Chapter 43 "Bomb scare"

7.1K 990 112
                                    

RID2#CHAPTER 43
BOMB SCARE

Hindi ko alam kung sadyang malakas lang ang pakiramdam ko pero kahit pessimist ako ay malakas parin talaga ang hinala ko.

Somehow, I felt that something is going to happen. Pero ipinagwalang bahala ko nalang.

Dapat iniisip ko nalang na kasama ko si Gavin ngayon.

"Ok, doon muna ako. Gusto ko mang bumuntot sa inyo pero ayaw kong mainggit, see you later" Shakira said and left, biglang wala nalang siya sa paningin ko.

"Anong regalo ang gusto mo?" I asked Gavin nang mapagisa kami.

"Ikaw" he smoothly said. Nako napakalandi talaga nito.

"Gavin" I warned him pero tinawanan lang niya ako.

"I don't know, I don't usually give wedding gifts in kind. I usually give cash or MC's" sabi niya.

"Nahiya naman ako sa Manager's Check mo" Ismid ko sa kanya.

Tinawanan lang niya ako ulit.

"Mamya na tayo bumili, I am hungry" mamya ay sabi niya.

"Sa Jollibee?"

"Ang daming tao"

"Jollibee nga diba? Kailan pa nawalan ng tao ang Jollibee? sungit ko sa kanya.

" Let's eat somewhere more private" he suggested.

"Bahala ka nga, ikaw naman ang magbabayad" komento ko nalang. Of course siya ang nag aya eh di siya ang magbayad, haha.

He pulled me in a lift at napakunot ang noo ko nang sa top floor ng DellaRiva Malls ang pinindot niya. He even entered a code.

"Hoy diba private na doon? Bakit may access ka?"

"Connections" He answered. Iba talaga ang mga mayayaman ano?

Natuwa ako nang bumukas ang top floor at nakita ko ang Japanese inspired garden. Lahat ng mga halaman sa paligid at bonsai at trimmed.

"Kanino ang lugar na ito?" I asked at umikot pa ako para mapagmasdan ang lugar."

"A friend" he said at nakapamulsa lang siyang sumunod sa akin.

The place was traditionally peaceful, taliwas sa modernong istilo na gustong gusto ko. Pero hindi talaga matatawaran ang ganda nito. Talagang inaalagaan ang rooftop garden na ito.

"Maganda dito pero nasaan ang pagkain? Akala ko ba gutom ka?" I asked. Doon lang niya ako hinila sa kabilang panig ng garden kung nasaan ang mga bato na itim at puti.

Ang Yin-Yang. Sa gitna noon ay may mesang pangdalawahan.

"Gavin, grabehan ang effort" kinikilig na sabi ko.

"All the best for you Ma'am" sabi nito.

"Baka naman may sing-sing na kasama ito? Tell me magkukunwari ba akong hindi ko ramdam ang proposal mo?" I said.

Ngumiwi siya at nayamot sa sinabi ko.

"Oh my gosh, are you really proposing?" I asked.

"Isn't it too soon?" Rinig kong bwelta niya. Ay pahiya much?

So ayun, a part of me was dismayed but of course he was right. Nagkabalikan lang kami kanina so assuming naman ako masyado.

The meal was ok, may isang unipormadong waiter na nagseserve. May ibinulong si Gavin sa kanya bago nagpasalamat. Marami kaming napagusapan pero halata kong nanahimik si Gavin pagkatapos.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon