it's obviously right now, your inlove with my brother. I think it's too late and over too make up things right now, Maine," nasa boses ko ang pinaghalong pait sa katotohanan na huli na ang lahat para sa amin ni Maine. Kaya kong tanggapin ang nakaraan niya ng mawala ako, dahil mahal na mahal ko ito. Pero ngayong alam kong hindi na ako ang itinitibok ng puso niya, pababayaan ko siya. Palalayain ko ito, 'di dahil suko na ako. Kung 'di dahil mahal ko siya.
Kung si Alden ang makakapagpasaya sa kaniya, I will let her free. Even it will torn me apart, even if I don't know how to move forward again. To accept the fact na hinding-hindi na maibabalik ang lahat. . .
Nakita ko ang pagtakas ng luha sa kaniyang mga mata. Luha na ang dahilan ay kasiyahan, agad akong tumayo. Wala ng dahilan para mag-stay pa ako ng matagal, maski siya'y tumayo na rin.
"Maybe I have to go Maine," pilit ang ngiting ipinaskil ko sa aking labi.
Kitang-kita ko ang paggaan ng mukha niya, tila siya nabunutan ng tinik sa mga sandaling iyon.
Patalikod na ako ng bigla na lamang niyang tawagin ang pangalan ko. Sa pagpihit ko paharap sa kaniya'y naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"Thanks Greg, salamat sa lahat. I'm so sorry!" Naluluha niyang sabi sa akin. Hinalikan ko ang ibabaw ng kaniyang ulo. Heto na ang huling bagay na aking gagawin, mahigpit ko siyang niyakap.
"Yeah, it's okay. I'm sorry also for being weak, I'm sorry for not being so strong when there's a time na pwe-pwedi naman kitang ipaglaban. I hope makita mo kay Alden ang pag-ibig na hindi ko naibigay sa'yo ng buo. G-Gusto kong maging masaya ka Maine," napapikit kong sabi rito.
Nagtagal kami sa ganoong ayos, sa huling sandali nagpresenta akong ihatid siya sa kanilang bahay. Agad siyang bumaba, nakita ko ang Mama't Papa niyang nakatingin lamang mula sa pinto ng kanilang bahay. Kumaway ako sa kanila para bumati, matipid nila akong nginitian.
Mabilis kong inilayo ang kotseng gamit ko sa lugar na iyon, palayo sa kaniyang mga alaala. Palayo sa babaeng mahal ko.
Mahirap pero kakayanin ko, dahil iyon ang tama. Pinagtagpo kami pero hindi kami ang nakalaan sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...