Nandito ako sa abandoned park nakaupo sa bench, simula kasi nung mawala si lola, wala na masyadong pumupunta dito dahil madami daw ang nagpapakita ditong multoNatatawa nalang ako minsan kasi akala nila ako yung multo na pagala gala dito sa park.
Well dito na lagi ako tumatambay simula pagkabata, ipinagawa ito ni lola para sa akin, lumaki na ako na ang lagi kong kasama ay si lola, kaya lubos ang aking pagkalungkot ng bigla siyang mawala.
Si mom and dad naman, walang oras na hindi sila busy, minsan nakakapagtampo, kasi wala na silang time para makipag bond sa akin.
Naalala ko na naman yung nangyari kahapon hyss, napaiyak nalang ako kasi ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Meron kasi akong boyfriend and nagtagal kami ng 6 years tapos bigla nalang siyang nakipag hiwalay at ang masaklap pa may mahal na pala siyang iba ang saki sakit.
FLASHBACK
"Fel, we need to talk" seryosong seryoso ang muka ni Keanu
"Ano po ang pag uusapan natin mahal na prinsipe?" nakangiti ako ng malapad at parang prinsesa na nag bow
"I think, kailangan na nating maghiwalay" nakatungo siya kaya hindi ko makita ang mga mata niya kung nagsasabi siya ng totoo
"Ang hilig mo talaga mang prank inooooo! Hahahaha akala mo maniniwala ako duuuuh hindi no" akala talaga niya maloloko nya ako ah hahaahhaa
"Look, may mahal na kasi akong iba" nakatungo pa rin siya hindi ko alam kung maniniwala na ba ako o hindi
"Hindi magandang biro yan ino, I know how much you love me" naiiyak na ako shit
"I need to go, baka hinahanap na ako ni Agatha" aalis na sana siya pero pinigilan ko
"Ino ano ba! Bakit??! May pagkukulang ba ako?! Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sayo?!Ipinangako mo sa akin na hinding hindi mo ako sasaktan at papaiyakin pero eto ako ngayon nasasaktan at umiiyak ng dahil sayo!! Paano na yung mga pinagsamahan natin?! 6 years ino!! 6 fucking years ino tapos ibabasura mo lang lahat ng ating mga pinagsamahan!" Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak habang nakatingin siya sa akin with his cold stare
"Kalimutan mo nalang lahat ng pinagsamahan natin Felicity" walang gana niyang sambit
"Tangina Ino!!! sa tingin mo ba ganon lang kadali ang lahat?! sa tingin mo ba madali kong makakalimutan ang lahat lahat?! Ino please mahal kita! Wag mo akong iwan please" nanghihina na ako kaya napaluhod ako, nakatingin lang siya sa akin
"I'm sorry Felicity but I need to go, I'm just wasting my time" hindi na nya ba talaga ako mahal
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Napatigil siya kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko "kung hindi mo na talaga ako mahal,naiintindihan kita. Hindi naman kita masisisi kung nagmahal ka ng iba, Mahal kita pero hindi pala talaga sapat na rason yun para mag stay ka"
END OF FLASHBACK
Napatingin ako sa taas ng kalangitan, ang daming bituin, nandito pa rin ako sa park, inabot na ako ng gabi
Dinadama ko ang pag dampi ng hangin habang umiiyak ako, mahirap talaga pag ikaw lang mag isa yung lumalaban
Tumayo ako at dumeretso sa fountain bago pa man ipagawa ni lola itong park meron nang fountain na nakatayo dito at tinatawag nila itong 'Magical Fountain'
Kumuha ako ng coin sa pocket ko and nag wish ako sa harap ng fountain
"I wish to finally find a right guy for me, a guy who has a brave heart to defend me for. A man where I could feel a sincere comfort by his arms, and lastly a man that will never let me behind as we take further steps along"
Pagkatapos kong mag wish hinagis ko na ang coin papunta sa fountain and saktong may shooting star akong nakita
Bigla akong nakarinig ng kaluskos "may tao ba dyan" walang sumasagot kaya nakaramdam ako ng kaba, akma na akong aalis nang may nakita akong necklace, heart shaped, nang buksan ko ito may nakita akong larawan ng dalawang batang magka akbay
Bakit parang familiar itong picture?
All rights reserved 2019
Shooting Star
Written by: PinkwinnAuthor's Note
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME
PLAGIARISM is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Teen Fiction"I wish to finally find a right guy for me, a guy who has a brave heart to defend me for. A man where I could feel a sincere comfort by his arms, and lastly a man that will never let me behind as we take further steps along" On-going