Finale 1 "The Confession"

14.2K 1K 119
                                    

Shoutout sa mga di makahintay! Hindi kayo ipinanganak in two minutes! Jusko, get a life. 😂

FINALE 1
THE CONFESSION

The moment he hit the enter key, I swear my heart skipped a beat.

Ni hindi pa ako kinabahan sa harapan ng isang computer tulad ng nararamdaman ko ngayon. Happy pill ko ang computer eh, isa itong bagay na nagpaparelax sa akin. Troubleshooting and often hacking one's file are giving me the best adrenaline. Pero sa pagkakataong ito, kinatatakutan ko ang pwedeng mabasa ko. Madami ang naglalaro sa isipan ko. Papaano kung ang mababasa kong tanong ay hindi ko kayang sagutan?

Na hindi kaya ng utak ko?

Mamamatay nalang ba kami ni Gavin ng ganon-ganon nalang?

I was really losing hope, Ilan ba ang pwedeng itanong sa buong mundo?

Pero tama naman si Gavin, we could still die after three hours kung hindi kami sasagot. We are just prolonging our agony.

Kung kanina ay para na akong binabangungot sa kaba, agad napalitan ito ng mas matindi pang emosyon.

The screen showed a live video.

It showed Chastity na naka-smile pa.

Agad akong humagulgol. Lalo na nang nag-wave pa siya sa akin.

"Mommy, why are you crying, you should be looking at Dad right now" Titi voiced out.

Wait...

Naguluhan ako kaya napatingin ako kay Gavin na nakaluhod na pala ang isang paa. A ring was in his hand.

Jusko.. lords...

"W-what is t-this?" I asked in my sobbing voice. 

Is he...

He smiled. Punyeta ito! Suddenly I was relieved, palabas lang ba ito? Ano ang iniluluhod-luhod niya diyan sa harapan ko? Ang sarap niyang bigwasan.

"Is this a joke?" I gulped my worries away.

"Mommy, it is a proposal! Dad, sisipain ka ni mommy kung di ka pa magtanong diyan, pinaiyak mo na siya sa kaba, I told you, your idea of a proposal is not romantic" Titi told her father.

He's really proposing...?

"Marikit" Gavin trailed. I saw his nervousness.  Naramdaman ko ang kaba niya pero maski naman ako kinakabahan na ewan.

"I know I scared you a bit about the bomb scare but---"

Mas lalo pa akong umiyak sa harapan niya. Didn't he realise how scared I was? Na hindi lang konting kaba? Bakit pa niya pinapaalala?

"--Oh God, don't cry" Alo niya sa akin. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya

"Dad!" I heard Titi yelled.

"Your mom is crying Chastity" he answered her.

"Mommy, oh my gosh" Tila inis naman na sabi nito sa akin.

"Mommy!" Ulit pa niya kaya napalingon na ako sa kanya.

"What?" I asked her. Kahit puro luha ako, siya naman ay yamot na yamot.

"Will you accept Dad as your husband?" Siya na ang nagtanong, tumaas pa ang mga kilay niya. Bossy talaga.

"Oh come on Titi, lemme do the asking properly" Gavin snapped at her daughter.

Nagtalo pa sila, jusko!

"Then do it already, oh my gosh, ang bagal mo daddy!"

Bumuntong hininga si Gavin habang nakatingin sa akin. Hindi na pinansin ang sinasabi ni Titi.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon