Chapter 25: Waiting

179 4 0
                                    

Song insert: Ending scene by: IU

Eireen Pov.

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng sinigaw muli nila ang pangalan ko. Tila hinaplos ang puso ko ng makita ko ang ngiti sa mga labi nila habang ako nakatayo sa stage at may hawak na microphone. Uminit ang sulok ng mga mata ko ng maalala ko na hindi naging madali ang lahat kung saan ako ngayon. Kung saan ako nakatuntong at ano na ang narating ko.

But despite of my career and being a successful singer is still not enough. May kulang parin at kahit hindi ko aminin ay siyang-siya ang kulang sa buhay ko. It's been a two years ago mula ng mangyari ang aksidente na iyon at pilit ko parin binabalikan. Hindi ako matahimik hanggang hindi ko malaman kung okay na ba siya o nagising na ba siya mula sa pagkaka comatose at yung nakita ko bago nawala ng malay ay hindi ako nagkamali sa nakita.

His mom. Ang kinilala kong ina ay nilayo mula sa'kin na wala man lang ako nagawa.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang singsing sa kamay ko. Hindi ko ito tinatanggal mula nangyari ang trahedyang iyon. He's still mine. Kasal parin siya sa'kin but still waiting. Hinihintay ko siyang makabalik.

Napasinghap ako at winaski lahat ang mga naiisip.

Tinapat ko ang mikripono sa aking bibig at nagsalita. " This is my last song for tonight and please take care." sambit ko at muli sila naghiyawan.

Tumingin ako sa likod ko at tinungo ang mga kaband mates ko. Nang muli sila ay tumugtog ay napapikit ako para pigilan ang luhang gustong tumulo mula sa mga mata ko.

Hi there, it has been a while
And your voice I hear without a doubt
It's still you...

Sitting where you used to be
You remain the same
Still by the cold
Entryway

Tell me you've been eating
Know this all will pass
Won't take long before you
Sleep like you did before

Tila kahapon lang ang nangyari sa nakaraan ng bumalik ang alaala ko kung paano ako nagdurusa na wala siya sa tabi ko.

Nang iminulat ko ang mga mata ko sa araw na iyon ay nagdagsa ang luha sa aking pisngi habang pilit na inaalala ang nangyari kahapon. Nanuot ang sakit sa buong katawan ko lalo na sa may bandang paa ko ng pilit ko igalaw iyon.

" M-mj" nanginig ang labi ko ng tawagin ang pangalan niya.

N-nasaan siya? Maayos ba pakiramdam niya? Nakaligtas siya ba siya p-pero hinarang niya ang katawan sa'kin para iligtas ako pero n-naalala ko! M-may kumuha sa kanya...y-yung M-mama niya! K-kinuha siya h-habang ako naiwan sa loob! Iniwan nila ako..h-hiyaan nila ako.. Kinuha nila sa'kin si MJ.

M-mj... MJ.

Napapikit ako ng mariin ng pilitin ko ulit igalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw! Ano bang nangyayari? Nakaligtas ba ako?

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon ilibot ang buong paningin ko at makumpirma ko nasa hospital ako. Pero si MJ! Saan siya dinala ng magaling ina niya! B-bakit niya nilalayo ang asawa ko at ano karapatan niya para ipagkait sa kaligayahan sa aming dalawa?

B-bakit?

Matinding galit ang nabuhay sa dibdib ko. Pakiramdam ko wala akong magawa. Wala akong kalaban-laban at ginaganito ako. Inaapi dahil wala akong sapat na lakas para labanan siya. Wala naman ako pwede ipaglaban kundi dahil mahal ko siya. Mahal na mahal kaya bakit hindi na lang kami hayaan dalawa? We love each other but why?

Ang daming katanungan ang gusto ko masagot pero naagaw nito ng bumukas ang pintuan at pumasok ang tunay kong magulang.

Umukit ang saya sa mga mukha nila ng makita akong gising. Mabilis na lumapit ang kambal at umiiyak na hinawakan ko ang kamay ko.

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon