Hindi alam ni Myla kung saan kukuha ng malaking halaga na kakailanganin sa operasyon ng kanyang ina sa puso. Kasalukuyan na itong nasa hospital at sa lalong madaling panahon dapat masimulan na itong operahan.
Wala siyang matatakbuhan o mauutangan na mga kamag-anak na may mga sinasabi sa buhay dahil walang magtitiwala sa mga ito sa kanya. Wala daw itong mapagkukuhanan ng pambayad dahil isa lamang daw itong hamak na saleslady isa sa SM sa Manila. Ilan lang sa mga kamag-anak nila na kung sino pang hirap sa buhay ay sila pa ang may puso na nag-aabot ng makakaya sa araw-araw na pangangailangan ng kanyang ina.
Hindi lingid sa mga kaibigan at kakilala ni Myla ang pinagdaraanang suliranin ngayon. May ibinulong ang isa sa kanyang mga kaibigan na ang boss daw ng kanyang boyfriend ay naghahanap ng babaeng birhen na ireregalo nila sa stag party ng kanilang kaibigan bago ang araw ng kasal nito.
Malaking halaga daw ang kapalit nito kapalit ang kanyang pagkabirhen. Hindi nag atubiling pumayag at itinaya ang kanyang sarili para sa ina, ngunit hiniling niya dito na sana huwag ng makarating pa sa ibang tao ang kanilang pag-uusap para na rin sa kaligtasan ng kanyang mahal na ina.
Sumang-ayon naman ang kaibigan dahil malapit namang magkaibigan na maituturing sa trabaho ang mga ito at alam niya ang matinding pinagdaraanan nila sa ngayon.
Nang gabing gaganapin ang stag party ng isang ikakasal na binata ay pinanlalamigan dahil sa sobrang nerbyos. Pero buo ang kanyang loob dahil ang tanging nasa isip ay ang kaligtasan ng ina. Hindi ito alam ng kanilang ina na kanyang gagawin dahil hindi rin lang ito makakapayag kung sakali mang malaman nito.
Nakasuot siya ng maigsi at manipis na pulang lingerie. Pinapasok siya sa loob ng isang malaking kahon tsaka binuhat. Naramdaman na lang niya ang maingat na pagbaba sa kanya. Narinig niyang pinatugtog ang isang malamyos at nakakaakit na tugtugin.
Dahan-dahan siyang tumayo upang mabuksan ang kahon kung saan siya naroon. Medyo madilim sa loob ng kwarto, hindi sasapat isang bombilyang maliit ang konting liwanag na nakasindi. Nais niyang umurong ng mga sandaling yun. Nanlalamig siya sa sobrang kaba at ngayon lang niya napagtanto ang takot. Nilingon ang pintuang nakasara, nais niyang tumakbo palayo. "Hindi pala ganito kadali" naisip niya. Ngunit iniisip niya ang kanilang ina na nasa bingit ng kamatayan.
Ano ang gagawin ni Myla ipagpapatuloy ba niya dahil nandun na siya o tatakasan na lang niya ang lalaking aangkin sa kanyang katawan anumang sandali, pero ang kapalit ay ang kaligtasan ng kanilang ina?
YOU ARE READING
ONE NIGHT STAND (on going)
General FictionIsang negosyanteng binata ang nalalapit ng ikasal, ngunit ang kanyang mga kaibigang pilyo ay lihim nilang pinag-usapan na reregaluhan nila ng isang babaeng birhen sa kanyang stag party.....