Chapter Two
"Prinsesa Danaaa". Ume echo na boses ng dama na kanina pang naghahanap sa kanya. May pagka pilya si Prinsesa Dana, kahiligan nitong ginagawa ang pagtaguan ang kanyang mga dama. Palibhasa may taglay siyang hiwagang higit pa sa kanyang mga dama ang hindi siya makita kapag ka kanyang ginusto. "Narito lang ako", nakangiti nitong sagot sa dama. "Kanina ka pang hinahanap ng iyong amang Hari", humahangos nitong sabi. Halata sa dama na kanina pang naghahanap. Pagod na ito sa kalilipad sa kaparangan. Nakatakda siyang iharap sa prinsepe ng puting kastilyo para matuloy na ang kanilang pag-iisang dibdib. Ipinagkasundo na siya ng kanyang amang si Haring Regadon sa prinsepe mula pa noong sila ay maliliit pa. Hindi gusto ni Prinsesa Dana na siya ay ipinagkasundo. Ang gusto niya ay siya ang pipili ng mamahaling prinsepe. Pero mapilit ang kanyang amang Hari at ang gusto nito ay hindi na pwedeng mabali. Walang magawa ang kanyang Inang Reyna kundi ang sundin ang kanyang amang Hari. "Ayoko", matigas na sagot niya sa dama. "Ngunit Prinsesa malalagot ako sa inyong ama pagka hindi kita kasama", nagmamakaawa nitong sabi. Kung hindi lang dahil sa dama na takot maparusahan ng amang Hari ay patuloy ng magtago muna sa kaparangan si Prinsesa Dana.
"Narito na kami". Malungkot ang mukha nitong humarap sa amang Hari. "Bakit ganyang ang iyong aura aking prinsesa?" tanong nito sa kanya "Hindi mo ba talaga kayang sumunod sa kasunduan." May pag-asang nakikita si Prinsesa Dana sa tanong ng ama. "Ayoko ama", tanging sagot ni Prinsesa Dana. " Ngunit ang nakatakda ay nakatakda na mahal kong prinsesa". Masugid na paliwanag nito sa anak. "Ngunit gusto kong makaisang dibdib ang engkantadong mahal ko ama hindi yong prinsepe nga pero wala akong naramdaman". Pakiusap nitong sabi sa amang Hari. Nanlumo na lang si Prinsesa Dana. Ang amang Hari pa rin ang nasusunod sa kabila ng kanyang pakiusap. "Sa sunod na paglabas ng kabilugan ng buwan itinakda ang kanilang pag-iisang dibdib". Iyon ang huling salita na narinig niya sa amang Hari. Umalis na si Prinsesa sa bulwagan. Lumipad siyang papalayo ng palasyo. Umiiyak habang siya ay paroo't parito ng lipad sa kaparangan. Naalala niyang pumunta sa bukal na tubig sa likod lang ng kanilang palasyo. Doon niya ibinuhos ang kanyang sama ng loob. "Sabi ko na nga ba dito kita mahahanap", wika ni dama Ase.
Hindi na siya pinansin ni Prinsesa Dana. Patuloy ito sa paghikbi. Hangga't sa may humintong kotse. Sabay ang lingon ng dalawang engkantada.
Pasipol sipol na lumapit sa bukal na tubig si Ulysses. Tanghaling tapat ng alas dose eksakto. Kukuha siya ng tubig para sa kanyang inaayos na sasakyan sa di kalayuan. Nasiraan ng sasakyan ang mga biyahero malapit sa puno ng matandang Balete. Ipinasundo lang sa bayan si Ulysses na nagkakataong may tinatapos na sasakyang inaayos din. Pero dahil nagmamadali ang mga biyahero inuna muna niya itong pagsilbihan. Sila yong madalas na mga customer ni Ulysses sa kanyang talyer. Ang mga biyaherong dumadaan sa kanilang bayan para magtawid ng kanilang mga ani papuntang siyudad upang ibenta.
Hindi gumagawi sa bukal na tubig si Prinsesa Dana ng ganoong oras. Nagkataon lang na masama ang kanyang loob sa amang Hari. Nanatiling nakatitig si Prinsesa Dana sa isang taga lupa, kay Ulysses. Nagugustuhan niya ang pasipol sipol na ginawang himig. At inihatid niya ng tanaw habang palayo ang binata sa bukal. May kakaiba siyang kaba na naramdaman sa binata. "Sino siya dama Ase", tanong ni Prinsesa Dana. "Si Ulysses ang binatang apo ng yumaong si lolo Andres", sagot ni dama Ase sa Prinsesa.
"Naiiba sa lahat ang iyong kapalaran", makahulugang wika ng manghuhula. Isang matandang marunong magbasa ng aura ng mukha. Isa itong pasahero na nakasakay din sa kanyang inaayos na sasakyan. May panindang dadalhin din sa siyudad. Napatitig si Ulysses matanda at napapaisip. Siya kasi yong tinutukoy nito. "Isa kang kakaiba at espesyal", patuloy nitong sabi. "Ganun ba lola", nakangiting sagot ni Ulysses. Wala siyang masabi sa tinuran ng matanda. Patapos na ang kanyang ginagawang pag-aayos. Salamat sa iyo", wika ng drayber na nagmamaneho. Nag-abot na ito ng bayad at umandar na ang sasakyan papalayo.
Naisipan ni Ulysses na bumalik sa bukal para makapaghuhugas ng kamay. Marumi sa kamay ang kanyang trabaho pero mas mabilis para sa kanya ang kumita ng pera sa pagmemekaniko. Kaya ayos lang sa kanya, nakakapag- ipon siya bukod pa sa tulong na naibibigay niya sa ina. Napakalinaw ng tubig habang siya ay naghuhugas ng kanyang kamay. Nakikita niya ang kanyang anino. Ngunit bigla siyang napapatitig ng husto dahil bukod pa sa kanyang anino may nakita siyang napakagandang dilag. Hindi lang ito isang anino katulad ng sa kanyang repleksyon na nkikita nkya kundi isang buong imahe. Maganda at mahabang buhok na babae. Bigla ang kanyang lingon sa likod pero walang tao. Nag-iisa siya sa bukal. Ikinurap niya ang kanyang mga mata at tumingin uli sa tubig naroon pa rin ito at nakangiti pa sa kanya. Isang lalaki man siya kinabahan pa rin sa nakita. Unang beses na nangyari sa kanya ang ganun. Alam niyang maraming hiwaga sa bukal dahil nakapalilim pa ito sa puno ng matandang Balete. Pero iyon ay kuwento lang sa kanilang lugar. Sa pagkakataong yaon siya mismo ang nakasaksi. Tumayo na si Ulysses at lumayo na sa bukal. Nanatili sa kanyang isipan ang hiwaga. "Siya kaya ang himig ba huma humming na aking narinig noon?", tanong niya sa sarili. Nabighani siya sa imahe ng magandang babae sa tubig. Kagandahang hindi pa niya nakita sa balat ng lupa.
Mula ng mga sandaling iyon binabalik balikan na madalas ni Prinsesa Dana ang bukal. Ito ay hindi dahil lang ay maligo siya sa tubig kundi sa binatang si Ulysses na nais niyang masilayan. Nagagawa niya pa itong abangan sa ilalim ng puno ng matandang Balete. Ang pagdaan ni Ulysses umaga at hapon ay kanyang binabantayan. "Prinsesa Dana tara na baka tayo ay hinahanap na ng iyong amang Hari", nag-aapurang sambit ni Dama Ase. "Malapit na ang kabilugan ng buwan". Ayoko siyang makaisang dibdib", malungkot na wika ni Prinsesa Dana. "Sino ba ang iyong tinatangi kamahalan? Ang taga lupa bang si Ulysses kaya tayo ay laging narito sa puno na ito", tanong nito sa kanya. Malungkot na tumango si Prinsesa Dana. Nalulungkot si dama Ase para sa kanyang mahal na alagang Prinsesa.
BINABASA MO ANG
Princess Dana (Completed)
FantasiSiya ay engkantadang maganda at masungit. Hindi naman dating ganoon si Prinsesa Dana. Naging masungit siya ng maparusahan dahil sa pamamalagi niya sa mundo ng mga tao. Pinakamamahal na prinsesa sa kaharian ng mga mabubuting engkanto. Magkaiba man an...