Mahal kita! Di mo alam?

178 5 2
                                    

       Ako si Cheene. Isang simpleng babae, di kagandahan at hindi rin mayaman. Pero ang kayamanan ko lang ay ang aking ina. May sakit siya. Di masyadong malala pero nag-aalala ako sa susunod na mangyayari. 

         Kinabukasan, dumating tita ko mula sa Amerika. Kinausap ako ni mama. Sabi niya, sumama daw ako sa tita ko. Di ako pumayag, dahil ayoko! Kalaunan, pumayag na ako dahil para rin yun sa aking ina.

         Iniwan si mama sa Lola ko. Ako naman, dinala ako sa Maynila. Dahil doon daw ako mag-aaral ng hayskul at kolehiyo. Wala akong magawa kundi sumama at sumunod sa gusto ni tita.

       Pasukan na! Hinatid ako ni tito sa bago kong skul. Namangha ako sa laki at ganda ng skul na pag-aaralan ko. Di ako makapaniwala na mag-aaral ako kasama ang mga mayayamang estudyanteng naroon.

"Baka naman alilain lang ako ng mga 'to, dahil mahirap ako?", tanong ko sa sarili.                                   

Di ko alam kung saan ako pupunta dahil sa laki nun, dko alam ang daan papuntang rum. Nang may nakita akong lalaki sa tabi ng waiting shed. 

''Ahh. Kuya? pwedeng magtanong?", tanong ko.

"Nagtatanong ka na nga eh!", sagot niya.

"Medyo pilosopo pala 'tong taong 'to!", sabi sa sarili.

          Umalis na ako nun, nabadtrip ako e! Nang may nakita akong parang sumusunod sakin. Siya pala yun! Yung Pilosopong Guy na yun!

"Ahh. Miss? nakalimutan mo kasi yung i.d. mo.", Pabulong niyang sabi.

"Ayy! naku. salamat.", malumanay kong sagot.

"Ako nga pala si Edward.", pakilala niya.

"Ako naman si Cheene. Transferee dito sa skul.", sagot ko.

      Ako si Edward. Anak ng Principal ng skul na pinag-aaralan namin ni Cheene. Bad Boy, walang alam gawin kundi painitin ang ulo ang mga magulang ko. Wala akong kaibigan. Dahil sabi nila, Maangas daw ako. Pero nung dumating sa buhay ko si Cheene, parang nabuhayan ako ng dugo. Di na ako nanghahamon ng away sa campus dahil siya na ang laging kong kasama tuwing may pasok. 

       Weekends, pumunta si Edward sa bahay ni Cheene. 

"Oh? anong ginagawa mo dito, Edward?", tanong ni Cheene.

"Ahm? wala lang. may Group project kasi kami. Eh malapit lang pala bahay mo sa bahay ng kaibigan ko eh. Kaya dumaan ako.", paliwanag ko.

"Sige. kaso di ako pwedeng magpapasok ng kaibigang lalaki eh. Sabi ni tita.", katwiran ko.

"Ayy! naku. okay lang. Di naman yun yung pinunta ko eh.", sagot ni Edward.

"Eh. ano pala?", tanong ko sa kanya.

"Ah. Eh. Kung pwede kang bang yayain sa labas. Kain tayo. Tutal, tapos na kami sa Project namin.", Anyaya nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kita! Di mo alam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon