Chapter 24: Fear

153 4 0
                                    


Eireen Pov.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko sobrang hina ko at wala akong magawa sa pagkakataon ito. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Takot ako para sa amin dalawa ni Mj at kahit hindi niya sabihin ay natatakot rin siya para sa amin dalawa.

Lalo na ang mga makikisig na lalaki ay mas tinutok p sa amin ang baril nila. Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at napansin agad ni MJ iyon kaya mas humigpit ang hawak niya sa'kin.

"Don't worry everything will be okay." bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

" A-anong gusto niyong gawin ko?" imik ni MJ pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Sumiklab ang kaba ko ng makita ko ang malawak na ngiti sa labi ng babaeng nasa harapan namin.

Tumingin siya sa mga lalaking may hawak na baril at nagsenyas. Kaya mabilis nila binaba ang baril na hawak niya.

" Simple son. I want you to marry Veronica and you Eireen. Leave my son alone!" sumbat niya at halos manliksik ang mga mata niya sa'kin.

No. I won't!

Nagmatigas ako umiling sa kanya. " A-ayoko. Don't manipulate everything! Parang awa niyo na hayaan niyo na kaming dalawa ni MJ. I love him!"

Bumuhos ang luha sa mukha ko. Natatakot ako. Ayoko ng magkahiwalay kami ng tuluyan ni MJ. I love him and we promise that we fight to each other!

A-ayokong lumaban mag-isa. Lumingon ako kay MJ at halos pinanlamigan ako ng makita ko ang emosyon sa mukha niya. Dumaana ng matinding sakit sa dibdib ko.

N-no! Please Jerome. You love me right? Anong emosyon yan? B-bakit parang susukuan mo na ang lahat? You promised! Please, fight with me love. Parang awa mo na lumaban ka para sa atin dalawa!

" J-jerome.." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Lumingon siya sa'kin. Sumilay ang lungkot sa mukha niya at bumitaw mula sa pagkakahawak sa'kin para punasan ang luha sa pisngi ko.

" Trust me Eireen. Hindi kita iiwan." bulong niya.

Mas lalo kong naramdaman ang sakit sa mga salita niya. Nangilid ang luha sa mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko. Nahihirapan siya. Parehas kaming nahihirapan dalawa pero sa nakikita kong emosyon sa mukha niya at nagpapahina sa'kin ng matindi. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya.

" M-mahal kita." patuloy na buhos ng luha ko.

Tumungo siya at nilapit ang mukha sa'kin hanggang sa lumapat ang labi at hinalikan ako puno ng pagmamahal. Pagkatapos ako halikan ay yumakap siya sa'kin.

" Pumasok ka sa loob ng sasakyan. Drive it. Hayaan mong bukas ang pintuan ng passenger seat kapag nagsign ako sa'yo. Paandarin mo." bulong niya. Sapat na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kaya ng humiwalay siya ay napakapit ako sa braso niya. Tumungo siya sa'kin at bigyan ako ng tingin na magtiwala sa'kin kaya sinunod ko ang sinabi niya.

Napayuko ako at tumalikod sa kanila. Kahit madami ang tumatakbo sa isip ko but I trust him. Susundin ko ang utos niya.

Bago ako tuluyan tumalikod sa kanila ay narinig ko ang sinambit ni MJ na ang dahilan kung bakit tumatawa ng malakas ang babaeng nasa harapan niya.

" Leave her. Sasama ako sa'yo."

Nanghihina akong lumingon sa kanila at dahil nakatalikod sa'kin si MJ ay hindi ko nakikita ang emosyon tumatakbo sa mukha niya. Gusto ko magsalita at magtanong sa kanya! Lalo na ang sakit sa dibdib ko ay masyado nagkakapanghina sa'kin but then I trust him. Wala akong pwedeng gawin kundi magtiwala sa kanya.

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon