"BED! Oh em, I finally get to make higa on this soft, fluffy bed," ani Yasmin nang ibagsak nito ang katawan sa kama nito sa hotel room nila ni Armie.
"Ahm, Ate Yasmin, paayos naman ng t-shirt mo," paalala niya rito matapos umupo sa gilid ng kama niya. Lumabas kasi ang tiyan nito dahil sa ginawang pag-inat ng mga braso nito sa ulunan ng kama. "'Di ba sabi sa 'yo nag-install kami ng camera dito sa kwarto? 'Yang nakatapat sa pinto, ta's 'eto sa tapat ng balkonahe. Kita 'tong kama natin. Sa CR lang walang camera, ta's blindspot 'yung sulok sa may TV."
"Hmmp. Your agents can look for all I care, but they can never touch, so frankly, my dear, I don't give a damn," kumindat pa ito sa kanya. "You know what classic movie that line came from?"
Umiling siya. Naiilang pa rin siya na konting kilos na lang nito ay lalabas na ang brang suot nito. Alam pa naman niya ang itsura ng naka-set up na monitor na si Copino at si Barbadillo ang nakabantay, habang mamayang gabi naman ay sina Alagon at Gravamen naman.
Lumabi si Yasmin sa kanya. "Why are you still so uptight? We just came from a grueling photoshoot, catwalk training, dance training, all after us being bilad during the media presentation! Relax, girl!" Kumunot ang noo nito. "Or are you worried of your boss?" Umirap ito. "Turn off your earpiece nga."
Nanlaki ang mga mata niya. "Bawal na bawal na bawal po 'yan, Ate Yasmin—"
"Ano pa bang gusto nila? They're taking videos of us na nga 'di ba? Ano tayo, Pinoy Big Brother housemates? No, turn that off. Or gusto n'yo ba na si Dad ko pa ang mag-utos sa team leader n'yo?" Inabot nito ang cellphone mula sa table sa tabi ng kama at nagpipindot doon.
Nag-panic siya. "Ano, uhm.. Sorry, Sir Mac!" Nag-desisyon siyang i-off ang earpiece niya. Tumingin siya sa camera malapit sa kama niya at nag-peace sign doon bago itinuro si Yasmin.
"Ayan! So hindi na nila tayo naririnig? Wala nang bug or anything dito sa hotel room, ha?" Excited na napabangon ito ng kama.
Tumango siya. Yari siya kay Mac mamaya, sigurado. Pero alangan namang payagan pa niyang makaabot sa NBI Director ang issue na iyon? E 'di pare-pareho napahamak ang buong Task Force Barbie?
Dumapa si Yasmin sa kama at ipinangsalo sa mukha ang dalawang kamay nito. "So... Tell me, Patty, did Mac make kwento about me or anything?"
Napamaang siya. Bakit mukha itong kinikilig? "G-Gusto mo ba talaga siyang pag-usapan? 'Di ba ayaw mo sa kanya?"
Tumawa ito. "Of course not! Bakit sa tingin mo si Mac ang Team Leader n'yo kahit he's relatively young and mas marami pang mas accomplished sa kanya na agents si Dad? I wanted him here!"
"P-Pero kahapon..."
"Ah, 'yung sa airport? You are really so young, and naive, and... never mind. Well, the only reason why I said I'd kill him is because I want to get his attention. Men like Mac, they are brainy, brawny, but very aloof sa women, hindi mo sila makukuha nang pa-tweetums ka. You'd be able to get their attention if you'd pose as a challenge for them. 'Yung kunyari ayaw mo sa kanila para sila ang maghabol. They enjoy the chase. Like that!" Pumitik-pitik pa ito sa ere ng tatlong beses.
"M-May g-gusto ka rin kay Mac?"
Napabangon ito sa sinabi niya. "May gusto 'rin'? Did he make sabi that he likes me, too?" Nagniningning ang mga mata nito na humawak pa sa mga kamay niya.
Gustong batukan ni Armie ang sarili. Bakit ba niya kasi sinama yung salitang 'rin'? "Ah, hinde, sorry, ang ibig kong sabihin, yung candidate number two, narinig ko nagsabi na crush niya daw si Mac." Totoo naman 'yung sinabi niya, narinig niya talaga iyon kanina nung late lunch nila.
Lumabi si Yasmin at bumitaw sa pagkakahawak sa kanya. "Aww. I thought... Anyways, I think I'm slowly inching my way naman to his heart. Kita mo, instead of him being angry at me because of what I said at the airport, kanina inalalayan niya pa 'ko papuntang pool area para 'di 'ko ma-miss yung step pababa."
Pinilit niya ang sariling ngumiti. Naalala pa tuloy niya ang nangyari kanina.
"Pero in fairness to him, he was really quick in getting to your aid. Just like.. Just like Superman! He's, like, to the rescue agad. I want something just like that." Kinuha nito ang isang unan at niyakap iyon ng mahigpit. "You know, more than anything, gusto ko talaga magpayakap sa kanya. Mac's hug, for sure, can make you feel safe. Like, he would not let anything bad happen to you? A hug that would make you feel protected, important, and most of all, loved. Oh my, Maaaaaac!" Lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap nito sa unan at inihilig pa ang ulo doon na mukhang nananaginip ng gising.
Kung si Yasmin ay nag-uumapaw ang kilig na nararamdaman, siya naman ay nahihirapang huminga.
"Okay! Enough of the daydream. I've to use the bathroom, ha. I'm sanay kasi of showering before doing my nighttime skin care routine," anito bago tuloy-tuloy na naglakad papasok ng banyo na nakangiti pa rin.
Pagkasaradong-pagkasarado ni Yasmin ng pinto ng banyo ay ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone niya. Napangiwi siya nang makitang si Mac ang nag-text sa kanya.
Meet me at the fire exit stairs. Now.
Kagat-labing napasulyap siya sa CCTV bago yuko ang ulong lumabas ng pinto ng hotel room nila.
BINABASA MO ANG
The Queen of Shields
Roman d'amourFrom being a PNPA cadet to a Beauty Pageant contestant slash undercover agent. Will Armie survive the training? Parang mas mahirap pa para sa kanya na maglakad ng naka-high heels kaysa mag-martsa sa ilalim ng nakaka-tustang init ng araw. At paano ba...