Kapitulo 2
Cousin.
"Abby, kumakatok na naman siya" umiiyak niyang sabi sa akin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya lagi kong sinasabi sa kanya na dito na siya sa amin, tutal wala naman akong kasama.
"Alam mo na gagawin mo, 'wag mong bubuksan. Huwag mo nang hayaan na maulit yung nangyari noon" nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Abby, natatakot ako." Umiiyak niyang sabi.
"Basta 'wag mong bubuksan ang pintuan" sabi ko sa kanya.
"Ab-by" umiiyak niyang sabi.
"Kasama mo ako, bakit ba kasi ayaw mo dito, o kaya sabihin mo sa mama mo kung ano yung nangyari sa'yo" sabi ko sa kanya.
"Kung sana ganon lang kadali Abby. Alam mo 'yan, ayaw kong masira ang pamilya ko" Sabi niya sa akin.
"Oo alam ko 'yon, pero kasi mali na 'yung nangyayari" sabi ko sa kanya.
"O ano nakatok pa ba" muli kong tanong sa kanya.
"Wala na akong naririnig. Abby baka kumuha ng susi" sabi niya, sabay iyak muli.
"May double lock naman 'yan, hindi 'yan.'Tsaka tatlo pa nga 'yan e." Pampalakas kong sabi sa kanya.
"Basta tandaan mo, lawyer ang mommy ko at senador ang daddy ko. Kaya kung kailangan mo ng tulong readyng ready akong tulungan ka." sabi ko sa kanya.
"Sige salamat Abby, matutulog na ako" sabi niyang muli.
"Okay sige, basta huwag na 'wag mong bubuksan ang pinto anu ma'n ang mangyari. Lyda mag-iingat ka" sabi ko sa kanya.
Binaba na niya ang tawag. Matapos kong ibaba ang aking telepono ay na pa bugtong-hininga na lang ako, bakit ba kasi may ganong tao?
Natatandaan ko last year 'yon nangyari. Nang mamatay ang kanyang tatay dahil sa car accident ay nanlumo siya, dahil wala na siyang kakampi dahil iba ang trato ng nanay niya sa kanya.
Makalipas ang ilang buwan noon ay nakahanap ng bagong mapapanasawa ang nanay niya. Masakit for her because wala pang isang taon na namatay ang kanyang tatay na pinalitan na niya.
"Abby, miss na miss ko na si Daddy" sabi niya sa akin. Kami noo'y nasa cafe malapit sa isang kilalang mall dito sa Manila.
"Lyda, makakaya mo 'yan. Malakas ka diba" pampalakas kong sabi sa kanya.
"Hindi Abby, mahina ako nagpapanggap lang akong masaya. Ang hirap pala!" Sabi niya habang umiiyak.
Agad na namuo ang luha sa aking mga mata, dahil nakikita kong nahihirapan ang kaibigan ko, pero ganun pa man alam kong kailangan niya ako, dapat malakas din ako para lumakas din siya.
"Abby, bi-na--boy niya ak--o" sabi niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya, hindi ko siya maintindihan, anong binaboy? Sino?
"Lyda.. anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Abby....." Sabay iyak niya. Hindi gaanong malakas pero sapat lang para marinig ng mga malalapit na table sa amin.
May lumapit na lalaki sa amin noon, doon ko nakilala si Lucas.
"Miss, may problema ba?" Feeling close niyang sabi.
I admit that the first i saw him, he's very attractive and his face is full of charming, 'yung tipong maalaway ka kapag nakita mo siya.
Maputi siya at bilugan ang mata, ang kulay ng mata ni Lucas ay Ash-gray, mahahalata mong may ibang lahi siyang namana. Siguro dahil mayaman nga.