Hi , first time ko gumawa ng story dito . Sana magustuhan nyo kahit na magulo akong magkwento :D Thank you !
---------------------------------
* Anjan na siya ! oh my God ! ang pogi nya talaga ! >.<
That's me, ang babaeng baliw na baliw kay Rai.
Hi, ako nga pala si Jei, im a college student taking up Bachelor of Science in Information Technology. Classmate ko yang si Rai na super ko naman talagang kinababaliwan!
Si Rai, Siya yung lalaking nagiging dahilan kung bakit halos araw araw nakangiti ako. Crush ko siya ! Dati hindi kami ganung kaclose.
Isang araw, nakita ko yung id nya sa may guard , akala ko nasamsam kasi mahaba yung buhok nya ...
Sa classroom ...
* Rai ( kausap ang mga barkada nya ) - Nawawala yung id ko . Nakita nyo ba ?
Sagot ng mga kaibigan nya. " Hindi eh!."
Bigla akong sumabat sa usapan nila,
* Jhei - Rai ! nawawala ba yung iD mo ? *.*
* Rai - oO e . bakit nakita mo ba ?
* Jei - Oo . nakita ko :) andun sa may guard nakasabit . ang dami ngang gasgas e. akala ko kasi kaya andun e mahaba buhok mo . Samahan kita gusto mo ? ( ASSUMENRANG PALAKA )
* Rai - Tara!
Nakangiti ang mga kaibigan ko . at aba ang mga bruha iniwan ako at hinayaan na lamang ako kay Rai . mga palakang kokak talaga >.<
Sa may guardhouse ..
* Jei - Ayung yung iD mo oh.
at nakuha na nga namin yung id nya. yinaya nya ako kumaen . ( akala ko pa naman treat nya kasi nakita ko yung id nya )
Nagtuloy tuloy ang mga araw na lagi na kaming magkasama . Minsan , napagiiwanan na ako ng mga kaibigan ko . Kasi naman, iniiwan nila ako dahil gusto nila maenjoy ung mga moments na magksama kami ni Rai. ( Baet nila talaga ! )
-----------------------------------------------
Makalipas ang 2 linggo ..
NSTP class namen . Nag cocommunity service kami . Lagi kaming magkasabay sa paglalakad. Kwentuhan sa daan at kulitan . ( hay an sarap sa pakiramdam na lagi mong kasama yung crush mo, yun bang close kayo. ang hirap nga lang na hindi kami parehas ng nararamdaman para sa isat-isa).
* Rai - Jei, tara pumunta sa WalterMart bukas !
* Jei - Bakit ? Anung meron ? *.* ( Deep inside kinikilig )
* Rai - Wala lang !
* Jei - Ocge na nga !
-----------------------------------------------
Sa WalterMart ..
- Bumili kami ng isang balot ng stick-o . Parehas kasi naming favorite yun. Ayun , nakaupo lang kami sa isang tabi, tawanan, kwentuhan , hampasan , asaran. Bakit ganun nu ? Pag yung mahal mo yung kasama mo, para bang kahit paulit ulit lang yung ginagawa nyo, hindi ka pa din nagsasawa. Kasi nga mahal mo >.<
After our date . ( date nga ba yun ? HAHA ) may natanggap akong message ....
From Rai :
Jei, may itatanong sana ako sayo.
Jei :
Oh, anu naman yun ? :D
Rai :
Mahal mo pa ba yung ex mo ?
Jei:
Hindi na , bakit naman?
Rai:
Pwede ba kitang ligawan? :)
Jei:
Ha ? Bakit ako pa ? HAHA .
Rai:
Anu nga ? Pede o hindi ?
Jei:
ikaw bahala :'>
---------------------------
Ayun nga , niligawan ako ng crush ko. At dumating na yung araw na sobra kong naramdaman ang pagmamahal nya kaya sinagot ko na xa. Tumagal lang kami ng 30 days. Nakipagbreak kasi sya sakin the day before our monthsary sa hindi ko alam na dahilan . Classmates pa di kami hanggang ngayon . Pero , hindi kami nagpapansinan . Crush at mahal ko pa din sya kahit sinaktan nya ako . feeling ko nga bitter xa. o baka naman , may nararamdaman pa talaga sya sakin kaya hindi nya ako pinapansin . Hay . pag-ibig nga naman :'>
Umaasa pa din ako na maibabalik namin ni Rai yung dati . kahit hanggang magkaibigan lang ..
THANKS FOR READiNG MY STORY :DD