Joke 3 : Start

164 7 2
                                    

ANGEL

JOKE

Diyan nag umpisa ang lahat. 

At diyan din sana magtatapos ang lahat.

Pero, Joke lang. Sabi ng tadhana.

Eh ako na ata ang nagmukhang na joke dito eh. 

Gusto niyo MMK? 

No? I guess you've had enough. Ok.

Ganito nalang, nag umpisa kasi ang lahat nung sinabi kong crush ko si JG. Pake niyo ba? Bored ako eh. 

Na joke lang sana. But, because i'm surrounded by crazy and immature na mga kaibigan eh, BOOM! Pinagpiyestahan kaming dalawa. Kulang na nga lang ipa letchon nila yung schoolmate naming si Kyle.

Blaaaah!! Basta ang point ko, is this still a Joke?

" Angel! oi!" 

"Huwa?!" sino bang hindi magugulat kung biglaan nalang tawagin ang pangalan mo? Sino ba kasi itong-

"Kya! Lolo? Oi! mabuti naman at andito ka na! Akala ko bukas ka pa papasok! Oh? ano kelangan mo?" Masakitin kasi itong si Eric eh. Alam niyo yung everything comes with a price? Picture perfect ka ba naman -matangos ang ilong, makinis ng balat, may nakakabighaning mga mata, ang- fudge. Ang manyak ko. Basta, gwapo siya.

" Pabili ng brownies." 

Hah! tumpak! Aside kasi sa pagiging magandang goddess ko, I am also the Brownies Queen. Ten pesos lang ha, mabubusog ka na. Oh San' ka pa? Bili na!

" Mamaya nalang sa classroom, baka may makakita dito."  sabi ko sa kanya. Feeling ko nagbebenta ako ng mga bawal na gamot. Nagbubulungan kasi kami eh.

" Oh okay."

Parang may kulang yata sa amin ah.....

" BABY KOOOOOO!" 

Speaking este, thinking of the devil I mean, angel.

" Beth! San ka ba galing ha?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Sorry ah, matagal kami pinalabas ni ma'am eh." pagkasabi na pagkasabi niya nun ay nilamon niya agad ang lunch box niya. Ay,binuksan lang pala at nagsimula nang kumain.

" You know guys? Olaa! I'm Doraaa!" Ugh. Tapos na palang kumain ang tatlong kalog. Not good.

" And you're here in Miami? To fight ghostss!" nabuhay na naman ang powerpuff.

" Hot and sexy ghosts?" Pati ang kambal.

Oh no.

" Nag aaral ako guys." striktong sabi ni Julie.

"Oh shattup! It's common sense!" sambit naman ni Dame.

"Wooh! Go! " pag cheer ni Maria. Haha.

" Alam mo? Ikaw ang walang common sense, palibhasa, bones ka lang. " banat ni Julie

" Blah Blah Blah!" ang napakatalinong sagot ni Dame.

"FIGHT!" may isa saming sumigaw.

At dun nga, nag simula ang meaningless na fliptop battle ng dalawa.

No. Hindi ako nagseselos kay Julie kanina. Haha! How could I ? Eh mas bagay kasi sila ni Dame eh. Aww, the more they hate each other, the more they love one another.


Ngunit, ilang minuto lang ay natapos rin kaagad ito kasi may nakitang patay na ipis si Dame, kinuha ito at hinabol sina Matthew at Lainielle. Tapos nakisali na rin ang dalawa pang idiot. Sa kabilang dako naman ay may mga nanonood lang sa lima habang nagpipigil sa pagtawa, may nagbabasa, natutulog with matching laway na tumutulo, kumakanta, nag gigitara at naghahanap ng kanyang brain.

"Angel, paalalahanan mo nga ako anong year na natin sa high school? Nakalimutan ko ata eh dahil sa kanila." mahinahon na napatanong sa akin si Raezyl habang tumatabi sa pag- upo ko.

" Raezyl, huwag kang mabibigla ah?"

"Sure, wala na yatang makaka sorpresa sa akin. Unpredictable kasi mga kabarkada ko. So, i'm used to it."

" 4th year na tayo." sagot ko na may pag aalinlangan. Eh baka kasi grade 3 pa kami. " I think."

"Oh. Tama."

Haay, yup. 4th year na pala kami. Pero parang pumasok lang ang mga ito sa classroom ng mga 4th year eh. Tsk tsk. 

Love You, Joke lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon